Chapter 5

1.5K 33 5
                                    

This chapter is dedicated to kathniel_otp :)

Enjoy!

_______________________________________________________

- C H A P T E R 5 -

{ Daniel's POV }

Naglalakad ako papunta sa classroom ko. Ang tahimik naman. Siguro dahil first day of classes kaya excited lahat pumunta sa mga silid-aralan nila at makipagkwentuhan sa mga kaibigan nila.

O, andito na pala classroom ko. Makapasok nga.

Pag pasok na pag pasok ko, lahat nakatingin sa akin. Yung ibang mga babae nagtitilian, yung iba naka-nga-nga. Yung mga lalake naman nagbubulungan at yung iba ang sama ng tingin sa akin. Well, kasalanan ko bang naakit ko yung mga babae? Siyempre. Transferee na lalake tapos gwapo pa tapos kaklase pa nila. O diba? JACKPOT! 

WALANG AANGAL. SUMAKAY NALANG KAYO.

Ayun nga, late ako kaya't medyo nahirapan akong pumili ng mauupuan. Ay tongak! Iisa nalang pala available. Habang naglalakad ako papunta sa free seat na tinutukoy po, pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko. Grabe, ibang-iba talaga appeal ko noh? Di naman sa nagmamayabang ako pero sabi ni mga magulang ko, mas mabuting magsabi ng totoo. Hehehe.

Nang makaupo na ako, napansin kong babae ang aking katabi. Di ko makita mukha niya sapagkat nakatalikod siya. Mahaba mukha niya at morena. Seems interesting. Umubo ako ng peke pasimple, alams na, paagaw pansin. Mukhang nakuha ko ata atensyon niya dahil unti-unti na siyang lumilingon...

Eto na...

Eto na...

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiingggggggggggggggggggggggggg*

"Anak ng puchachicho naman, o! Panaginip lang pala. Pero kahit na! Gusto kong makita mukha ng babaeng yon! Malay natin, chicks? UGGGH. Nakakainis kang alarm clock ka! Kahit kelan talaga, epal ka. Kung hanapan kaya kita ng pwede mong maka-loveteam? Baka sakali di ka mangistorbo!"

Ay, potek. Ba't ko pinapagalitan alarm clock ko? Tanga nalang.

Pagtingin ko sa oras, it's still 7:10.............

WHAT THE GJSADOGANHASHSA?!! 7:10 na pala? First day of classes ngayon sa new school ko! Hindi pwedeng malate ako kasi baka maging pangit impression nila sa akin. I am a man of honor and pride. Tongue in a moo. Dami kong satsat.

Nagmadali akong maligo, magbihis at kung anu-ano pa.

"MAAAAAAA! Andiyan na ba si Manong Do? Papahatid lang ako sa skwelahan!" sigaw ko sa mom ko.

"Yes nak, he's here. Kain ka muna before you go."

Bago ako sumagot, bumaba muna ako. Baka kasi magising sina Lelay at Magui sa kakasigaw ko.

"Ah, ma, wag nalang. Late na ako. Hehehe."

At tumakbo na ako papunta sa kotse. Baka sermunan pa ako ni mader. Ayaw pa naman nun na nagpapalipas ako ng gutom. Eh ako naman eh, ayaw ko. But do I have any choice? WALA.

"DJJJJJJJJJ!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! BUMALIK KA DITO!!!!!!!"

Sabi ko sa inyo eh.

"LABYU MA, SEE YOU LATER! HEHEHEHE. MWAH!

Bait kong anak.

Sana talaga hindi traffic.

Sabi pa naman ni mommy na 15-minute trip papunta dun. 

7:20 na.

Kapag minamalas nga naman.

Pero sabi nga nila, mas mabuti nalang ang late kesa absent.

Ayan lang pinanghahawakan ko.

*******

Andito na ako sa school ko.

Time check: 7:38. WALA NA, WALA NA TALAGA.

Ang ganda naman dito pero sorry nalang, di ito oras para ma-appreciate ko ang school na'to.

Sa pagkakaalam ko, dalawa ang campus dito at ang HS, nasa 2nd campus. Agad kong hinanap ang bulletin board para malaman kung saang pangkat ako nararapat. Buti nalang at medyo may utak ako kaya nahanap ko kaagad. Iba talaga kapag matalino, noh?

Hinanap ko kaagad yung para sa seniors.

Padilla, Padilla, Padilla, asan ka na ba?

Napansin ko through my peripheral vision, na may babae ring naghahanap ng section niya.

O, I'm not alone.

Medyo pamilyar ang structure niya pero wala akong pakialam, late na ako at kelangan ko ng mahanap ang pesteng surname ko para rin malaman ko kung ano seksyon ko. 

15. Padilla, Daniel John F.

BOOM! Sa wakas!

I used my index finger para hanapin yung name ng section. 

But accidentally, unexpectedly, surprisingly,

my finger met someone else's finger.

Tumingin ako sa side ng babae.

I'm staring at her; She's staring at me.

Nagtutunawan kami, for short.

Wait...

Loading....

Buffering....

IKAW?!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

IKAW?!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

_______________________________________________________

Sa mga nakabasa na ng chapter na ito noon pa, pinalitan ko po. Kasi ang tanga ko po, habang ineedit ko, nadelete ko lahat tapos na-save. Anak ng malas naman o! Pero okay lang, buti nalang di masyadong mahaba yung chapter na ito. Edi safe ako? HAHAHAHA.

Vote.Comment.Spread! <3

xo

Probably KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon