Three Grooms and I Chapter 40 part 1 dra. Heimz

1.6K 10 13
                                    

namulat ako na nasa ospital ako.. may nakakabit na dextros sa mga kamay ko.. at sa tabi ko.. natutulog si marcus habang nakaupo.. hinaplos ko ang buhok nya habang nakayuko sya sa gilid ng kama..

naospital na naman ako.. na naman.. ilang beses na ba akong naoospital? lagi lagi na lang? at hindi ba nasa france kami? wow international? pati ba naman sa france naoospital ako?

teka? b-bakit ba ako naospital?

pinikit ko ang mga mata ko at pinilit maalala ang lahat..

nakaupo lang ako sa labas nung bahay ni aunt salome.. umiiyak ako at..

YUNG BABY KO!

napahawak ako sa sinapupunan ko.. dinugo ako.. naulit na naman.. h_hindi kaya nakunan ako?

hindi hindi ako papayag..

"Marcus! marcus oy gising! yung baby ko!" sigaw ko pa habang inaalog alog si marcus.. napakusot lang sya ng mata habang inaalog alog ko sya

"oy relax lang"

"paano ako magrerelax! yung baby ko! mamatay ako pag nawala ang baby ko!" sigaw ko pa at di ko na napigilan ang pagagos ng mga luhang ito.. totoo naman eh.. di ko alam kung paano ko haharapin ang bukas ng wala ang baby ko

niyakap ako ni marcus isang mahigpit na yakap.. 

"tammy, okay lang yung baby NATIN!" marahan nya pang sabi habang dinidiin yung salitang natin.. tapos ay pinahid nya yung luha sa mga mata ko.. pero naiyak na naman ako ulit..

sa saya.. dahil yung baby ko ay ligtas.. at dahil may isang taong hindi ako iniwan.. at handang maging ama sa anak ko kahit di naman ito kanya..

"m-marcus"

"hay naku nakakabwisit talaga yang demonyitang frog na elvirang yan! nastress ka na naman ng dahil sa kanya.. naku naku pag nawala talaga ang baby natin kakalbuhin ko yang babaeng yan!" galit na galit na sabi pa ni marcus..

"k-kamusta na pala si ivy?" naitanong ko pa dahil simula kanina.. ng makita nyang suot ko yung kwintas.. parang nawala sya ng lubusan sa sarili nya..

"Tamara Santibanez Davis? santa ka ba? ikaw tong nakaratay sa ospital tapos yung kalagayan ng baliw na demonyitang elvira na yun inaalala mo? ano ba!" paulit ulit pa nitong sabi sa akin.. pero hindi ko talaga maiwasang magalala sa kanya.. "wag mo na syang isipin.. basta lagi mong tatandaan.. di ako makakapayag na may makapanakit sa iyo at sa magiging anak natin.. ilang buwan na lang at pamilya na tayo.. ang sumira ng pamilya ko.. ipapadala ko sa impyerno.. arasso?" tapos niyakap nya pa ako ulit

eh ikaw ata ang santo marcus eh.. yung handa mong ibigay sa akin ang lahat lahat.. yung proprotektahan mo ako at aalagaan ang anak ko kahit di naman ito sa iyo.. ang swerte swerte ng babaeng mamahalin mo marcus.. kung sino man sya.. ang swerte swerte nya.. ang pinakamaswerteng babae sa mundong ito..

bakit ganoon? parang naiinggit ako?

erase erase tammy.. my hans ka na di ba..

"oy tamara natulala ka na dyan! nga pala mamaya.. iuultrsound ka daw.. malalaman na nating ang gender ng anak natin" 

oo nga pala.. ilang buwan na rin ito.. limang buwan na.. ano kaya ang gender ng anak namin ni hans?

------------------------------------------------------------

--------------------------------------------------------------------------

"hello. i am dra. Diniel Psyche Jershillen Heimz (dee-nah-yel say-ki dyer-shay-liyen heymz).. and im your attending doctor for today" laking gulat ko ng bumuluga sa akin ang isang pinay na doktora na syang magsasagawa ng ultra sound sa akin.. nakahiga ako at nalagyan na rin nung white na fluid na nilalagay pag iuultrasound nung pranses na nurse kanina,... di ko inakalang pinay yung doktor na magsasagawa..

"pinay ka?kababayan!" sabi pa ni marcus dun sa doktora.. she just looks at him then gives him a cold glare.. tapos ay humarap na ulit sa akin.. 

pinay yung babae pero makikita mong may lahi syang foreigner.. maganda sya,, but she had such cold unexpressive eyes.. na para bang.. something made her eyes cold

but she's still pretty

habang isinasagawa na nya sa akin yung pagultrasound.. panya ang pagdaldal sa kanya ni marcus.. pero di nya ito pinapansin.. kung ano ano naman kasi ang sinasabi nitong si marcus eh.. tinatanong ba naman yung doktora kung ano daw ginagawa nito sa france.. bat daw ang haba ng pangalan nito.. at kung ano ano pa..

pero hindi talkaga sya nito pinapansin..

"look at the monitor.. your baby"s healthy and its a boy"

*_________________________________________*

baby boy?

"baby boy! lalaki ang anak ko yes! junior! grabe ayan ang baby namin... ang gwapo naman mana sa akin!" bulalas pa ni marcus

eto namang si marcus.. ang OA OA.. una sa lahat.. ultrasound pa lang iyan.. paano nya nasabing gwapo? saka.. kung may ibang makakakita sa kanya na ganyan sya.. aakalain talagang sya ang ama nitong bata..

pero nakakatuwa talaga.. lalaki ang anak ko.. lalaki ang anak namin ni hans.. lalaki..

a couple of minutes later.. natapos na yung ultra sound and Dr. Heimz ay kinakausap na lang ako para bigyan ng reseta ng mga gamot na dapat kong inumin..

all things were fine.. okay naman ang paguusap namin..

until she say those words..

"pag bumili ka ng maternal milk.. dont buy the vanilla flavored one" sabi nya sa akin habang nireresetahan nya ako

"bakit naman po?"

she just stares at me "arent you allergic to vanilla?"

natigilan ako.. ahm.. ewan ko.. pero sa pagkakaalam ko ang mommy ni shana ang allergic sa vanilla hindi ako..

napailing ako sa kanya..

"ah sorry.. akala ko lang.. anyway.. minsan tayong mga tao.. may allergy.. at buawal sa buntis ang maalergy naninigurado lang ako annie" mapaklang sabi pa nya

"doktora.. Tammy po.. hindi annie!" bulalas pa ni marcus.. tapos napatawa sya ng mapaklang tawa..

"sorry.. im just a little distracted today.. i just.. i dont know.. sa dami ng pasyente ko.. their characteristics are mixing up in my mind.." paliwanag nya pa sa akin

"bakit dok? broken hearted ka kwento naman" -marcus

akala ko.. iisnabin na naman sya ung doktora but this time sinagot na sya nito "yeah.. my boyfriends a doctor na nasa pinas.. he is so much attach to his patients na kinakalimutan na nya ako.. wala na syang ibang inasikaso kundi yung mga commatose nyang pasyente.. and his career.. his long time dream.. siguro mapapansin nya lang ako pag nakuha nya na ang pangarap na gusto nya.. that"s why im doing my best for him to fulfill his dreams.. oh sorry.. ang dami ko ng nasabi.. so that"s all for today.." tapos ay tumayo sya at nakipagkamay sa amin.. tapos ay bumeso sya sa akin at humawak sa buhok ko.. tapos nagbid goodbye na kami sa kanya..

pero bago kami makaalis ng pinto..

"where do you get that necklace?" -psyche

"ano ba namang kwintas yan ah artista.. kanina pa yan!"-marcus

"may nagbigay lang po nito sa akin"

"do you know what that necklace symbolizes? that marquisse diamond symbolizes something.. di ko lang maalala.. and do you know that ang mga ganyang uri ng necklace ay sa france lang ginagawa.. your necklace has comeback sa lugar kung saan sya nabibilang.. here in france.. just like you.. welcome back to your mother country" sabi nya pa sa akin habang di nya binibitawan ang mga mata ko "oops sorry.. nalito ako ulit sorry.. ingat kayo.. see you when i see you" sabi nya at tuluyan na naming nilisan ang kwartong iyon..

"at alam kong magkikita tayo ulit"

narinig ko pang bulong nya habang papalabas kami

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

palabas na kami ni marcus nung ospital ng mapansin naming nagkakagulo.. isang babae na doktora ang nakatali sa isang gilid ng ospital at unti unting kinakalagan ng mga nakakitang staff..

"someone stole my robe.. she's pretending to be me!" sigaw pa nung pranses na doktora.. di na lang namin pinansin ni marcus..

pati pala dito sa france may ganito.. buti na lang mukhang mabait yung dra.heimz.. ang malas nung patyenteng nataonan nung doktora na yun.. buti na lang talaga mabait si dra. heimz.. imposibleng imposible na sya yung nagpanggap na doktor.

----------------------------------------------------ToBeContinued----------------------------------------------

Three Grooms and IWhere stories live. Discover now