Princess Curse~Chapter 10 - Si Marcus

3K 29 4
                                    

Chapter 10

*Si Marcus*

[Tara's POV]

Asan ako?!

Anong lugar to?!

Bigla akong tumayo sa kinahihigaan ko.

Tapos...

Tapos nakita ko si Ms. Yumi,

Nakatingin sa akin....

Dyusko!

Mamamatay na ba ako mamaya?

Baka bigla niya na lang ako sakalin dito....

Di ba binigyan niya ako ng death threat...

Tamara, mawawala ka na rin sa buhay ko.....

You will die....

Hindi pwede!

Hindi pwedeng mangyari 'to!

Pero maya-maya, napansin ko...

Na katabi ni Ms. Yumi si Marcus....

At nasa loob ako ng ospital....

"Tara, are you alright?" Narinig ko ang napaka-plastic na boses ni Ms. Yumi.

Tinatanong mo ako kung okay lang ako, samantalang binigyan mo ako ng death threat.

Hello! Okay ka lang?!!

"Nakita ka kasi naming nakahandusay sa sahig ng rest room kaya dinala ka namin dito."

At habang sinasabi niya yun, ang demonyong si Ms. Yumi ay nagpapa-kyut pa ng boses.

"Yan tayo Yumi eh, Hirap satin eh, ang plastic mo. Tigilan mo na yan. Di ko na matagalan." suway ni Marcus kay Ms. Yumi, nakita ko namang ngumuso ito at nagda-dabog-dabog nang lumabas.

Ewan ko ba...

Pero pakiramdam ko...

May kakaiba doon sa dalawa.

"Tamara.... Kamusta na ang pakiramdam mo?" sabi sa akin ni Marcus.

Magiging maganda sana ang pakiramdam ko kung malalaman ko ang totoo.

Pero hindi iyon ang sinabi ko.

"Okay na ko Marcus..." sagot ko sa kanya. Ayaw ko kasi siyang mag-alala.

Gusto ko sanang itanong kung ano ang mayroon sa kanila ni Ms. Yumi. Pero hindi ko naman magawa.

"Nga pala Marcus, kamusta naman yung career mo ngayon?" Imbes na sabihin ko sa kanya lahat ng gusto kong sabihin, kinamusta ko na lang siya.

"Ayun, okay naman. Ang daming kailangang i-record. Nakakapagod." sagot sa akin ni Marcus.

Singer-dancer kasi si Marcus. But unlike Hans na isang Cassanova, and Chad na isang bad boy, si Marcus, ang boy next door ang dating. Hans attracts girls because he is a Cassanova while girls are attracted to Chad because he is a bad boy. Pero si Marcus, kahit gwapo and super talented, he seldom attract girls... kasi he's super nice, old-fashioned guy, obsessive, compulsive, and torpe!

"Eh, musta naman ang love life mo ngayon?" banat ko sa kanya.

"Ahmmm... I'm attracted to someone, nahh.. kalimutan mo yun, sa ngayon, may taong nangungulit sa akin, mahal daw niya ako pero di siya ang mahal ko. Pipiliin ko ba yung mahal ko o yung mahal ako?" page-emote pa sa akin ni Marcus.

"Isa pa, pinipilit na ako nila Mama at Papa na magka-girlfriend at mag-asawa na, you see, matanda na sila at ako lang ang kaisa-isa nilang anak na lalaki. At gusto nilang makita ang magiging apo nila sa akin. At isa pa, yung tsismis... yung tsismis ang nagtutulak kela Mama at Papa na pilitin akong magka-girlfriend."

Yung tsismis???

Anong tsismis???

Syanga pala, Pasikat na rin si Marcus. Singer-dancer siya. Tapos nung isang araw, may nabasa ako sa isang diyaryo...

Blind item no. 1

Imarka mo 'to sa krus. Kahit kumanta pa ang Madrigal Singers.

Papasikat na singer-dancer...

Miyembro daw ng mga federasyon?

Yeah, you heard it right...

Si Marcus yun....

Natsi-tsismis siyang isa siyang BEKI.

At ayon sa kanya, inoobliga na rin siya nung manager niya na mag-girlfriend na para mawala na yung isyu sa kanya na isa siyang BAKLA!

Teka! teka!

Di ba sabi niya, may nagmamahal sa kanya pero di naman niya yun gusto. Eh, ba't di na lang kaya yun ang dyowain niya para wala na siyang problema?

Binanggit ko yun kay Marcus. At eto ang sagot niya sa akin.

"Paano ko magagawang pakisamahan ang babaeng nananakit sa babaeng mahal ko?" sagot sa akin ni Marcus.

Sa mga salitang sinabi niya...

Bakit ganito ang pakiramdam ko?

Bakit ganito ang kutob ko?

Bakit pakiramdam ko si Ms. Yumi yung tinutukoy niyang babaeng nagmamahal sa kanya?

Ewan ko ba....

Bigla kong naalaa kung paano ko sila naririnig na nag-aaway.

Parang LQ...

At kung paano tumingin sa kanya si Ms. Yumi.

Punung-puno ng pagmamahal.

Yun lang ang hindi ko maisip...

"Marcus" sabi ko sa kanya.

May gusto akong sabihin sa kanya pero hindi ko magawa. Hindi ko na rin kasi maalala. Ano kaya yun?

Gaia, please help me! I should find a way, para maging close sa kanilang tatlo and find the truth. I also need to find a way para maipagamot ko ang parents ko at matuloy ang studies ko.

Gaia, please....

*Light Bulb!*

Suddenly, An idea popped into my head......

Three Grooms and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon