Three grooms and I Chapter 60

192 10 0
                                    

Three grooms and I Chapter 60

Dear Diary.

                Sabado ngayon, nagpahatid ako ngayon sa cliff. Gusto kong dalawin si Kit.Kagagaling ko lang din sa puntod ni Mama at may dala akong isa pang bulaklak para kay Kit. May kasama akong nurse at nakawheelchair ako. Palala ako ng palala. Pakiramdam ko susunod na ako sa kanila, kela mama at Kit. Pakiramdam ko magisa na lang ako.

                Nandun ako sa Cliff, nakatingin sa kawalan. Kung nasaan man si Kit. Kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya. Para akong baliw na kumakausap sa hangin. Tumulo na lang yung luha ko at pinunasan ko. Tapos ay may nakita akong isang lalaki na nasa cliff. Nilapitan ko sya. Nakatulala rin sya sa kawalan habang tumutulo ang kanyang luha. Napansin nya na may wheelchair sa likod nya at lumingon sya. Tapos ay kinausap nya na ako.Tulad ko, nawalan din sya ng taong mahalaga sa kanya, sa cliff na iyon noong bagyo.

                Finally, I found someone with the same pain I’m bearing. Someone whom I can talk to.

Gaia

 

Dear Diary,

                Hello. Alam mo ba na kada magulo ang isipan ko, pumupunta ako sa cliff na iyon o kaya sa puntod ni Mama. Kanina nagpahatid na naman ako dun sa cliff. At alam mo, nakita ko ulit yung lalaking nakita ko duon sa cliff. May karga syang baby na wala pang isang taon. Inutusan ko yung nurse ko na lumapitkami sa kanya. At doon ay nalaman ko kung sino ang dinadalaw nya.

                Dinadalaw nya daw duon ay yung mama ni Shana. Si Shana ay yung baby na karga nya. Nawala daw sa cliff na iyon yung mama ni Shana. Ng mismong gabi na nawala si Kit.

Mama ni Shana! Nabulalas ko na lang sa nabasa ko. Huwag mong sabihing sa cliff din na iyon nawala si Annie. At sa pagkakaalam ko, sa parehas na bagyong iyon. Hindi kaya... ang kausap nya ay..

At nung tinanong ko sya kung kapatid nya ba si Shana. Kahit nakakagulat ay hindi nagiba ang tingin ko sa kanya. Hindi ko sya hinusgahan. Mula ng makita ko sya duon sa cliff, pakiramdam ko, sya ang bubuo sa akin. Dahil pareho kaming nawalan sa cliff na iyon

                At ang sagot nya sa tanong ko? “hindi ko kapatid si Shana, anak ko sya.”

Gaia

 

Si Hans! Si Hans yung lalaki dun sa cliff!

Dear Diary,

                Ilang araw ang lumipas, na kapag nagpupunta ako ng cliff ay nandun sya. Ikwinento nya sa akin ang lahat tungkol sa kanya. Ang pangalan nya, ang anak nya, ang babaeng nawala dun sa cliff. Kung paanong nagsisisi sya sa lahat lahat. Ako din ay nagkwento sa kanya. At lahat ng sama ng loob ko sa bahay ay sa kanya ko naikwento. Para bang gumaan ang loob ko kasi may napagsasabihan na ako ng problema ko.

                Pero ng araw na ito. Pagpunta ko sa cliff na iyon, wala sya.

Gaia

Dear Diary,

                Days passed, wala na akong nakitang Hans sa cliff. Hindi ko na nakita pa syang muli. Nawala sya ng di man lang ako nasasabi ang pangalan ko. Binibiro ko kasi sya noon, na sasabihin ko lang ang pangalan ko sa kanya sa birthday nya. Pero hindi na nya nalaman. Wala na sya. Sabi nya sa operasyon ko. Andun sya . pero wala sya.

                Sya yung naging lakas ko kasi nahihingaan ko sya ng problema. Pati sya wala. Para tuloy ayoko ng magpaopera.

Gaia

Si Hans nga. Si Hans nga yung lalaki sa Cliff. Hindi ko na nasisi si Gaia kung bakit nya minahal si Hans. Maaring noon pa lang ay may gusto na sya kay Hans. Kaya ng makita nya tong muli. Hindi na nya pinakawalan pa.

                I flipped the pages to read the next entry. After this, I will sleep.

Pero pag flip ko ng sumunod na pahina, ay nanlaki ang mga mata ko. May ilang salita na agad kong nakita at nabasa. Isang rebelasyong kinagulat ko. Kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ni Gaia kela Yumi at kung sino nga bang talaga yung Kit

 

Dear Diary,

                Umuwi si Papa na masaya. Sabi nya sa akin, matutuloy na daw ang operasyon ko. May donor na daw ng marrow. Imbis maging masaya ay tinignan ko lang sya ng masama. “Gaia, may nagmatch na na marrow sa iyo. May donor ka na. Buti na lang at mayroon na dahil nahihirapan kaming maghanap ng donor. Alam mo na, kadalasan kapatid ang nagmamatch. Eh wala ka namang kapatid”

                For god’s sake papa. Alam mo sa sarili mo ang totoo. Kung tutuusin dapat matagal na akong naoperahan. Dapat magaling na ako ngayon. alam mo kung kaninong marrow ang magmamatch. Pero anongginawa mo? Wala. Dahil pag ginawa mo iyon, malalaman nila ang sikreto mo. At kaya mong tiisin ang kalusugan ko para maitago mo lang sa mundo ang totoo.

                Na matagal mo ng kabit yang Jessica na yan. Na kapatid ko si Yumi at Kit. At pinagtulungan nyo ng kabit mo na mamatay si Mama. Mga demonyo kayo. Gagaling din ako, at balang araw tatakas ako ng impyernong to.

                At isa pa yang Yumi na yan. Akala ba nya, hindi ko napapansin, yung guilt sa mga mata nila Ivy. Di ko alam ang totoong nangyari pero para bang may kinalaman sila sa pagkawala ni Kit. At kung tama ang hinala ko, hindi ka tao Yumi. Demonyo ka. Para gawin mo iyon sa sarili mong kakambal.

Gaia

Kapatid? Kapatid ni Gaia sina Yumi at Kit. At na kambal ang dalawa.

Three Grooms and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon