Princess Curse~Chapter 9 - Death Threat

3K 36 9
                                    

sung-dung-ee.. palong palo si maknae oh..

dedicated tong chap na to s king kambal n member ng team hans wohoo

Chapter 9

*Death Threat* 

[Tara's POV]

"I'll testify for you. I will help you find the real suspect and I'll help you. Tutulungan kita para luminis ang pangalan mo."

Maikli lang yun...

Ok, mahaba...

Pero yung mga salitang binitawan ni Hans, paulit-ulit na umaalingaw-ngaw sa tenga ko.

Tutulungan kita para luminis ang pangalan mo...

Tutulungan daw niya ako para luminis ang pangalan ko...

Walang katumbas na halaga iyon. Ang luminis ang pangalang kong nadungisan nila.

Hayy! Sakit-sakit na naman ng ulo ko kakaisip.

After nung pagtatalo namin ni Hans dun sa cafeteria, di na ako pumasok nung sumunod na klase ko. Paano ba naman kasi, bumubungad pa lang ako sa pintuan ng room, nakita ko yung mga classmates ko na nag-uumpukan sa isang sulok.

At alam n'yo ba kung ano ang ginagawa nila?

Pinapanood nila ang video scandal ... *gulp*... *hinga* ko....

Ang video scandal ko....

Nakaka-badtrip talaga oh....

Nag-iinit ang ulo ko....

Ayoko silang makita.

Wala na akong mukhang maihaharap dun...

Dahil sa Ms. Yumi na yun.

Ms. Yumi, Bakit ang sama-sama mo?

At alam mo ba kung saan nila pinapanood?

Hindi sa cellphone...

Kundi sa laptop....

Naka-upload sa isang pornsite...

Tapos narinig ko yung sabi nung isa kong classmate.

"Akala mo ang ino-inosente ni Tamara, yun pala, wild siya."

"In fairness ah... Ang ganda ng katawan niya. Pang-diyosa, pre. Tikman ko kaya..."

"Una ka, susunod ako, malandi naman pala yun. For sure, papatol yun sa atin for free."

At nagtawanan silang tatlo.

Mga Manyak!!!

Ganito na ba ako ngayon?

Binabastos-bastos na lang...

Ayun ang nangyari kaya nawalan na ako ng ganang pumasok. After nung insidenteng iyon, di na ako pumasok sa klase ko, sa halip pumunta na lang ako ng ospital, para bisitahin si Gaia.

Ang bestfriend kong ngayon ay para ng lantang-gulay....

Pakiramdam ko, nag-iisa na lang ako sa mundong ito....

Kasi si Gaia lang ang meron ako, tapos, nawala pa siya....

"Gaia, di ko na alam kung ano ang gagawin ko." sabi ko kay Gaia habang nakatayo ako sa labas ng ICU. Di na ako pumasok at tinitingnan ko na lang ang bestfriend ko sa salamin.

"Gaia, gulung-gulo na ko. Kung andito ka lang sa tabi ko, mas gagaan ang pakiramdam ko."

Oo, totoo yun. Kahit anong bigat ng problema, gumagaan pag kasama ko si Gaia.

Three Grooms and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon