Three Grooms and I~ 72

140 8 1
                                    

Three Grooms and I 72

“Hindi ko na alam ang gagawin ko Jema. Imposible ng makabalik tayo sa bahay. Paano ko na maalagaan si Shana. Paano ko na mapaghihiganti si Annie. Lahat naman ng ginagawa ko, mula ng bata pa kami, para kay Annie. Para sa kapatid ko.”

Paulit ulit kong iniisip yun. Kahit ilang beses kong sabihin na hindi na ako dapat concerned dun, na dapat wala na akong pakialam, na dapat hindi na ako nagaalala. Buhay nila yan eh.

Pero hindi ko maiwasan. Hindi ko magawang mainis kay Tonette kahit nalaman kong impostor din pala sya. Dapat naiinis ako kasi pinagpalit ako ni Hans sa isa ring impostor, pero hindi ko magawang mainis. Lalo pa ng marinig kong kapatid nya yung tunay na Annie at ang tanging gusto nya lang ay protektahan iyon. Parang yung pagproprotekta ko kay Gaia. Ganun na ganun.

Pero hindi ko na dapat iinvolve ang buhay ko kela Shana at Hans. Masaya na ako eh, guguluhin pa nila.

Ilang minuto ay lumabas na sila ng c.r. at lumabas na din ako after ng 5 minutes. Para di halata di ba? Tapos ay naglakad na ako pauwi. Este palabas ng school.

Palabas na ako ng makita ko si Chad na naglalakad, tatawagin ko sana sya ng makita kong...

“Chad!” tawag ng isang babae tapos ay bigla syang binackhug.

Nanlaki ang mga mata ko, hindi ko alam kung matatawa ako, mashoshock, magagalit, mababaliw o

Magseselos.

Anak ng.

*******

Nasa bahay ako nila Diniel. Dumiretso ako ng uwi at hindi na hinanap si Chad. Bahala sya sa buhay nya, saksak nya sa baga nya.

Nagkulong lang ako sa kwarto habang nakikipaglaro sa baby hipon ko.

Maya maya ay biglang kumatok si Chad.

“Tammy ko~”

Kinuha ko yung pinakamalapit na unan at binato sa pinto.

“ALIS!!!!”

“oy, Tammy. Tinoyo ka na naman. Buksan mo tong pinto.” Sabi nya pa habang pinipilit buksan ang pinto.

Kinuha ko pa yun ibang unan at binato sa pinto.

“Walang Tammy dito. Alis sabi!” sigaw ko pa. nakakairita. Isaksak nya sa baga nya si Jema. Magsama sila.

Naririnig ko si Chad na nakikipagusap kay Diniel sa labas.

“Diniel! Pahiram ako ng susi nitong kwarto dali.” Sabi pa ni Chad.

“Bahala ka sa buhay mo, aalis ako.” Maikling sabi ni DIniel. Haha di tinulungan. Buti nga.

“Pag di mo binigay sa akin yung susi sisirain ko tong pinto!” sabi pa ni Chad. Ganoon? May pagbabanta?

“eh di sirain mo, babayaran mo yan.” Sagot ni Diniel sabay narinig ko ang yapak nya, na papalayo.

Sirain daw ang pinto.

Paulit ulit hinampas ni Chad yung pinto. Nagiging basagulero na naman sya kaya binuksan ko na lang yung pinto.

“Ano bang problema mo!” sa inis kong tinig ay sinabi ko sa kanya iyon.

“Galit ka ba sa akin? Anong nagawa ko?”

 Tinatanong mo pa anong nagawa mo, eh ano yun kanina, yun kayo ni Jema. Ano yun, nadapa lang sya kaya napayakap sa iyo ganoon?

“wala.” Tipid kong sagot, tapos ay tinutulak ko sya palabas ng kwarto, “alis.”

Hindi naman ako ganio pero bigla akong naging cold. Dala ng selos.

“Anong wala eh umuusok ka sa galit. Ano nga iyon?”

“Si Jema,” mahina kong sagot, “bat kayo magkayakap kanina.”

Ngumiti naman sya sa akin at kinurot ang pisngi ko.

“Nagseselos sya!”

Siraulo to, nakuha pang matuwa, hindi ako nakikipagbiruan dito ha.

“hindi.” Matipid kong sagot

Pero nagseselos naman talaga ako. Saka bakit sya niyakap ni Jema? Close sila? O nauubusan na ng plano si Jema dahil buking na sila kaya kung ano anong kabaliwan na ang ginagawa nila.

Pero bakit si Chad dinadamay pa?

“Paano ka nya nakilala? Girlfriend mo din ba sya ha!” malakas na ang boses ko ngayon.

“Teka Tammy, magpapaliwanag ako.”

 

Authors note: Sa next update mo na ipaliwanag Chad ^-^ Sa mga nagbabasa nito, kung may nagbabasa pa, congratulations. Comment ka ha? ^-^

Three Grooms and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon