Three Grooms and I 71

113 8 0
                                    

Three Grooms and I ~ 71

“paano kung yung tunay na Annie ay isa ring impostor!”

Paulit ulit kong naririnig sa isip ko ang sinabing iyon ni Hans. Pauwi na ako. Hinatid ko muna si Annie sa park dahil duon sya susunduin ni Jema. Naiwan si Shana sa bahay, paulit ulit sinasabi ni Hans na wala raw karapatan si Toinette na hawakan si Hans dahil hindi naman daw ito ang tunay na Annie.

“paano kung yung tunay na Annie ay isa ring impostor!”

Paulit ulit kong naririnig iyon, hanggang sa parang sasabog na ang utak ko. Dapat wala na akong pakialam duon. Wala na talaga. Si Shana lang ang pinunta koduon dahil kawawa yung bata. Pero kung tunay man o impostor si Tonette, dapat wala na akong pakialam duon. Wala na talaga.

Pero hanggang sa makauwi ako ng bahay, paulit ulit ko pa rin iyong iniisip. Gusto kong isipin na buti nga kay Hans at naloko sya, kabayaran nya iyon sa ginawa nya kay Gaia, pero isang parte ng isip ko ang nagtatanong at nagtataka, nasaan ang tunay na Annie.

Nakakainis, ayoko mang problemahin ang mga iyan, pero eto na naman ako, iniisip ang magulong buhay ng iba.

“Tammy! Saan ka ba galing? Nagalala ako sa iyo!” yaan ang bumungad sa akin paguwi ko ng bahay. Ang oa naman ni Chad, saglit lang akong nawala, kinilig tuloy ako.

“May pinuntahan lang ako,” sabi ko pa tapos ay kiniss ko sa noo si Shawn na karga karga nya

“Si baby hipon lang? ako wala?” tanong pa ni Chad sabay ngumuso.

“Wala!” natatawa kong sagot sabay takbo patago sa kwarto ko.”

*********

Another day sa school. Nagfinal exams kami ngayon. PAgkatapos ay uwian na. Tinignan ko si Chad na nakakunot ng noo.

“Problema mo? Hindi mo alam yung tinest noh?” pangaasar ko pa.

“Sira ulo ka kasi hindi mo ako kiniss!!” pasigaw nyang sagot sa akin, dahilan para pagtinginan kami ng mga tao duon.

Ganoon? Sa akin talaga isisi? Tumawa na lang ako at hinalkan ang kamay ko at tinapik sa nguso nya. Indirect kiss.

“Makuntento ka muna dyan!” sabi ko pa sabay takbo. Bakit ba ang hilig ko syang takbuhan.

Bago umuwi ay nagCR muna ako. Ayokong magcr sa baba, madaming tao. May isang CR sa university na malinis naman at walang masyadong nagCCR. Kasi nasa 6th floor nung building na hindi ginagamit at walang room. Yun yung building kung saan namin ginawa yung sa theater arts. 1st and 2nd floor lang duon ginagamit. Yung 3rd floor pataas hindi, haunted daw. Pero ang sabi ng admin, sobrang luma daw kasi nung building, dati nabutas yung 4th floor kasi gawa sya kahoy. Kaya kahit naayos, hindi pinagklaklasehan kasi delikado. Pero from time to time nililinis naman tong building na ito. Yun kasing mga nagthetheather, ginagamit yung CR sa building na iyon. Para wala masyadong tao duon ako sa 6th floor.

Bakit ba ako dumayo ng kay layo layo para magcr. Feeling ko kasi mayroon ako. Nakakahiyang magpalit ng pads sa CR na maraming tao kasi pag nagtagal ka sa loob, paglabas mo ang haba haba na nung pila na nakatingin sa iyo ng masama.

Naglakad ako papanhik ng may narinig akong boses. Boses ng babaeng umiiyak.

Hala! Ano iyon?

Napabilis yung paglalakad ko. Ang weird kasi nung boses eh.

Patakbo akong nagpunta ng CR. Mukhang walang tao. Wala talaga, tapos ay pumasok ako ng cubicle.

Pagpasok ko ng cubicle ay lalong lumakas yung boses nung umiiyak. Hala, nagiging horror na ata.

“Pumasok ka nga ng CR Annie, wag kang magiiyak dyan sa lobby baka may makita sa iyo.”

Narinig kong sabi ng isang boses. Parang boses ni Jema.

“Nasa katinuan ka ba Annie! Kumalma ka nga! Sabihin mo sa akin kung ano talaga yung nangyari.”

Bakit ganito? Lagi na lang akong nakakarinig ng naguusap. Dati nagkokomprontahan, may nagaaway pa nga tapos ngayon naman nagiiyakan. Tsismosa na ata ako nito.

“Hindi ko sinasadya. Kumakain kasi kami ni Shana ng vanilla ice cream noon tapos ~”

“Fck Tonette! Alam mong allergy si Shana at si Annie sa vanilla. Bakit ka kumain noon? Teka, dahil duon lang nahuli ka?”

So, totoo ngang impostor din nga si Toinette??

“Matagal na pala akong minamatyagan ni Hans. Matagal na nyang alam Jema. Na hindi ako si Annie. Saka pinadna nya pala kami ni Shana noong pagdating pa lang natin.”

“What!!” pasigaw na sabi ni Jema.

Ano ba yan? Di tuloy ako makacr dahil sa kanila, nakatayo lang ako duon sa loob ng cubicle, baka kasi may kumaluskos kapag gumalaw ako.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko Jema. Imposible ng makabalik tayo sa bahay. Paano ko na maalagaan si Shana. Paano ko na mapaghihiganti si Annie. Lahat naman ng ginagawa ko, mula ng bata pa kami, para kay Annie. Para sa kapatid ko.”

Three Grooms and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon