Chapter 27 (11/6/14)

637K 15.8K 2.7K
                                    

Nagsisipag si author. Another short update :D

***

Chapter 27

 

 

[Timi’s POV]

 

He likes me. He likes me…

            Kite likes me?! My god!

         Sa tanang buhay ko matapos akong saktan ni David, si Kite ata ang kauna-unahang hot, sexy at gwapong nilalang na hindi ako natuwa nang magtapat siya sa akin na gusto niya ako.

            Oo aaminin ko I’m a flirt. I am a playgirl. Pero ang nilalapitan ko lang noon ay ang mga lalaking kapwa ko flirt at mga jerks.

            And now, all this time I thought Kite is a playboy not knowing na genuine pala ang ipinapakita niya sa akin?

            Tama nga siya, ang manhid ko. Ni-hindi ko na-realize ang bagay na ‘yun!

            O baka occupied lang masyado ang utak ko dahil kay Ice?

            Napakamot ako sa ulo ko.

            Anak ng tinola naman oh! Bakit ba ako na-involve sa ganito? Masaya na ako dati sa pa-fling fling lang, sa walang attachment. Pero nang makilala ko ang mag pinsan na ‘yan, nagsisimula na naman sumakit ang ulo ko dahil sa lalaki.

            Kung dati si David lang ang sakit sa ulo---at puso ko. Ngayon dalawang lalaki na.

            Ayoko na. Magpapakabait na talaga ako. Hindi na ako manlalandi. Magtitino na ako. Basta malinaw lang ang lahat nang ito. Promise ko talaga sa sarili ko na aayusin ko na ang buhay ko in the name of true love!

           

♪ “Her eyes, her eyes, make the stars look like they’re not shining

Her hair, her hair, falls perfectly without her trying.

She’s so beautiful, and I tell her everyday…” ♪

 

            Napahinto ako bigla sa paglalakad pabalik sa school. Nandito na pala ako sa tapat ng park na madadaanan papunta sa school namin. Napalingon ako doon sa kumakanta dahil parang pamilyar ang boses niya. Yun nga lang, hindi ko siya matanaw dahil napapalibutan siya ng maraming tao.

            Lumapit ako.

 

♪ “I know, I know, when I complement her she won’t believe me.

And it’s so, it’s so, sad to think that she don’t see what I see.

But every time she asks me, “Do I look okay?”

I say…” ♪

 

            Napangiti ako nang makita ko kung sino ang kumakanta.

            It’s Ice. And he’s not alone.

            Katabi niya ay anim na maliliit na chikiting na kumakanta rin habang si Ice ay nag gi-gitara. Isa sa mga bata ay may gitara rin at yung iba naman ay may hawak na tambourine.

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon