Chapter 32 (12/1/14)

569K 17.5K 4.3K
                                    

Chapter 32

 

[Timi’s POV]

 

(Saturday, 5:30am)

 

Napadilat ang mata ko at ang una kong nakita ay ang kalangitan. Medyo madilim pa rin pero ramdam ko na malapit na sumikat ang araw.

            Lumingon ako sa gilid at bumungad sa akin ang mukha ni Ice na natutulog. Sobrang lapit niya sa akin. Naka-unan nga ang ulo ko sa balikat niya habang ang kamay naman niya ay nakapatong sa bewang ko.

            Bumilis ang tibok ng puso ko. My gawd! Yung kagabi! Yung nangyari kagabi!

            Okay wala naman talagang nangyari kagabi na, you know. Kaso kasi.. Waaaaaaahhhh.

            Biglang nag flashback lahat sa isip ko ang mga nangyari.

(Friday, 10:15pm)

 

“Gusto ko nang sumuko Timi. Natatalo na talaga ako.”

            Tinignan ako ng seryoso ni Ice habang ako naman, nakatingin sa kanya ng buong pagtataka. Idagdag pa na medyo nag aalboroto na ang mga paruparo sa aking tyan gawa ng nakahawak pa rin si Ice sa kamay ko at nakadampi pa rin ito sa pisngi niya.

            Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Ice sa kamay ko.

            “U-uhmm I-Ice…?” hindi ko maduktungan ang sasabihin ko kasi parang nanuyo bigla ang lalamunan ko.

            Inialis ni Ice sa pisngi niya ang kamay ko. Akala ko bibitawan na rin niya ito pero nagulat ako nang ilapit niya ito sa kanyang labi at hinalikan niya ito.

            Napalunok ako. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

            Sunod na ginawa niya ay ipinatong niya ang kamay ko sa tapat ng dibdib niya---sa parte ng kanyang puso. At nagulat ako ng maramdaman ko ang pagtibok ng puso niya. Mabilis. Unstable. Kinakabahan din siya tulad ko?

            Using his free hand, he reached for my face. Naramdaman ko ang init ng palad niya sa pisngi ko. Mas nag-alboroto ang mga paruparo sa tiyan ko.

            “T-Timi I—“ hindi niya itinuloy ang sasabihin niya. He seemed lost in words.

            Tinignan ko siya ng diretso sa mata, “bakit ka kinakabahan? Bakit mo hinalikan ang kamay ko? Saan ka natatalo?”

            Hindi siya nag salita. Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Ni-hindi niya inaalis ang kamay niya sa mukha ko o ang kamay ko sa dibdib niya.

            “Bakit ka sumunod sa Tagaytay? Bakit hindi mo ako matiis?”

            Hindi pa rin siya umimik pero ramdam ko ang paghigpit lalo ng hawak niya sa kamay ko.

            “Ano ba ako sa’yo? I may gus----“

            Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya akong hinatak papalapit sa kanya. Ngayon ay nakapulupot na ang dalawa niyang braso sa bewang ko na para bang yakap-yakap niya ako ng mahigpit. Tinignan niya ako ng seryosong-seryoso.

            “Alam mo naman na wala akong sasagutin ni isa sa mga tanong mo.”

            Napalunok ako.

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon