Chapter 29 (11/21/14)

592K 14.2K 2.1K
                                    

Chapter 29

 

[Timi’s POV]

 

Hindi ko alam kung ano ang itsura ng mukha ko habang naglalakad ako papunta sa classroom namin. Pero lahat ng estudyante ay umaalis sa dinaraanan ko at mukhang natatakot sila sa akin.

            Nang makarating ako sa classroom, agad akong nilapitan ni Jasper.

            “Uy, may kaaway ka ba? Ba’t ganyan ang mukha mo?”

            “That guy! That jerk!!”

            “Sino? Si Ice? Yung ex mo? Sino?”

            Bago ko pa mabanggit ang pangalan niya eh nakita kong papasok na siya sa classroom. Ang ganda pa ng ngiti niya sa akin.

            “Hi again, Timi!” bati ni Kite.

            Nilapitan—or more like—sinugod ko siya.

            “You are such a dick, you know that?!” bulyaw ko sa kanya habang dinuduro-duro ko ang dibdib niya.

            “Wha—what did I do?”

            “Seriously? Bakit kailangan mong dedmahin nang ganun si Rika ha? Bakit ang jerk mo sa kanya?!”

            Hinawakan ni Kite ang wrist ko at inilayo sa dibdib niyang dinuduro ko. He looks at me seriously.

            “Di ba sinabi mo sa akin na layuan ko na siya? Sinusunod lang kita.”

            “Pero bakit naman ganun? Bakit kailangan mong magpanggap na wala siya sa tabi ko ha? Why do you have to ruin your friendship with her?!”

            “Sa tingin mo ba pag pinagpatuloy ko ang friendship namin eh makaka move-on siya? Hindi Timi! Hangga’t may nararamdaman siya para sa akin, hindi kami pwedeng maging magkaibigan dahil masasaktan lang siya!”

            Binitiwan ako ni Kite at nag walk-out siya palabas ng classroom namin. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Jasper sa balikat ko.

            “Timi, ayokong makielam, but Kite’s right. Jerk at heartless mang tignan pero tama naman ang ginagawa niya eh. Marahil nasasaktan si Rika, pero kung hindi magbabago nang pakikitungo si Kite sa kanya, hindi rin makakapag move-on si Rika.”

            Napahilamos na lang ako nang mukha, “ayoko lang na masaktan siya.”

            “Don’t worry. Rika’s a nice gal. Alam kong may darating din na lalaking para sa kanya.”

            Napangiti ako, “sana nga si Geo na ‘yun.”

            Bigla naman napatingin sa akin si Jasper, “si Geo? Bakit naman si Geo?”

            Ay shoot!

            Mukhang wala pa atang nakakaalam sa EndMira na may gusto si Geo kay Rika kundi ako pa lang. Well hindi naman niya inamin talaga sa akin na gusto niya si Rika pero naman kasi, ang obvious niya!

            “W-wala naman. Mukhang bagay sila eh,” palusot ko na lang kay Jasper.

            Jasper just shrugged his shoulders at hindi na siya kumontra o nag tanong sa akin. Buti naman. Baka sakalin ako ni Geo eh.

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon