Chapter 16 (08/18/14)

742K 15.5K 2.5K
                                    

Dedicated to Raquel and Ara kasi sinipag ako mag update dahil sa kanila <3

***

Chapter 16

 

[Timi’s POV]

 

 

Nagising ako na parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko. Agad kong kinapa ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko para i-check ang oras. Pero bago ko pa makita ang time sa phone ko, sandamakmak na miscalls galing kay mommy at daddy ang nakita ko sa phone ko.

            Napabangon ako bigla sa pagkakahiga.

            Anong nangyari?!

            Nakikipag-inuman ako kay David. Tapos sinabi niya ang mga plano dati ni Erin sa’kin. Then I cried and cried at uminom ng pagkarami-rami hanggang sa…

            Oh my gosh.

            Nilibot ko ang tingin ko sa kwartong kinalulugaran ko. Isang kwartong hindi ako pamilyar.

            Fuck.

            Naalala ko bigla lahat ng mga pinagsasasabi ko kanina kay David.

            “Timi, lasing ka na. Ihahatid na kita sa inyo,” sabi ni David sa’kin habang pilit na inaagaw ang bote ng beer sa kamay ko.

            “Ayoko! Mamaya kung saan mo pa ‘ko dalhin!”

            “Edi tawagan ko na lang ang best friend mong si Erin para sunduin ka?”

            “No! Baka patayin lang ako ng bitch na 'yun!”

            “Then should I call your parents? Tutal kanina pa naman sila tawag ng tawag sa phone mo eh.”

            “Waaaaag! They will kill meee! Tumawag ka ng EndMiraaa! Para pag nakita ka nila, bugbog ang aabutin mo sa kanila! Hahahaha.”

            “Ano ang EndMira?”

            “Basta!” hinagis ko ang phone ko sa kanya. “Yung may EndMira na pangalan sa unahan sa contacts ko. Tumawag ka ng kahit na sino. Tas pakilala ka na rin na ikaw ‘yung ex kong nanloko sa’kin, para masaya!”

            “Okay. If you say so.”

            Hindi ko na naalala ang sunod na nangyari. It’s either sobrang lasing ako o nakatulog ako---o both.

            The thing is, napuntahan ko na ang bahay at kwarto ng lahat ng EndMira---except for one. At itong kwarto na ‘to, very unfamiliar sa’kin.

            My gaaassshhh!! Ano baa ng pinag gagagawa ko!!

            Mag darasal pa lang ako n asana hindi totoo ang nasa isip ko nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Nakita kong pumasok ang isang lalaking matangkad, chinito, gwapo, hot, sexy, lahat na ng adjectives na pwedeng iduktong sa lalaking almost perfect--- pero nakasimangot ang mukha.

            “So, you’re already awake,” sabi ni Ice sa’kin habang nakatingin sa’kin ng seryoso. “Ala-una pa lang ng madaling araw. Sabi nung kasama mo kanina, which happened to be your ex-boyfriend, eh nag simula kayong mag inuman ng ala-una ng tanghali.”

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon