Chapter 23

683K 14.7K 2.4K
                                    

Chapter 23

 

[Timi’s POV]

 

Halos hindi ko mailunok ang karneng kinakain ko habang pasulyap-sulyap ako kay daddy at kay Ice. Ninenerbyos ako maigi at kulang na lang talaga eh tagaktakan ako ng pawis dito.

            Paano ba naman kasi, alam ko any minute now ay bibirahan na ng interrogation ni daddy si Ice. Kawawa naman yung tao. Ni hindi pa nga siya aware na gusto na niya ako, mararanasan na niya agad ang pang i-interrogate ni daddy.

            I need miracle!

            “So Ice..” pag sisimula ni daddy.

            Napaangat agad ang ulo ko and I hold my breath. Eto na! Sisimulan na niya!

            “How’s the food? Masarap ba?”

            Nakahinga ulit ako ng maluwag.

            “Yes sir. Masarap po,” seryoso namang sagot ni Ice.

            Dude, ngumiti ka naman oy! Aba tatay ko ‘yang kaharap mo! Magpakitang gilas ka naman!

            “Nga pala Ice…”

            Napa-atensyon ulit ako ng upo at habang ina-abanggan ang isusunod na tanong ni daddy. Alam kong any minute now, pauulanan na niya ng taong itong si Ice.

            “Ano in-order mo for dessert?”

            Anak naman nang--!! Si daddy pinapakaba ako.

            “Chocolate lava cake po. Suggestion ni Timi.”

            “I see magugustuhan mo ‘yun.”

            Hanggang kelan ba sila mag uusap nang ganyan ha?! Ako ang ninenerbyos dito eh.

            Sumulyap ako kay Ice at relax na relax lang siya habang kumakain. Ni walang bakas nang pangamba sa mukha niya. Naka poker face lang siya.

            Tokwa! Ba’t sa aming dalawa, parang ako pa ang mas kinakabahan? Hindi manlang ba siya natatakot sa tatay ko?

            Oo alam kong hindi naman nakakatakot ang itsura at aura ni daddy---but still!! Argghh!

            “May gusto pa la akong itanong about Timi,” sabi ni Daddy.

            At dito na ako napa-attention ng upo at napatingin sa kanila.

            This is it! Ito na talaga! I’m sure.

            “Sorry po, wala po akong alam about Timi. Hindi po kasi kami close,” diretsahang sabi ni Ice at napanganga ako bigla.

            “H-hoy! Anong hindi tayo close ha?! Eh nag date na nga tayo kanina tas itatanggi mo ang closeness natin ha! Tas ipinagluto pa kitang hayop ka! Tas sa dinami-raming beses nang pagpapa-cute ko sa’yo, sasabihin mong hindi tayo close?!” bulyaw ko sa kanya.

            Sukat itanggi ba naman ako sa harap ng tatay ko! Anak ng---

            Natigilan ako at napatingin ako kay daddy. Nakataas ang kilay niya sa’kin habang si Ice naman ay nag kibit balikat lang at pinagpatuloy lang ang pagkain.

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon