Chapter 50: Its Over

649 20 0
                                    

Katahimikan

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

Katahimikan...

Nananatiling iyon lamang ang namayani sa amin ni Jeonghan buong biyahe namin. Hindi na siya nagsalita matapos kong sabihin ang lahat ng nararamdaman ko kanina, hindi na muling nagsalita at nanatili na lamang na tahimik pagkatapos noon. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin pagkatapos nito, hindi ko na rin alam kung matapos naming maihinga ang lahat sa isa't isa ay makakabalik pa kami sa dati. Wala na akong ibang narinig pa mula sa kanya at ang tanging sinabi lang niya sa akin ay ang mga salitang...

"Umuwi na tayo." kasabay ng paghawak niya sa isang kamay ko at ang paggiya niya sa akin papunta sa sasakyan niya na nakaparada sa di kalayuan.

He kept in silence the whole trip at hindi na nagsalita pa pagkatapos.

Kaya imbes na gumaan ang pakiramdam ko dahil sa paglabas ko ng lahat ng laman ng dibdib ko ay lalo lang akong naguluhan at Lalo lang bumigat ang pakiramdam ko.

Gabi na nang makarating kami sa Pledis, dumaan kami roon dahil sinabi niyang may kailangan siyang kunin sa studio nila bago kami umuwi at tango na lamang ang naisagot ko. Hindi na ako nagreklamo o tumutol pa. Masyado nang pagod ang isip ko para sa iba pang mga bagay kaya hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin.

Inihinto niya ang kotse sa parking lot at saka siya bumaba, may kalayuan na ang nalalakad niya nang magpasya akong sundan siya para makita rin ang ibang ka-miyembro niya, balak ko rin humingin ng pasensiya sa pag-aalala nila sa akin dahil nabanggit ni Jeonghan na maging ang mga ito ay hinanap din ako.

Sa practice room ako nagtungo dahil sigurado alam ko ring pupuntahan sila roon ni Jeonghan matapos nitong magtungo sa studio kaya naman inunahan ko na siya. Nakaawang ng bahagya ang pintuan pagkarating ko, sumilip ako roon at nakitang nag-uusap sina S.coups, Jeonghan, Joshua, DK at Jun. Nagdalawang-isip pa akong pumasok dahil naroon na siya pero sa huli ay nagpakawala na lamang ako ng malalim na buntong-hininga at saka hinawakan ang doorknob ng pinto. Then I suddenly stopped at doon ay napansin kong hindi lang silang lima ang magkausap. Kasama silang babae na noon ko lang rin nakita, aatras sana muli ako at marahang isasara ang pintuan nang tignan ako nito at biglang batiin.

"Hi." She smiles at me pleasantly na wala na akong nagawa pa kung hindi ang batiin rin siya.

"H-hi." ngumiti na rin ako at nakaramdam naman ng pagkapahiya nang tignan nila akong lahat.

Nakaramdam ako ng pagkabahala sa mga tinging ibinabato nina DK at Jun sa akin, I know them so well na alam ko kapag may mali sa mga tingin nila. The way they acted felt so weird dahil bigla nila akong nilapitan at niyayang lumabas para raw kumuha ng inumin.

"T-teka," nagprotesta ako dahil sa bilis ng paghila nila sa akin. Hindi sila normal na ganoon at alam kong may hindi sila sinasabi sa akin o may ayaw nila akong malaman.

Natigilan silang pareho nang marinig naming magsalita si Jeonghan. Tinignan ni S.coups at Joshua ang huli na para bang gusto ng mga itong magsalita pero wala naming masabi.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Kde žijí příběhy. Začni objevovat