Chapter 44: Hug

562 21 0
                                    

-----

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----

I've never seen Kalih so upset before, to the point na ayaw niya na akong kausapin hanggang ngayong umaga.

Kagabi, she just went staright to her room without even talking to me. Sinubukan ko siyang kausapin pero sa huli ay sumuko na rin ako kakakatok sa pintuan ng kwarto niya.

"Good morning, hijo." bungad na bati sa akin ni Mommy Mildred nang magkita kami sa salas. She seemed delighted na narito ako sa bahay nila, bagay na ipinilit niya talagang mangyari habang nandito ako para sa recording ng album ng grupo namin.

And she made sure na hindi ko siya matatanggihan pa.

"Good morning, breakfast is served already. Hinihintay ka na ng pagkain sa garden."

I just nodded, gave her a kiss on her cheek at iginiya ito patungo sa hardin.

She was telling me stories I missed when I was in Japan at nagpatuloy ang pag-uusap namin habang naglalakad kami palabas sa hardin, kinukwento niya sa akin kung paano sinabi ni Jihoon sa kanya ang tungkol sa bagong album na gusto nitong ilabas at kung paano siya kinausap ng grupo para kumbinsihin akong umuwi para rito.

She also mentioned other details of it ngunit hindi ko na iyon naintindihan pa dahil napako na ang tingin at atensiyon ko sa gawi ng mesa kung saan nakaupo si Kalilah.

Then I heared Mommy Mildred called her name nang marahil ay makita nito kung saang direksyon ako nakatingin.

"Kalih, kanina ka pa na nandiyan? I was just about to wake you up. Inuna ko lang puntahan itong lalaking 'to." sabi ni mommy Mildred sabay kurot sa tagiliran ko.

Tumango lamang si Kalih at tipid na ngumiti nang hindi ako tinitignan. Naupo kami ni Mommy Mildred sa mesa hababg tahimik pa rin akong nakatingin sa kanya.

Ilang saglit lang ay bigla nang tumayo si Kalih na halos hindi man lang nagalaw ang pagkain sa pinggan niya, nagpaalam siyang mauuna na siyang tumayo at umalis dahil may kailangan pa raw siyang gawin na siya namang ipinagtakha ng mama niya.

"Tapos ka na ba? Parang wala ka namang kinain?"

"Opo, naalala ko po kasing may naipangako po akong favor kina Seungkwan at DK noong nakaraan. Ngayon na po pala 'yong usapan namin."

"Talaga?" Biglang singit ko sa usapan nilang mag-ina. "Kausap ko silang dalawa kanina, they told me na may llakad silang dalawa. They were about to go on a trip to Jeju, kasama ka ba nila?"

Totoo naman ang sinabi kong kausap ko sina Seungkwan at DK kanina, totoo ring sinabi nila sa aking may lakad silang dalawa pero wala silang binanggit na kasama nila si Kalilah.

Tinignan kaagad ni Kalih si Mommy Mildred na nakatingin namang pabalik sa kanya, hindi na siya nagsalita pa at sa halip ay muli itong umupo sa hapag kasama namin. Ipinagpatuloy rin niya ang pagkain na kanina lang ay halos hindi niya ginagalaw. Wala na ulit ang nagsalita sa amin hanggang sa lahat kami ay matapos.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon