DLTIS 32: Faded

521 16 0
                                    

-----

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----

Gabi na nang makawi ako sa condo unit kung saan ako nananatili kapag hindi ako sa bahay nila Kalih umuuwi. Napahinto pa ako sa paglalakad sa pasilyo pagkababa ko ng elevator dahil natanawan ko si Kalih na naghihintay sa tapat mismo ng pintuan ng unit ko.

May duplicate siya ng susi ko kaya ano mang oras ay makakapasok siya sa unit nang hindi na humihingi ng permiso sa akin, pero ipinagtatakha kong madatnan siya ngayon sa labas na naghihintay dahil hindi naman niya iyon ginagawa.

Dahan-dahan at may mabigat na mga paa akong naglakad ako papalapit sa kanya, hindi niya pa rin ako marahil napapansin dahil nananatili lamang siyang nakayuko hanggang sa tuluyan ko na akong makalapit sa kinaroroonan niya. Nagulat pa siya nang hawakan ko siya sa balikat at saka ako bumaling sa pintuan para buksan iyon.

Niluwagan ko ang pagkakakabig ko sa pinto saka siya sinenyasang pumasok na. Tahimik siyang naglakad patungo sa loob at wala pa rin kaming imikan hanggang sa maupo siya sa sofa, nagtungo naman ako sa kusina upang kumuha ng maiinom at nang makabalik sa salas ay inilapag ang baso ng juice na dala ko sa harapan niya.

"Bakit nasa Hodu ka kanina?" diretsong sabi niya sa akin.

"Baka nakakalimutan mong kasama rin ako sa project na iyon. Masama bang nandoon rin ako?"

Alam ko kung bakot nagkalaganito siya, muntikan na naman kasi kaming magpang-abot ni Baro, dahil sa nakita ko na naman soyang umiiyak sa harapan nito kanina. Pero bakit may pakiramdam akong mas galit siya sa akin kaysa sa lalaking iyon.

"And cuased trouble?"

"Ako pa ba ang gumagawa ng gulo?" nagbabalik lang kami ng mga tanong sa isa't isa at walang sagot na nakukuha para sa mga tanong namin kanina.

"At sino pa? Hindi ka pa ba kuntento sa mga issues mo at gusto mo pang dagdagdan? Answer my question, Jeonghan. Bakit kailangan mo magpunta sa Hodu kanina?"

"Bakit ka umiiyak nang masalubong kita?" Ako naman ang nagtanong na siyang ikinatahimik niya. Nawala rin ang tapang ng ekspresyon sa mukha niya nang ibato ko ang tanong na iyon at alam ko na kaagad kung bakit.

"Huwag mong sagutin ng isang tanong ang isa pang tanong, Jeonghan."

"Bakit hindi? Mahirap bang sagutin 'yong tanong ko? I can easily answer you kung bakit ako nasa Hodu, ikaw ba? Kaya mo bang sabihin sa akin what happened between you and Baro sa lounge kanina nang maabutan namin kayo?"

"Nothing happened!" Pagkaraan ay yumuko siya at nag-iwas ng tingin.

"I know you, kaya hindi mo na kailangan pang magsinungaling. Pati ba naman sarili mo hanggang ngayon niloloko mo pa rin?"

Diretso niya akong tinignan, halata ang pagkagulat sa mukha niya nang marinig niya ang sinabi ko. Maging ako ay nagulat rin sa lumabas sa bibig ko pero huli na para bawiin ko pa iyon, masyadong lamang ang nararamdaman kong inis dahil sa nakita ko kanina.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now