DLTIS 12: Broken By You

989 43 22
                                    

-----

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----

Naalimpungatan ako nang may napansin akong nakaupo sa gilid ng kama ko. Sigurado akong hindi iyon si mama at hindi rin si Jeonghan kaya naman mabilis kong idinilat ang mga mata ko upang tignan kung sino iyon.

He's just staring blankly at me habang nakaupo sa gilid ng kama ko. Hindi si ito nagsasalita at nananatili lang ang mga tingin sa akin.

Soon I realized who it is.

Si Baro.

Umayos ako ng upo kasabay ng reyalisasyon na siya nga ang nakaupo sa gilid ng kama ko. There is something in his eyes pero hindi ko maipaliwanag kung ano iyon, may lungkot sa bawat pagtitig niya bagay na ipinagtakha ko.

Ang mga mata niyang madalas na nangungusap ay nananatiling blangko ngayon habang tinitignan ako. He is not the same person he was before, may nagbago. Maraming nagbago.

Bigla ay parang ibang tao na ang nasa harapan ko. Pirming nakatitig lang siya sa akin. I was waiting for him to talk but he didn't say anything, walang kahit isang salita ang lumabas mula sa kanya.

I tried to reach for him but next thing I knew, he's out of my sight. Naglaho siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ko. Mabilis akong tumayo at nilibot ang paningin sa paligid ng silid ko. Nang marating ko ang pintuan ay natigilan ako bigla, nang bubuksan ko na sana iyon ay eksaktong nabungaran kong nakatayo sa harapan ko si Baro.

Saglit ay para akong nahipnotismo, kusang kumilos ang mga kamay ko patungo sa mukha niya. I held his face at sa unang pagkakataon ay nahawakan at natitigan ko siya ng malapitan.

I missed him at para bang inaalis ng pagkakalapit niya sa akin ang lahat ng sakit na kasalukuyan kong nararamdaman para sa kanya.

"I'm sorry." mahinang sabi nito sa akin. Kasabay ng mga tingin niyang puno ng kalinglitan.

Doon na ako tuluyang nabalik sa reyalidad. Ibinaba ko ang mga kamay kong kanina lang at hawak ang mukha niya. I started to question him, doubt him. Biglang nanumbalik ang mga tanong na saglit kong nakalimutan pagkakita sa kanya. 

"Para saan?" Nalilito ko siyang tinanong.

My voice started to shake upon asking him that question. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin kung para saan ang paghingi niya ng tawad o ang malukungkot niyang mga tingin.

Alam kong narinig niya ang tanong ko pero wala siyang sinabi. He just stared right back at me and without a word, he held my hand.

Nagsimula akong malito sa mga ipinapakita at ipinararamdam niya.

"Let's stop it, Kalih."

Sa isang iglap, ang mga salitang iyon ni Baro ay parang kutsilyong mabilis na tumarak sa puso ko. The pain is too excruciating that I started to feel my heart as if its about to explode.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now