DLTIS 38: I Am Sorry

512 23 0
                                    

Six Months Later...

"Bakit nakasambakol iyang mukha mo?"

Napatingin ako sa nagsalita at nakitang nasa harapan ko na si Baro. May dala siyang isang baso ng kape na sa tingin ko ay galing sa coffee truck na ipinadala nina Gongchan at Sandeul para sa bago niyang pagbibidahang T.V series, pagdating ko sa set ng shooting niya ay nakita ko na kaagad ang nakabalandrang coffee truck na may banner pa at picture niya.

Naroon rin ang pangalan nila Sandeul at Gongchan kaya ko nalamang galing iyon sa kanila. 

"At bakit nandito ka? Tapos na ba kayo?" balik na tanong ko sa kanya nang maupo siya sa upuan niya na nasa harapan ko.

Wala pang sampung minuto nang dumating ako at nadatnan kong may kinukunan pa siyang eksena kaya nagpasya akong hintayin na lamang siyang matapos, hindi ko naman akalaing pupuntahan niya ako sa pwesto ko para dalhan ng kape.

"Ang sabi ni Ms. Ruth, may bisita raw ako kaya nagbreak muna kami. So, bakit nga ba sambakol iyang mukha mo?"

Umakto akong nakangiti at saka ipinakita sa kanya ang dahilan ng pagsimangot ko, "Sino ba ang hindi maiinis dito?"

"Baka ako?"

"Baka nga ikaw," inasar ko na lamang siya ngunit imbes na magtagumpay ay kabaliktaran pa noon ang mangyari.

"Ayos ka lang?"

"Mukha bang hindi?"

"Oo," diretsong sagot ni Baro sabay tayo sa kinauupuan niya kanina. Buong seryoso niya akong tinignan bago muling nagsalita. "I wish I have the same Kalih that I knew before."

Natigilan ako sa paghigop sa kape dahil sa sinabi niya. Tinignan ko si Baro ngunit wala na siya sa kinatatayuan niya, tanging likod na lamang niya ang nakita ko habang tahimik itong naglakad pabalik sa set ng shooting nila.
-----

"Saan mo gustong pumunta?" mayamaya pa ay tanong sa akin ni Baro nang makasakay kami sa kotse niya.

Katatapos lang ng shooting nila para sa bago niyang drama, na-pack-up daw ito ng maaga dahil may kailangang i-revise na eksena ang writer nito. Ikinatuwa naman iyon ni Baro sabay sabing pagkakataon na raw niya iyon para masolo ako, na agad ko namang ikinainis.

"Kahit saan, ikaw ang nagpapunta sa akin dito. Sabi ko aaliwin mo ako tapos ngayon hindi kp alam kung saan akp dadalhin?"

"Malay ko ba kung saan mo gustong pumunta. Mamaya diyan dalhin kita sa..."

"Saan?" angil ko sa kanya sabay tingin ng masama rito.

Ikinatuwa naman ni Baro ang nagbabanta kong tingin sa kanya kaya lalo lang akonv inasar nito, at ang aambahan ko na siya ng palo sa braso ay doon lamang siya tumigil.

"Hoy, huwag kang manakit, Liit. Baka akala nila battered boyfriend ako!"

"Boyfriend?"

"Oo, boy.friend."

"Linawin mo, huwag kang magulo diyan kung ayaw mong mapatalsik palabas sa sarili mong sasakyan."

"Matatakot na ba ako?"

"Its up to you, choice mo iyan." sabi ko sa kanya sabay baling tingin diretso sa kalsada.

Nagpatuloy na lang rin siya sa pagmamaneho at hindi na nakipagtalo pa sa akin. Normal na ang ganoong tagpo sa aming dalawa at mas madalas nga ay iniinis niya ako kagaya nang madalas niyang gawin dati pero ipinagpapasalamat kong nariyan siya.

He's always there kahit na sa mga pagkakataong gusto kong mapag-isa. Minsan nga ay ipinagtatabuyan ko na siya pero hindi pa rin niya ako iniiwan dahil ayaw niyang umiiyak akong mag-isa.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now