Chapter 19: Love and Hate

1.2K 19 2
                                    

Becky's POV

"Akala ko sandali lang siya ma-le-late? Aba 15 minutes nalang matatapos na ang class namin!" bulong ng kaibigan sa kanyang sarili. Kanina pa nito gustong lumabas at balikan ang kaibigan, ngunit may surprise quiz ang guro para sa kanila. 

"Hey, what time is it?" tinapik ang lalaking katabi niya. 

"Oras na para makinig ka kay Sir, kanina ka pa nkatunganga sa kawalan." sabi ni Eric. 

"Eto naman! Nag-tatanong ng maayos eh. Ano na nga?" 

"Eh, may watch ka naman diba?" 

"Gusto ko lang maka-sigurado na pareho tayo ng time." 

"2:50 bakit ba? Tska nasan na yung kasama mo lagi? Di parin ba siya maka-lakad?" 

"Wag ka ngang tsismoso! Ka-lalake mong tao tsismoso ka!" pabirong sabi nito. 

Hindi na ito nagsalita ang tumawa nalang ng mahina. 

...

.....

......

.......

RIIIIINGGGGG... 

"Class, before you go, please get one of these announcement then you may leave. " Sir Rodriguez. 

Nangunguna si Becky na bumaba at sumiksik sa mga ka-klase para mauna sa may labasan. Pag kuha ng papel ginamit ang siko at nakipag-tulakan sa dalawang babaeng nag-cacatwalk sa pababa ng hagdanan. "Excuse!" sabi ni Becky. bigla namang tumabi ang dalawang babae. 

Pag labas sa may pasilyo, may biglang humatak sa kanya at tumabko sila palabas ng building. 

"Teka Teka!" Becky. 

"No time! We need to hurry!" Hoven. 

"Bakit ba? What happened?" 

"Caroline happened." seryosong sagot ni Hoven. 

Lalong nag-mabilis ang dawala papunta sa may lakeside.

NApatigil si Becky ng binitiwan siya ni Hoven... 

"Elena! Stop it!" saway ni Hoven. 

Hindi man lamang natinag ito at hawak parin ang buhok ni Caroline. Sa gilid ni Elena ay ang dalawang side-kicks. 

"Ano? Sumagot ka!!!" mariing sabi ni Elena. 

Hinawakan ni Hoven ang braso ng nanggigigil na si Elena. 

"I said stop. You're hurting her. Please. Before I call your dad." Hoven. 

"As if he'll get here on time. UK is on the other side of the Earth remember." Elena. 

"Ano? Malandi ka! Ganyan ba talaga kayong mahihirap? Mga manggagamit! Oportunista!" dagdag nito. 

"Tigilian mo na ko, please lang. Ayoko ng gulo." sagot ni Caroline. 

"Kung ayaw mo ng gulo... umalis ka dito. At wag mong pangaraping bumalik pa!" Elena. 

Binitawan nitong biglang ang buhok ni Caroline at napa-upo ito sa damuhan. Ngumisi naman ang dalawang side-kicks ni Elena. Tumalikod ang tatlo... ngunit lumingon muli si Elena.

"You keep this in mind poor bitch... Don't.You.Ever.Get.Near.Chronus.Again. Or I'll be your worst nightmare." banta ni Elena. 

"Sumusobra ka na!" Becky.

"Shut up! Hindi mo alam ang nangyari kaya wag kang mag-salita! Isa ka pa! Gullible!" Elena. 

Nang mawala na sa paningin nila si Elena at ang kanyang mga galamay, inalalayan ni Hoven at Becky ang kaibigan. 

Meeting Mr. GiftedWhere stories live. Discover now