Chapter 3: Stares

1.6K 25 4
                                    

Habang nag-uusap ang mag-kababata...

Nagkatitigan naman sina Chronus at Caroline. Hindi mai-alis ng binata ang kanyang matalas na tingin sa dalaga. Ramdam ni Caroline ang awkwardness at tension na namamagitan sa kanilang dalawa hindi niya maisip kung bakit siya tinititigan ng binata. Walang anu-anoy hindi na nkapag pigil si Chronus na magsalita.


"Anong ginagawa mo ditong kutong lupa ka???" tanong ni Chronus.

"Excuse me? Anong sinabi mong lalakeng pinag-lihi sa espasol at poste? Maliit lang ako pero di ako kutong lupa! Isa pa, hindi tayo close para mag-salita ka ng ganyan. Lakas ng trip mo ah? Baliw ka ba?"pagtatangol ni Caroline sa sarili.


Inilapit ni Chronus ang kanyang mukha sa dalaga at hindi man lamang kumurap si Caroline.


"So, hindi mo natatandaan?" naka-ngising tanong ni Chronus.


"Bakit? Artista ka ba para ma-alala ko?"


Napa-iling si Chronus at napa-hagod sa kanyang mukha. Natawa nanaman sa mga binitawang salita ng dalaga.


Hinatak nito ang kaibigan palayo.

"Uh... eh... Hoven... let's catch up some other time. We'll see each other naman everyday eh. We're going now! Habang kinakaladkad ni Becky ang kaibigan palayo kay Chronus.... 


"Teka teka teka... aray ko! HINDI PA TAYO TAPOS BANKAY KA!!! HUMANDA KA SA KIN SA SUSUNOD NA MAGKITA TAYO!!!" Sigaw ni Caroline habang pa-layo sa binata. 



***Chronus' perspective

"Tsk! Siya pa talaga ang may ganang magalit! Siya na nga ang naka perwisyo nung isang linggo, siya pa talaga ang may lakas ng loob na mag-hamon! Grabe! What kind of creature is she?" nasa isip ni Chronus. 


"Bro, anong eksena yon? Kilala mo din ba siya?" nagtatakang tanong ni Hoven. Umakbay ito sa balikat ni Chronus at bigla naman nitong inalis ang braso niya. 


"POTEK!... ano bang problema?" Hoven. 


"Wala! Taeng kutong lupa yon! Pano ba siya nakapasok dito? Halata naman hindi siya bagay dito sa school natin!" Chronus. 


"Bro, scholar siya dito! Nag audition siya, natanggap naman siya. Magaling siya grabe!" build-up ni Chronus. 


"Ganun ba? Tignan natin kung hanggang kailan siya magaling at mag-stay dito." Chronus. 


"What? Bro, babae yun. At kailan ka pa nagkaron ng paki-alam sa iba? Hindi mo naman ugali ang mang bully diba?" Hoven.

"Sino naman ang nagsabi sayo na i-bubully ko siya? Sisingilin ko lang siya. Tsk!" Chronus. Habang naka ngiting demonyo. 


"Bakit? Anong atraso ba niya sayo? Anong utang?" Hoven


Meeting Mr. GiftedWhere stories live. Discover now