Chapter 1: One Step Closer

3.1K 35 7
                                    

(KRRRIIIINNNGGG~~) 

"Ano ba yan ang ingay?" humihikab na sabi ni Caroline at tumingin sa alarm clock.

"Woah!!! 1 hour nalang pala mag-start na ang audition ko! Hindi man lang ako naka pag-warm up." Dali-daling bumaba si Caroline sa kusina para mag init ng tubig at kumain ng agahan. Panay ang tingin niya sa orasan. 30 minutes ang biyahe papunta sa New Olympus galing sa kanilang tirahan. 


"Caroline!!! Naka-handa na ba ang mga gagamitin mo sa audition?" malakas na tanong ng kanyang ina. "Siya nga pala, hindi kita mabibigyan ng malaking baon ngayon, dahil ang kapatid mo, kailangan daw ng pera para sa project nila sa Science." 


"Okay lang po yun nay! Audition naman po itong pupuntahan ko. Ipag-dasal niyo po na maka-pasok ako at makuha ang scholarship. Kailangan din daw nila nang tao sa canteen ang balita ko, kaya isasabay ko na rin ang pag- aaply kung maari. Wag na po kayo mag- alala." sagot ni Caroline na punong puno ang bibig ng tinapay. 


(Poooooooottt...) tunog galing sa takure. 


Dali daling binitbit ni Caroline ang kanyang towel at damit sa banyo. 


*You are sunlight and I moon...

Joined by the Gods of fortune. Midnight and high noon...

Sharing the sky...


Nasa isip ni Caroline ang routine na gagawin para sa kanyang audition. Sanay naman sya sa mabilisang warm-ups. Madaming auditions at contests narin ang napuntahan at nasalihan niya, pero dahil sa kulang sila sa pera, wala siyang pambili ng costumes at kahit pamasahe para bumalik balik sa mga call-backs. Baon na rin kasi ang nanay niya sa utang. Tumatanggap lang ito ng labada at plantsahin sa pangkaraniwang linggo at nagtitinda ng meryenda tuwing Sabado.


Para matupad ang pangarap niyang maging isang magaling na Broadway singer katulad nila Lea Salonga at Idina Menzel na kanyang mga idolo... naisip niyang mag audition sa Olympus para mas mahahasa pa ang kanyang talento sa pag-awit at pati na rin sa pag-sayaw.


Inipon at nilagay sa bag lahat ng gamit na dadalhin... 

"Nay, aalis na po ako. Pang number 5 po kasi ako dapat maaga palang andun na ako." sabay mano sa kanyang ina. 


"Teka Teka! Inumin mo muna itong salabat pampa-kundisyon."


"Nakuuu... madaming salamat po nay!" sabi ni Caroline at niyakap ang ina pagkatapos inumin ang salabat.


Habang nasa jeep, nakikinig siya sa kanyang cellphone ng kanyang demo. Ni-rereview din nya ang steps para sa acting ng kanta sa kanyang isipan. (Pang broadway nga ang peg talaga!) 


"Manong! Para po sa tabi!" dali-dali siyang bumaba. 


"Iha! yung bayad mo! Sasakay-sakay ka di ka naman nag-babayad!" mariing sabi ng tsuper. Nag-bulungan ang mga tao sa jeep. 


"Manong pasensya na po ah? Di naman kailang sumigaw! Hindi ba pwedeng nakalimutan lang? eto ho! 50 pesos keep the change!" pasinghal na sagot sa driver sabay bumaba at nanakbo sa gate. 

Meeting Mr. GiftedWhere stories live. Discover now