Chapter 7: Virgin

1.2K 19 4
                                    

Once upon a time, there was beautiful princess in a castle far away. A pack of beasts came to overpower their kingdom. The beasts slain the princess's loved ones. The princess was hiding behind the thick and long curtains that reached the floor. But due to the Alpha beast's powerful sense of smell, she caught the princess. It was astonished by the princess's beauty and decided to keep her alive, by his side- to rule the kingdom. That moment the beast wanted to imprint the princess, so tore her clothes and pushed her to the bed. The princess was crying, crying and screaming at the top of her lungs, but nobody's there to save her... 

************

Napaluhod si Caroline sa panghihinang naramdaman. Niyakap niya ang sarili at biglang pumatak ang luha... Sa tanang-buhay ko, hindi ko naisip na may lalakeng babastos sa akin nang ganito. Hinaplos ang kanyang labing namamaga at pinunasan ito ng mariin. Hindi ininda and masakit na labi.


Awang-awa si Becky sa kaibigan at inalalayan ito sa silya. Hindi muna siya nag-tanong kung okay lang siya, dahil alam naman niyang hindi ito okay. 

Ang kaninang tahimik na paligid ay biglang umingay.


"Goodmorning sir!" Sa gulat, bumalik si Caroline sa kanyang diwa. 

Sa kabilang banda, papunta si Chronus at Hoven sa kanilang building. Puro-nakaw tingin lang si Hoven kay Chronus, hindi alam kung anong tanong ang sisimulan. 



Hoven and Chronus


"Dude, anong oras nga pala...? Asan yun?" parang magic! Biglang nawala si Chronus sa tabi ni Hoven. Hinanap nito ang kaibigan, pero dahil isa rin siyang lalake, inintindi niya na rin ito at hindi na hinanap. 

Eeeeeeeeeekkk... dahan-dahang isinara ni Chronus ang pintuan ng stockroom. Sumandal ito sa likod ng pinto at huminga ng malalim.


Inhale.Exhale.InhaleExhale. Animo'y tumakbo siya ng 10 lapses sa lakas at bilis ng kabog ng dibdib. 

"Si Whammy talaga! Kasalanan niya to! Kung hindi niya ako tinawag na Bak.. Bullshit!" hinihingal na sabi nito.


"Aray!" biglang bumukas ang pinto at nauntog ito. 


"Anong ginagawa mo dito Master?" Keith. Master niya kung tawagin si Chronus dahil hangang-hanga siya sa galing ng mental at physical abilities nito. 


"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" pag iwas na tanong ni Chronus. 


"Remember... kailangan ko yung mga lumang files at programs na dinesign ng dating Computer wiz?" sabi ni Keith.


"Master, okay ka lang? Nag-work out ka ba? Bakit hingal na hingal ka?" pahabol niyang tanong.


"Wala! Tabi diyan!" padabog na sinara ni Chronus ang pintuan. Napakamot sa ulo si Keith.


"Ano kayang problema non? Ngayon ko lang nakitang hiningal ng ganon kalala yun ah?."


Sa field, nakaupo sa bench si Caroline at Becky. "Sis, okay ka na ba? Gusto mo libre kita ng Capuccino?" Becky.


"Ano? Eh di lalo lang ako nenerbyosin sa Kape!" Caroline. 

"Ay, sorry sorry. Milk tea nalang?" 

"Hindi, wag ka na mag-abala." tanggi ni Caroline. 

"Sis sorry... hindi ko na talaga mapigilan... Anong feeling ng mahalikan ni Top 1?" curious na tanong nito. Pero nakaguhit sa kanyang mukha ang kilig.


"Anong feeling? Edi nakaka-diri, nakaka-suka. Parang gusto kong mag-bigti pag naaalala ko yung nangyari kanina! Hayup siya talaga! Wala siya pakundangan!" reklamo ni Caroline. 

"Ang OA naman nito! Parang kiss lang! Eh siya nga sinabihan mong bakla! Sino kaya ang walang pakundangan sainyong dalawa?" Becky. 

"Kinakampihan mo ba siya?" mataray na tanong ni Caroline. 

"Hindi naman sis, what I'm trying to say is... ang mga lalake, ayaw na ayaw na sasabihan ng Bakla... manghahalik talaga sila." 


"Pwes, isa pala siya sa mga walng-hiya, abusado, manyakis at walang kuwentang lalaki sa mundong ito!" "isa pa, hindi naman yun ang first kiss na pinapangarap ko!." dagdag ni Caroline. 


Nanlaki ang mga mata at napanganga sa gulat si Becky sa narinig... "What??? First kiss mo siya!!?" napasigaw si Becky. 


"Edi ipagkalat mo! Dun sa gitna!!! Bang-lakas ng boses nito!" sabay ikot ng mata ni Caroline. 180 degrees. 

Tinakpan ni Becky ang bibig at nang magsalita... "Sorry... eh kasi naman, 16 na tayo. Wala ka pang first kiss? Maganda ka naman ah? Wala ka pang boyfriend?" 

"Siyempre nagkaron naman. Pero walang kiss. Ang gusto ko kasi, perfect yung setting. May roses, chocolates, or nasa prairie. Parang Bella at Edward?" Caroline. 

"Ang corny mo naman sis! You know, a first kiss isn't special just because of roses and chocolates blah blah blah! If you love the person, special parin yun noh! Tapos, manghihina ka, tapos maluluha ka nalang. Awww... parang ikaw kanina. Hindi ba, nanlamig ang kalamnan mo, tapos, napaluhod ka dahil nawala yung balance mo, tapos naluha ka... nawala ka sa sarili mo. Parang yung kaluluwa mo, humiwalay sa katawan mo." kinikilig na paliwanag ni Becky. 

Hindi maiwasang bumalik kay Caroline ang nararamdaman, kaya naman pilit nitong binura ang mga memories from this morning.

"Ano??? Ibig mo bang sabihin, special yung first kiss ko?" naiiritang si Caroline. 

"Sorry talga ha? To be honest... Kinilig ako. Regardless dun sa sagutan niyong dalawa. Ang inexpect ko talaga ng hinatak ka niya... ihuhulog ka nya sa hagdan, pero sinalo ka nya tapos hinalikan! Eeeee! Alam mo yun? Kulang nalang sabihin kong... CUT!!!" nakangiting si Becky. 

"Hay nako! Kung anu-ano yang sinasabi mo diyan! Tara na! mukhang gutom lang yan. Para makapag-work na ako." yaya ni Caroline. 

"San nga pala ang assigned location mo ngayon?" Becky. 

"Sa may Masters' Dormitory...Naku poooo" biglang napapikit sa yamot at awkwardness si Caroline. Nakangiting hinila ni Becky ang kaibigan papunta ng cafeteria... "Good luck!" pasweet na bulong nito. 

Meeting Mr. GiftedWhere stories live. Discover now