Chapter 8: The Olympians

1.2K 20 0
                                    

"Shit, shit, shit! shiiiittt!!!" bulong sa hangin ni Caroline. Urong sulong siya. habang wina-wagwag ang dalawang kamay. Hindi makapag-decide kung bubuksan ang pintuan o hindi. Huminga ito ng malalim. Alam niyang maari silang mag-tagpo ni Beast. Teritoryo pa naman niya ito... 


——____——


Nagustuhan mo ba ang halik ko kanina prinsesa ko? Gusto mo bang ulitin ko? This time I'll be gentle... sweeter.

 Nag-iimagine na naman si Caroline. Pinihit ng dahan-dahan ang pintuan... Ayos! Walang tao! Nilibot nito ang tingin sa buong dormitoryo, para itong malaking bahay na mataas ang kisame. May living room pag-pasok at may mga pinto sa bawat sulok. Naglakad siya para itour ang bahay. Napa-tigil siya nang marinig ang tumutugtog na piano. Sinundan nito ang pamilyar na music at nakita ang bahagyang bukas na pinto. Hindi napaigilang silipin ang nasa loob. Biglang yumangitngit ang pintuan. 


"Who's there?" Hoven. 

Natigilan si Caroline at namula sa hiya.

"Ahhh. Eh... Hello, sorry. Naakit kasi ako ng music mo." nahihiyang sabi ni Caroline. 


"Come over here." tinapik ni Hoven ang space ng silya kung saan siya naka-upo. Lumapit naman ang dalaga at umupo sa tabi ni Hoven.

"Alam mo siguro tong tinutugtog ko." Hoven. Tinipa ni Hoven ang unang chords at ngumiti sa katabi. 


"Mmm, Miss Saigon." Caroline. 


"Pwede ba mag-request?" Hoven.


"Nang ano?"


"Everytime na papasok ka dito ng tayong dalawa lang at saktong tumutugtog ako, babayaran mo ako ng isang kanta." Hoven.


"Ha???? Bakit?" nagtatakang tanong ni Caroline.


"Wala lang! Sige na, please?" request ni Hoven na magka dikit ang mga palad.


"O sige sige sige!" kunwari'y napipilitan si Caroline, pero gustong gusto naman.


"O, kantahin mo to ha? Favorite ko to..." sinimulan na nya ang pag-tugtog.


"You are sunlight and I moon.

Joined by the Gods of fortune

midnight and high-noon sharing the sky.

We had been blessed you and I." Caroline


Nabigla si Caroline ng simulang kumanta si Hoven.

"You are here like a mystery

I'm from the world that's so different

from all that you are.

How in the light of one night did we come so far?" Hoven

Nagsagutan ng linya ang dalawa habang nakangiti sa isa't isa. Nakakatuwang tingnan ang dalawang taong mahilig sa musika. Para silang couple. 

Meeting Mr. GiftedUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum