Chapter 15: Closer

1K 18 0
                                    

Hindi makatulog si Caroline sa kaka-isip. Hanggang ngayo'y hindi makapaniwala sa pag-apologize ni Chronus. 

Back story: (Moonlight) 

"Maunong ka rin naman palang mag-apologize." Caroline. 

"Anong tingin mo sa akin? Walang konsensya?" Chronus. 

"Hindi naman sa ganon, kaya lang... parang masyado kang matigas para mag sorry." Ngumiti lang si Chronus. 

"Wow! Ulitin mo nga?"

"Ang alin?" Chronus

"Mag-smile ka ulit. Sige na!" habang tinutulak tulak ng dalaga ang braso ni Chronus.

  "Uuuuyyy... mag-smile na yan! Chige na!" kulit ng dalaga. Biglang hinarap ni Chronus ang kanyang mukha at inilapit itong bigla. Dahan-dahang ngumiti ito abot hanggang tainga at nanliit ang mga mata na parang butas ng coinbank. 

Tug tug tug tug... sabi nga dibdib ni Caroline. Hindi magawang kumilos. Hindi magawang kumurap.

"Ano? okay na ba? Masaya ka na?" biglang kurot sa ilong ng dalaga. 

"Ah!!! Eh... Nice! Mas bagay sayo pag naka-ngiti ka!" Caroline. 

May dumaang anghel... 

1



2



3



"No wonder why Elena loves you so much!" segue ni Caroline na nakatingin sa kanyang kaliwa para itago ang pamumula. 

Hindi sumagot ang binata sa tanong ng dalaga. 

"Mahal mo ba siya?" 

Wala paring sagot. Lumingon ito... "Hoy! Kinakausap..." nilibot ang tingin at hinanap niya ang kausap na akala'y nasa tabi lang niya. Maya maya lang ay may kumaluskos sa halamanan sa likod ng malaking puno na hindi kalayuan sa inuupuan nilang bato. 

"Nyaaay! Mama! Baliw talaga tong halimaw na toh! Dinala ako dito para lang iwan!" sigaw niya ng may nginig sa kanyang boses. Maiiyak na sana ito nang biglang... 

"Relax! Ang OA nito..." lumabas si Chronus mula sa halamanan. 

"Ano yang dala mo?" 

"Drinks natin. Pasensya na ha? Hindi ako prepared sa picnic." Chronus. 

"Picnic? Baliw ka ba? Ang tawag dito... lakas trip." Caroline. 

"Haha! O!" sinalo ni Caroline and maliit na tumbler na inihagis ni Chronus sa kanya. 

"Ano to?" 

"Basta inumin mo nalang!" 

"Eh, baka may drugs to ah?" 

"Drugs ka diyan? Bakit pa kita bibigyan ng drugs, eh kahit naman wala non, daig mo pa ang naka-drugs!" Chronus. Natawa siya sa sariling salita. 

"Fine!" di na nakipag-talo pa. Tinaas pa ang dalawang kamay. Hindi nga naman siya papatulan ng kanyang no. 1 enemy. Uminom ito sa tumbler... Parang may kakaibang lasa. 

"Alak ba toh?" Caroline. 

"Ano sa tingin mo?" 

"Tinatanong kita ng maayos diyan wag kang sumagot ng tanong." naiinis na sabi ng dalaga. 

Meeting Mr. GiftedWhere stories live. Discover now