DALAW

27.2K 304 61
                                    

"WELCOME BACK-LA MEME!" sigaw ng TEAM VICE na naiwan sa pinas at sumama sa pagsundo kay Vice sa airport.. may mga dala pa itong placard na akala mo naman hindi na sila makikilala ni Vice...

"ako ba talaga sinasalubong nyo o yung pasalubong?" natatawang sabi ni vice bago yakapin at bumeso sa bawat isa...

"both teh!" sigaw ni Russ

"oh! andito kana?" gulat na tanong ni vice

"bakit teh? san naman ako pupunta?" natatawang sabi ni russ sabay yakap kay vice

"sabi ni rain umuwi ka ng probinsya.." tiningnan naman ni vice si rain para sabihing 'diba?'

tiningnan naman ni rain si russ na may halong panggigil at pagbabanta para sabihing 'umoo kang bakla ka! kung ayaw mong mabitay tayong dalawa'

"ay oo teh.." tensyonadong patango tango pa si russ

"si IC asan?" tanong ni vice

"present teh!!!" patalon talon pa si IC dahil nasa likod ito di masyado makita

"ayun.." saka lumapit si vice para ibeso si IC

"mama...kala ko ba jowa mo na yun?" nguso ni Jan na syang anak anakan ni Vice na G-FORCE dancer... kaya napalingon naman lahat sa direksyon ni Karylle kung san nakanguso si Jan

"san mo naman nabalitaan yan?" pataray na tanong ni vice pero yung may ngiting mataray na kilig... ganern

sabay sabay namang tumuro ang lahat sa dalawang baklang suspect...

"buern...archie.." pananlisikan ni vice ng mata ang dalawa dahil hindi lang pala si Jan ang pinagkwentuhan kundi ang buong team vice

"eh para kahit malayo sila updated sila.." pagdadahilan ni buern

"oo nga meme baka sabihin nila madaya kami...tsaka pag nsa group chat kaming lahat eh walang mapagusapan..." kwento ni archie

"ah so ako ang topic?" tanong ni vice

"ay meme nagawa ko na yung pinapagawa mo!" masayang pagiiba ng topic ni aaron mangsat na syang Stylist ni Vice

"syempre tumulong din ako no!" pagyayabang din ni Matt Gozun na isa pang stylist ni vice

inutusan kasi ni Vice si Aaron at Matt na ibili at punuin ng mga bagong damit ang closet ni Kurba sa bago nilang townhouse

"ako din! mission accomplished!" taas pa ng kamay ni Rain

na sya namang nagasikaso ng guestings ni Karylle, Iza at Diana..dahil ramdam nga ni vice na miss na miss na ng tatlo ang isat isa at idagdag pa ang pagkakapare pareho nilang weird magkakaibigan kaya naisipan ni vice bat hindi sila iguest sa GGV..

"kami din meme! nagawa kaya namin yung bilin mo!" paalala ni Dom saka tinuturo pa si Pat na nakaakbay din sakanya...

(yung bilin na iligaw at ilihis ang pagaakala ni Yael na si Vice ang laging nasa basement ng Condo ni K...)

"ako din mama nakuha na namin yung pinapakuha mo!" proud ding sabi ni Jan

pinakuha na kasi ni Vice ang mga gamit pati narin ang sasakyan ni K ay pinalipat na nya sa bago nilang townhouse syempre with the use of Karylle's Phone eh nabigyan ni Vice ng instructions ang mga kapatid nito na 'ayusin' daw ang mga gamit dahil may kukuha nga which is si Jan at si Budi na maglilipat...

"kami teh nagawa din namin! as in super mega duper linis, ayos at ganda na ng bago nyong townhouse!" sabay thumbs up pa ni Jegs, Mc at Lassy

na sya namang pinagdecorate ni vice at pinadalhan ng pera para bumili ng karagdagang gamit at ayusin ang mga ito sa bago nilang townhouse...

50 SHADES DARKER VICE (ViceRylle SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon