Ang Alamat ng Papaya Soap: The Musical

646 23 10
                                    

NOONG unang panahon, mga five years ago, nagkaroon ng civil war sa pagitan ng mga gulay at kitchen utensils. Masyado kasing na-inspire ni Hitler ang mga kitchen utensils, kaya naisip nilang sila ang dapat na tanghaling superior race.

     "Who run the world?" ala-Beyonce-ng sigaw ng pinuno nilang si Kutsilyo.

     "Girls! We run this motha, yeah!" pakantang tugon nina Kawali, Takuri, Kaldero, and the rest of the gang. Bigla namang nagkaroon ng awkward atmosphere dahil sa pag-iinarte nilang iyon. Buti na lamang at napawi iyon agad matapos sumigaw ni Spatula ng, "Kitchen Utensils!"

     Nagtaas ng kilay ang mga gulay. Hindi nila matanggap ang ideyang pinapangibabawan sila ng mga metal na saingan at pakuluan ng tubig. Like duh.

     "Are we gonna make suko, babies?" konyong tanong ng cheerleader slash hottie slash team captain slash lahat na, na si Papaya.

     "Hindi!" sabay-sabay na sigaw ng tropang veggies. "'Cause we're bulletproof, nothing to lose. Fire away! Fire away!" mala-chorale na awit nina Patatas, Sayote, Patola, Upo, Pechay, Sitaw, at lahat na ng nasa bahay kubo.

DUMATING ang araw ng pagtutuos.

     Ang pinuno ng bawat paksyong sina Kutsilyo at Papaya ay maghaharap, upang magkaalaman kung sino nga ba ang dapat na maging superior of them all.

     "Let's get ready to rumble!!!" pagsisimula ng announcer na siyang ikinahiyaw ng mga manonood. Nagtipon-tipon silang lahat noon sa isang may kalakihang lababo.

     Ang mga prutas ay hati—may panig sa mga kitchen utensils at mayroon din namang pabor sa mga kamag-anak na gulay.

     Nag-wrestling sina Kutilyo at Papaya. Sapak dito. Sapak doon. Sampal dito. Sampal doon.

     "Aray! Why are you making me patol? Girl ako!" maarte pa ring pahayag ni Papaya.

     "Shunga! Babae rin ako!" balik ni Kutsilyo.

     "Seriously? Like ewww! Your legs are so malalaki!" At pinangibabawan ni Papaya ang noo'y na-distract na si Kutsilyo. Bigla kasi itong na-conscious sa figure.

     "Nahiya naman ako sa napakalaking balakang mo! Naka-ilang anak ka na ba?" bigla namang namula sa inis si Papaya. Hindi niya matanggap na iniinsulto ang kanyang figure ng isang babaeng amazona.

     Nang biglang nag-brownout.

     Sinisisi ng lahat si Bumbilya.

     "Ano ba naman iyan, Bumbilya!"

     "Bakit ngayon ka pa namatay?"

     "Eh, kung tuluyan na kaya kita!"

     Halo-halong sigaw ang nauulinigan doon. Makalipas ang 30 seconds ay muling sumindi si Bumbilya.

     "Pasensya na, guys," paghingi nito ng paumanhin. "I was just jerking off." Awtomatikong napa-ewww naman ang lahat ng naroroon. Kung hindi n'yo pa kasi alam ay isang Charice Pempengco si Bumbilya.

NANG dumako ang paningin ng lahat sa lababo ay samu't saring reaksyon ang bakas sa mukha ng mga naroroon.

     "Hindeeeee!!!" sabay-sabay na nagsihiyawan ang tropa ng mga gulay. Naroon kasi si Papaya at hiwa-hiwalay na. May hugis parihaba, may pa-oblong, may pa-bilog.

     The end. Hihi.

Bawal Ang Tao DitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon