Ang Nananakit ay Nasasaktan Din

819 45 18
                                    

"ARAY! Aray ko naman! Ang sakit-sakit!" Maglilimang minuto na ring hindi magkanda-ugaga si Kawali kasisigaw sa kaibigang si Scotch Brite. Hindi na kasi nito matiis ang sobrang hapding pisngi dulot ng sobrang lakas na pagkiskis nito. "Aray! Aray ko sabi!"

     Sinusubukan naman ni Scotch na hinaan ang pagkiskis sa maruming pisngi ng kaibigan dala na rin ng magkahalong awa rito at sa sarili na rin. Kung pumapatol lang siya sa babae'y kanina pa niya ito sinuntok. Ngunit dahil siya ay isang huwarang halimbawa ng lalaking maginoo at simpatiko, tiniis na lamang niya ang maingay na bibig ng kaibigan na parang loro kung pumalatak at walang hint ng ceasefire.

     "Para rin naman sa 'yo itong ginagawa ko, 'no ka ba!" Pagkasabi n'on ay parang aapoy na ang kanyang luntiang pisngi sa sobrang pamumula. Swerte't hindi nahalata ni Kawali kaya nakahinga siya nang maluwang.

     "Itsura mo! Bugbog na bugbog na itong pisngi ko kakikiskis mo! Bad ka! You're so bad! So mean! So ughhh! So kaazar!" sunod-sunod at walang prenong pahayag ni Kawali. Nagmukha itong armalite sa paningin ni Scotch. Parang bala ang laway na walang tigil na tumatalsik galing sa bibig nito.

     Yummy, sa isip-isip niya.

     Pagkatapos sumagi ng ideyang iyon sa kanyang isipan ay bigla na naman siyang namula sa hindi mawaring paraan at napaisip kung kailan pa niya naging fetish ang laway.

     "Oh, bakit nakangiti ka na diyan? Sinasapian ka ba? O nababaliw ka na?" Nagulat na lamang si Scotch sa sinabing iyon ng kaibigan.

     Sa kaiisip ng kung ano-anong bagay ay hindi niya namalayang naestatwa na pala siya at nagmukhang tanga pa. Kaya naman bilang pambawi at nang matigil na rin sa pag-iingay ang kaibigan, bigla niya itong kinuskos nang ubod lakas.

     "Aray!!! Ikaw talaga, Scotch!!!" Nanggagalaiti na sa inis si Kawali at nakahanda nang gumanti sa kaibigan. "Humanda ka sa 'kin! You evil!"

     Naghabulan nga ang dalawa sa kusina. Imbes na galit ay mas nangibabaw ang kasiyahan sa dalawa at parang mga batang naglaro ng mataya-taya.

     Mahal kita, pero pasakit lang ang maidudulot ko sa 'yo, ideyang naglalaro sa isipan ni Scotch habang katabi ang kaibigang paminsan-minsan man kung sulyapan, lagi namang gustong pakatitigan.

Bawal Ang Tao DitoWhere stories live. Discover now