The Legal Match

2.2K 94 54
                                    

PANGARAP ng bawat lalaking posporo ang mapaibig si Pacita. Bukod sa kagandahang taglay, hindi maipagkakaila ang likas na kabaitan nito.

     Ideal girl, ika nga.

     Lagi rin itong nakangiti at ang pula nitong ulo ay mistulang nangingintab na parang ulo ng kalbong isinawsaw sa baby oil. Kaya naman hindi maaaring hindi mapansin ng lahat ng awra nitong nagsusumigaw ng Pia Wurtzbach match version.

     Sa lahat ng mga lalaking nagtangkang ligawan ang babae, si Pancho lamang ang kinakitaan niya ng pagiging tunay na maginoo at simpatiko—mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki. Karamihan kasi sa kaniyang mga manliligaw ay halatang gusto lang hukayin at laruin ang kanyang Yamashita treasure.

     Bagamat alam niya sa sarili na may nararamdaman na siyang ispesyal para sa makisig na binata, pinili niyang magpaka-Maria Clara sa mundong naglipana ang Mocha Uson at Mia Khalifa. Pakipot na kung pakipot, ngunit talagang sinukat ni Pacita kung gaano katotoo at kasinsero ang intensiyon ni Pancho sa kaniya.

     Ayaw niyang mauwi lang sa wala ang kauna-unahang relasyong papasukin niya. Dahil hindi pa man niya nararanasan ang masaktan sa pag-ibig, alam niyang masakit, makirot, at kung mamalasin, baka hindi kayanin.

     Sa kabilang banda, talagang nagsumikap si Pancho na patunayan ang sarili sa iniibig. Lagi siyang nasa tabi nito. Suwerte at hindi nagagalaw ang kahang kinalalagyan nila. Ang likas na pagiging palabiro ng lalaki ay nakadagdag pa upang mas lalong mahalin at kagaanan siya ng loob ng dalaga. No dull moments kapag magkasama silang dalawa. Kahit maraming naiinggit sa kaniya dahil dini-date niya ang hottest girl in the matchbox, hindi siya nagpaapekto. Bagkus, mas sumidhi ang kagustuhang ipakita sa lahat na talo ng maginoo ang guwapo.

     Matapos ang halos isang buwang panunuyo kay Pacita, nakamit rin ng binata ang matamis nitong 'oo'. Nagtatatalon ito sa sobrang galak. Kung paano ay isang malaking misteryo na si Nina at ang Love Moves in Mysterious Ways lang niya ang nakakaalam.

NAGING masaya at tahimik ang pagsasama ng dalawa. Hanggang sa dumating ang pinakamalaking dagok sa kanilang pag-iibigan.

     Isang daliri ang kumuha kay Pacita mula sa loob ng kaha ng posporong kinalalagyan nila. Dahan-dahang itinaas ng estrangerong mga daliri ang dalagang noo'y nakapalda at suot ang paboritong panty na tadtad ng yellow polka dots. Nakatuwad ito, siyempre. So, yeah, spell awkward.

     Kahit anong pagpupumilit ay hindi nagawang iligtas ni Pancho si Pacita. Gusto niyang abutin ang paanan nito, ngunit naalala niyang wala nga pala siyang mga kamay. Ang kaniyang ulo nama'y lubhang malaki at kahit subukan niyang tumayo ay pihadong matutumba lamang siya at magmumukhang hopeless pa sa hopeless.

     Ito ang pinakamasakit na eksenang nasaksihan ni Pancho sa buong buhay niya—ang walang magawa upang iligtas ang babaeng kanyang iniibig. Lumuluhang pinanonood ni Pancho ang babaeng minamahal habang unti-unti inilalayo sa piling niya.

     Ang mas masakit pa'y dala nito ang bunga ng kanilang pagmamahalan. Matagal-tagal din niyang pinangarap ang magkaroon ng supling. Sa totoo nga'y gusto pa man din niyang pangalanan itong Panchito kung lalaki o hindi kaya'y Panchita kung magiging babae.

     Sagad na ang creative genes niya roon.

HABANG umiiyak dahil sariwang-sariwa pa rin ang sakit na dulot ng pagkawala ng iniibig at ng sana ay kanyang magiging panganay, nilapitan siya ng kumareng si Nicole at sinabing, "I can be every woman you want me to be.".

Bawal Ang Tao Ditoحيث تعيش القصص. اكتشف الآن