MOA: A Love Untold

746 38 18
                                    

TAONG 1955, nang magkakilala sa may tabing-dagat ang dalawang bato na nagngangalang Bato-tina at Bato-tino.

     Gaya ng ibang love stories ay nagsimula sa isang hindi magandang pagtatagpo ang kanilang kwento. Huwag kang ma-turn off, pramis, may twist ito.

     Kalalabas pa lang noon ni Bato-tina sa isang tindahan matapos umorder ng paborito niyang siopao at Coke. Pasipol-sipol pa siya habang naglalakad palabas ng convenience store.

     Bigla na lang humangin nang malakas at nang imulat niya ang mata’y nakasalampak na siya sa sahig at natapon palayo ang siopao niyang hindi man lang niya nakagatan. Biglang nag-init ang kanyang mainitin na talagang ulo.

     “Hoy, ikaw na walang modong bumunggo sa ’kin, ano, matutulala ka na lang sa alindog ko o tutulungan mo akong tumayo? Nahiya naman ako, eh. Ikaw na nga itong nakabunggo, hindi mo man lang magawang tulungan ang nabunggo mo! Letse!" nasabi niya ang lahat ng iyon in less than 5 seconds.

     Ngunit matapos ang mala-armalite na litanyang iyon ni Bato-tina ay para naman siyang sinabuyan ng semento at walang ano’y nanigas sa kinatatayuan at natulala sa lalaking kanina pa niya pinauulanan ng sumbat.

     Emergerd. Ang hot. Ang gwapo. Papable na papable.

     Kulang na lang ay maglaway siya on the spot habang ang kaluluwa’y ginagahasa na ang kaluluwa ng lalaking nasa kanyang harapan. May suot itong helmet na kulay itim. Ang lakas maka-power ranger.

DOON nagsimula ang kwento nilang dalawa. Nagkakilanlan, naging magkaibigan, at kalauna’y naging magkasintahan.

     Ngunit ang bawat pagsasama ay sinusubok ng problema. Taong 2005 nang sinubok ng isang matinding delubyo ang pagsasama ng ating mga bida.

     Kasagsagan noon ng isang super typhoon. Sobrang lakas ng ihip ng hangin na sinabayan ng ayaw paawat na patak ng ulan. Nawalan ng malay-bagay ang noo’y hapong-hapong si Bato-tina. Swerte naman at panatiko ng swimming si Bato-tino, kaya may naitabi itong salbabida at agad na isinakay doon ang pinakamamahal.

     Hanep, panatiko nga ng swimming.

     Ilang araw silang nagpalutang-lutang hanggang sa makarating sa may seaside ng noo’y ginagawa pa lamang na SM Mall of Asia.

     At dahil panatiko rin ng kasabihang “Go forth and multiply” ay ginawa nilang gabi ang araw at gabing-gabi ang gabi. Ang pamilyang binuo nina Bato-tino at Bato-tina ang tunay na pundasyon ng SM Mall of Asia.

Bawal Ang Tao DitoWhere stories live. Discover now