Dirty Diarrhea Duty

558 20 5
                                    

"ARAY! Aray ko naman, Hinlalaki! Bakit ka ba nambubunggo, ha?" Limang minuto nang nagrereklamo si Hintuturo sa panganay na kapatid. Asar na asar na siya rito dahil hindi niya matupi nang maayos ang manggas ng suot na t-shirt. Kanina pa siya nito binubunggo nang sadya.

     Tangina, kailangan kong ma-achieve ang Daniel Padilla look, sa isip-isip niya.

     "Makapagreklamo akala mo naman nasasaktan talaga siya nang todo," pilosopong tugon ni Hinlalaki na hindi pa rin tumitigil sa pang-aasar sa kapatid. Si Hinliliit naman na nakasandal sa kuyang si Palasinsingan ay walang tigil sa pagtawa.

     "Loko ka talaga, Kuya!" sinundan iyon ng isa na namang malutong na tawa. "Tingnan mo si Ate, oh, galit na galit na. Lagot ka d'yan, sige ka!" Oo, babae si Hintuturo, pero maton siya deep inside.

     Totoo ang sinabing iyon ng kapatid. Kung anu-ano nang ideya ang naiisip ni Hintuturo para makaganti sa nakatatandang kapatid.

     Bwisit kang Tabachoy ka! May araw ka din sa 'kin! Kasalukuyan niyang tini-take into consideration ang pag-aaral ng black magic.

     "Tama na nga iyan! Para kayong mga bata, eh! Ang tatanda n'yo na kaya. Please, behave accordingly naman." Napa-owww na lang with tatlong w's ang magkakapatid sa mala-pastor na litanyang iyon ng pangatlo sa lima na si Hinlalato. Katatapos lang nitong i-wax ang buhok at handang-handa nang gumayak.

     "Wait lang, Kuya!" agad namang umalis sa pagkakasandal kay Palasinsingan si Hinliliit at tinungo ang kinatatayuan ng kanyang Kuya Hinlalato. "Bend ka konti, Kuya, please," pakiusap nito.

     "Ha? Bakit?" sagot ng kanyang kuya. "Basta. Yuko mo lang nang konti ang ulo mo, please."

     Sinunod na lamang ni Hinlalato ang gusto ng kapatid. Naramdaman niyang hinawakan nito ang ilang strand ng buhok niya at hinila pababa. Matapos bitawan ng kapatid ang buhok at sinabing okay na at tinungo niya ang pinakamalapit na salamin.

     "Ayan, Kuya, kamukha mo na si Superman," nakangiting pahayag ng bunsong kapatid.

     "Oo, pero iyong nakahithit ng Kryptonite version." Natawa na lamang silang lahat sa sinabing iyon ni Palasinsingan.

PAALIS na sana silang lahat nang bigla ay may naramdaman silang kung ano. Sabay-sabay silang napahiyaw nang bigla silang dumausdos paibaba.

     Sa puntong iyon ay alam na nila kung ano ang nagbabadyang mangyari.

     Sa hindi kalayuan ay nakatingin si Pwet sa magkakapatid na palapit na nang palapit sa kinaroroonan niya.

     Samu't saring mura ang umaalingawngaw sa paligid.

     "No!!! Shit, no!!!"

     "Kingina, hindi pwede ito!!!"

     Ang nag-iisang kalmado ng mga sandaling iyon ay si Hintuturo. "As if naman may choice tayo mga bros and sis!" pahayag nito sabay dali-daling tinakluban ng suot na t-shirt ang mukha.

     Palaki naman nang palaki ang ngiti ni Pwet, habang marahang binigkas ang mga katagang, "Come to me and clean me, you little fingers."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bawal Ang Tao DitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon