Ang Boundary ng Friendship at Pagmamahal

1K 53 29
                                    

SA loob ng isang major throwback ang appeal na bus dahil sa senior citizen status nito. Tirik na tirik ang araw at parang nasa pressure cooker ang ambiance. Maingay ang paligid dahil sa busina ng mga sasakyang akala mo ay nabili ang bako-bakong kalsada.

     May sariling eksena sina B at T.

     "Sumusobra ka na, B!" halos magbi-breakdown nang pahayag ni T. Kung kaya lang nitong umiyak ay siguradong nakadalawang baldeng luha na ito.

     "Ano'ng ginawa ko?" aligagang tugon ni B. Hindi nagpapakainosente o nagpe-play safe. Para siyang na-caught in the act. Hindi alam ang gagawin dahil wala naman talaga siyang dapat gawin in the first place.

     "Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko, B. Bakit ka ganiyan?" pagpapatuloy ni T. Malapit nang mapuno ang ikatlong balde. Konting push pa, may patubig na sa buong barangay.

     "Ha?" gulat na gulat si B. "Puwede ba, T, wala akong ginagawa sa 'yo. Huwag kang gumawa ng kuwento."

     "Ganiyan naman kayong mga lalaki!" Malapit na sa point of no return si T at sobrang light pa ng traffic sa expressway to insanity. "Pagkatapos n'yong makuha ang lahat sa 'ming mga babae, ida-dump niyo kami as if we are no more than pieces of trash."

     "Ano na naman bang problema mo, B? Nag-break na naman ba kayo ng boyfriend mo at ako ang unang taong napansin mo, kaya ako ang pinaglalabasan mo ng lahat ng goddamn frustrations mo?" kitang-kita sa ekspresyon ni B ang pagkayamot sa kausap. Hindi kasi ito ang unang beses na umakto nang ganito ang kaibigan.

     "Tangina mo ka, B! Tangina mo ka!" Unti-unting humina ang sigaw ni T. Ang kanina'y nakabubulahaw na iyak ay napalitan ng manaka-nakang hikbi.

     Mukhang nadali ni B ang dinaramdam ng kaibigan.

     "Kilala mo nga talaga ako, B. Siguro kahit mga stains sa katawan ko kabisado mo kung nasaan at kung ano'ng dahilan." Tumawa na lang siya bilang tanda ng pagsang-ayon sa kausap. Tama ito. More than anyone else, si T ang masasabi niyang kilala niya na nang sobra.

KUNG magic ba ang tawag doon ay mahirap ipaliwanag. Sa maikling panahon ay nagkaroon ng animo'y maliwanag na awra ang paligid at tila nawalang bigla ang init at ingay na iniinda ni B kanina pa.

     "Try talking to him. Alam kong may pagkababaero si pareng Headset, pero mahal ka n'on. Sigurado ako." Ginulo pang lalo ni B ang magulo nang buhok ng kaibigan para mapatawa ito.

     "Papatawarin ko pa rin kahit na may makatabi lang na ibang headset sa jeep, nakikipag-flirt na agad?" tanong ni T.

     "Oo."

     "Kahit na pati si kumareng Jansport ay umaming nagkaroon sila ng affair ng boyfriend ko noong nag-cool off kami once?"

     "Oo. Nag-sorry naman na. At alam ko, T-shirt, na hindi bato iyang puso mo. Mapapatawad at mapapatawad mo ang kagaguhan n'on."

     "Bakit kasi ganito ako," biglang naging malungkot ang ekspresyon sa mukha ng babae.

     "Anong ganiyan ka?"

     "Ganito," sandali itong huminto. "Masyadong fragile. Isang sorry lang, okay na. Napakadali kong i-please, kaya pakiramdam ko minsan nagiging uto-uto na ako."

     Sus. That's one of the many things I love about you. Gusto sana itong sabihin ni B, pero ayaw niyang makialam sa pag-iibigan ng dalawa. Kaibigan niyang matalik sina T-shirt at Headset. Sa totoo nga'y siya pa ang naging tulay upang magkatuluyan ang dalawa.

     Napaka-ironical ng buhay, 'di ba?

     "Kung ano-anong iniisip mo. Buti nga ikaw ang laki ng puso, eh. Hindi lahat kayang magpatawad nang kasindali ng sa 'yo. Suwerte lang nang makakaaway mo." Sinamahan na lang niya ng tawa ang paliwanag sa kaibigan.

     Kung sana ay napapawi ng tawa ang lungkot na nararamdaman niya ay mas okay at paborable. Pero hindi.

     "Salamat at nandiyan ka, bestfriend," kasabay ng mga katagang iyon ay ang biglang pagyakap ni T-shirt sa kaibigan. Nagulat sa umpisa si B at tila hindi nakagalaw. Kalauna'y gumanti na rin siya ng yakap dito.

     "Ang taba mo pa rin, Bilbil," pang-aasar sa kaniya ni T-shirt. "Pero, ang cute mo. Ay mali, pogi pala!" kasabay ang marahang pagpisil nito sa pisngi niya.

     "Oo na. Tama na ang yakap. Pinagpapawisan ako lalo."

     Ayaw niyang lumagpas sa boundary ng pagiging magkaibigan nila ni T. Hindi bale ng masakit sa parte niya, basta't alam niyang maligaya ang kaisa-isang taong laman ng puso niya at ang kaibigang labis-labis ang tiwalang ibinigay sa kaniya.

Bawal Ang Tao DitoWhere stories live. Discover now