Chapter Six

28 6 2
                                    

*Miracle Justine*

Nandito na ako ngayon sa tambayan ng PRP. Dito ako napadpad pagkatapos kong umiyak ng sobra-sobra sa harap ng buong MIA.

Tapos na ang pagdarasal namin kaya naman saktong recess kaya nagiisnack na yung ibang mga students at teachers.

Samantalang ako, nakatingala lang sa ulap.

"Hey there, Vlad." mahinang usal ko habang nakatingin pa rin sa ulap/langit. Tila ba kinakausap ko lang siya. "Miss me?" tanong ko pa. "Because if you'd asked me the same question, I will surely say I do miss you." dagdag ko.

"When will you fetch me here, huh?" mahinang tanong ko pa. "Nahihirapan na ako, Vlad. Ayokong maniwala na wala na kayo. Na wala ka na. Pero, ilang taon na rin oh! Patay ka na ba talaga?!" dagdag tanong ko pa at halos pumiyok pa.

Umiyak ako. Na naman.

Akala ko hindi na ako masasaktan pa at iiyak kapag hinarap ko na ang lahat ng mga tao. Mga taong nagkaroon ng parte sa buhay nila, pero nagkamali ako.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maiwasang sisihin ang sarili ko.

"No, I'm not." biglang sagot ng kung sino man.

Agad akong napatigil sa pag-iyak. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid pero wala akong ibang nakita kung hindi ang mga puno't bulaklak lang.

"V-Vlad?" tanong ko.

"Why?" sagot na naman ng kung sino.

"Ikaw ba talaga iyan?" tanong ko habang umiiyak pa ng unti.

"I miss you, too." sagot muli nito.

Agad akong napaiyak ulit.

"Ngayon ka lang nagparamdam. Nakakatampo ka." sambit ko. "Nasaan ka? Ba't ayaw mo magpakita sa akin? Maganda ba diyan sa langit, huh?" sunud-sunod na tanong ko.

Biglang may kumaluskos sa isang tabi na punung-puno ng santan.

Lumabas doon si Mr. Airport.

"Hahahahaha!!! Naniwala ka naman! Ahahahahaha!!!" malakas na tawa pa niya habang itinuturo ako. "Ano yun? Nagmumulto siya, ganoon? Hahahahaha!" dagdag pa niya.

"All this time, ikaw ang sumasagot ng mga tanong ko?" tanong ko.

Nagpipigil ng inis.

"Oo! Bakit? Anong akala mo, babalik siya para sayo?! Ahahahaha! Kung ako si Vladimir, hinding-hindi kita babalikan!" sagot niya.

Napatulala na lang ako sa kanya. Grabe namang magsalita ito, akala mo naman ay ikinagwapo niya! Tch!

"Kung ikaw si Vladimir! Eh hindi naman ikaw siya eh! At isa pa, tigilan mo na ako! Kung gusto mo akong asarin, gumawa ka ng ibang paraan. Hindi iyong ginagamit mo pa ang kababata ko. Nakakasakit ka ah! Alam mo ba yon?!" tuloy-tuloy na sabi ko. "Huwag mo na ulit uulitin iyon, Diaz. Baka maipasa ko sayo ang galit ko sa mga taong pumatay sa kanila." may diin kong dagdag habang nakatingin ng matalim sa kanya.

Natigilan siya pero agad ding nakabawi.

"Sa tingin mo masisindak mo ako sa mga itinuturan mo, Villahermosa?! Puwes,hindi! Mas nasasaktan ka pala kapag ginamit ko ang pagkatao niya, ano? Hahahahahaha! Hindi ka masasaktan at agad na maniniwala kung tanggap mong patay na siya!!! Hindi na siya babalik! Para mas masaya, sumunod ka na sa kanya! Para wala ng asungot sa buhay ko!" sigaw niya.

Napangisi na lang ako. Mukhang madaling mapikon ang isang ito. Walang-wala ako sa mood ngayon at hindi dapat ako nantitrip pero itong lalaking ito, kapag nakikita ko kahit na wala ako sa mood, may gana akong pagtripan! Hahaha! Kinge! Ang weird!

Where Are You?Where stories live. Discover now