Chapter Two

37 6 0
                                    

*Alea Joanne*

Kinge namang quiz yun! 100 ang pinasolve! Kulang na kulang ang limang pirasong papel namin kanina! Amp!

"Grabe lungs! Naloka ako dun ah!" reklamo ko.

"Aba! Eh, sinong hindi? Pakiramdam ko eh nakapasok ako sa isang malaking maze!!!" daing naman ni Christina.

"Oh, asan si insan?" tanong ko.

"Nagliligpit pa ng gamit niya eh. Una na raw tayo." sagot ni Destiny.

"Ah. Eh, insan..." tawag ko kay Mitch. Lumingon naman siya sa'kin.

"Hmm?" sagot-tanong niya. Tsk! Tsk! Tsk! Hindi lang man maabala sa kakacellphone.

"Hay nako ka Mitch Penoliar! Sino ba yang katext mo at 'di ka man lang makatingin maski man lang sa dinaraanan mo?!" pang-uusisa ko.

"Si Dad lang ito insan, okay? Tch! Pinapapunta niya ako mamaya sa Mall niya." sagot naman niya agad. Hehe. Pinsan ko nga pala siya sa Lola's side. Si Justine at ang kambal niya ay pinsan ko sa mother's side. Si Destiny naman, pinsan ko sa Lolo's side. Hehehe. Share ko lang. Ba't , bawal?

Hehe.

Naglalakad pa rin kami hanggang nasa may bungad na kami ng canteen. Tsk! Antagal naman ni Justine!

Hindi kaya...

Ina-asthma na naman yun?

No way!

"Asan na ba si Justine? Antagal namang magligpit nun?" takang tanong ko na.

"Balikan nga natin!" aya samin ni Destiny.

Ngunit pagpihit namin patalikod, napatalon kami sa gulat! Amp!

"Anak ng! Nandiyan ka na pala hindi ka man lang nagsasalita!" bulyaw ko.

Agad naman niya akong nginisian.

"Hindi ko naman kasi alam na kinakailangan kong magsalita kada darating na ako." malumanay na sagot niya.

"Aish! Nako ka talaga, Justine! Pilosopa!" sigaw ko.

"Tch. Maka-sigaw naman 'to kala mo eh, ang layo-layo ko sa kanya." bubulong-bulong na sabi pa niya kahit na alam ko namang ipinaparinig talaga niya sa'kin.

Agad naman kaming pumwesto sa madalas naming pinagpupwestuhan. Sa dulong bahagi ng canteen kung saan mayroong mahabang mesa. Kasya rito ang sampung katao.
Dadalawa lang ang ganitong mesa at ang iba ay pang animan na lang.

"Kulang tayo ah. Asan si Rhaiza?" tanong-puna ni Destiny.

"Sabi niya ay may iba raw siyang kasabay. Nasa labas ng university, naghihintay." sagot ni Amber sa kanya.

"Ah... Baka yung ka-fling niya." nakangiwing sabi naman ni Lorraine.

"Maybe." segunda ni Maylyn.

"Hindi pa ba kayo oorder?" tanong samin ni Justine na kasalukuyang inilalapag sa mesa ang mga pagkaing inorder niya.

Ambilis naman nito. Baka naman inu-ulcer 'to?

Ewan. Kumain naman siya ng breakfast.

Ang weird.

"Hindi ka naman gutom na gutom Justine, ano?" sarkastikong tanong ni Lorraine.

"Hindi naman, sakto lang." nakangiting sagot naman ni Justine sa kanya at umupo. "Sige na, umorder na kayo at ako na magbabantay dito." dagdag pa niya.

Where Are You?Where stories live. Discover now