Chapter Eight

53 6 1
                                    

*James Peter*
Kanina pa umalis si Matteo. Si Doc Evan naman ay kaaalis lang din. Hindi pa nga daw siya aalis kung hindi siya kailangan ng iba eh! Anyways, kasalukuyan kaming nanonood ng isang zombie comedy movie na gawa dito sa Pilipinas.

Nakakatawa! Pramis! Pero ang galing din nung pagkakamake-up nila sa zombies. Pwedeng ipanlaban sa ibang zombie comedy movies! Hehe! Napatingin naman ako sa pinsan kong si Jonathan ng magsigawan ang P.R.P nung may muntikan nang makagat. Hindi ko alam kung maaawa ako sa pinsan ko o hindi. Hinahampas ng hinahampas kasi siya nung sinabunutan niya nung first day namin sa MIA. Siya naman sinasabunutan niya din 'pag hinahampas siya.

Nang malapit nang matapos ang palabas, bigla kong naalala yung pakikipagbakbakan namin kanina.

"Bakit?" tanong ni Justine na nakapagpabalik sa ulirat ko. Hindi ko man lang namalayan na nilapitan ko na pala siya.

"Uh...a-ano kasi eh...ahm..." napapakamot sa batok na panimula ko.

"Usong umupo,Peter." aniya, addressing me to sit down in a sarcastic way. "May gusto ka bang sabihin?" tanong niya.

"Ah...w-wala naman." sagot ko.

Nang hindi siya umimik ay napatingin ako sa kanya. Medyo napa-ilag pa ako dala ng gulat dahil mataman siyang nakatitig sa akin.

"Ang totoo k-kasi niyan...may nangyari kasing hindi maganda, bago ka pa namin dalawin." pag-amin ko.

"Oh! Salamat sa pagdalaw kung gano'n! Akala ko kasi'y sinusundo niyo lang talaga si Ronnie. My bad. Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk!" pasasalamat niya. "Anyways, anong nangyari sa inyo?" tanong niya.

"Ayun na nga. Ahm...naglalakad kasi kami papalayo tas meron palang nag-aabang sa amin. So...nakipagbakbakan kami bago pumunta rito." sagot ko.

Sinuyod naman niya kaming CPH ng tingin. Napangiti siya.

"Well, hindi halata ah!" komento niya. "May clue ba kayo kung sino yung mga yun? Baka naman gumaganti yung mga nabully niyo noon?" tanong niya.

"Hindi ko alam eh. Probably. Tch! Nakasuot pa talaga sila ng black ha! At may pa-design pa ng kulay abo! Grabe naman pala sila kung gumanti. May pa-costume pa!" naisagot ko na lang.

"A-Ano kamong suot? Black then may design na grey?" pagkukumpirma niya.

Napakunot-noo naman ako pero napatango pa rin.

"Naku! Malamang as malamang ay hindi nga yun yung mga nabully niyo from the past." aniya. "Isa iyong gang, Peter. Gheezz! Hindi man sila ang pinakanotorious, paniguradong appetizer pa lang yung pinadalang tumambang sa inyo! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk!" paliwanag pa niya.

"Sino sila?" tanong ko.

"I-I'm not sure, Peter. Hindi ko na alam ang pangalan ng gang nila." sagot niya. "Baka napagtripan kayo." dagdag niya.

Napakibit-balikat na lang ako.

"We can handle that." confident na sagot ko.

"W-What?" natatawang tanong niya. "Anong 'that'? Them! Baliw ka! Ano sila, gamit? Halaman? Hayop? Buang! Hahahahahaha!" tanong-tawa niya.

Napatingin ako sa kanya. Napangisi ako ngunit tunay na namangha sa nakikita ko. Akalain mong, hindi naman pala masyadong boring kasama ang isang ito?! Hahahaha! Abnoy din pala. Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk!

Napatigil siya sa pagtawa ng  mapansing nakangiti lang ako sa harapan niya.

"Bakit?" takang tanong niya.

Where Are You?Where stories live. Discover now