Chapter Four

33 6 0
                                    

*Miracle Justine*

"As if naman kasing magkakaboyfriend ang isang iyan. Tch. Walang magkakagusto sa isang tulad niya...pangit. Tch. Nerd!" anang pamilyar na tinig ng isang lalaki sa bandang likuran ko.

Hindi ako kumibo. Ni hindi ako gumalaw. Pero siyempre...

Hindi ko naman pinigilan ang aking paghinga.😏 Mehehehehehehe!

Para kaming...sira. 😑

Hindi ata titigil ang isang ito hangga't hindi niya ako napapatumba.

Pero sa totoo lang, napatigil ako ng kahit ilang segundo ng dahil sa sinabi niya.

Na as if naman na magkakaboyfriend ako eh ang pangit ko. Tch. FYI, may salamin din kami sa bahay, gusto niya bang ipalunok ko pa sa kanya? Tch!

Hindi ako natinag ng tumayong bigla ang buong P.R.P.

😳

"Hoy ikaw! Kanina pa ako nagtitimpi sa iyo ha! Inaano ka ba ha?!" sigaw ni Alea kay Matteo. Oo, si Matteo...na naman. Psh.

"Wala ka ba talagang magawa sa buhay mo ha?!" tanong ni Lorraine.

"At nagawa mo pa kaming gulihin eh kitang-kita namang nagkakasiyahan kami dito!" gatong ni Destiny.

"Kaya naman pala nagsimulang bumaho ang ihip ng hangin kasi nandito ka na naman!" asik ni Amber.

Pinagtaasan naman na siya ng kilay ng iba ko pang kasama, puwera lang si Rhaiza.

"Gwapo ka sana pero ang sama-sama ng ugali mo!" sigaw sa kanya ni Maylyn.

"O-Oo nga!" sang-ayon ni Rica na halatang nilalakasan ang loob para maipagtanggol ako. Hehehe. Cute.

"Wait!!! Will you please all, shut up?!! Why do you speak up for her?! Is she that really weak?" pigil ni Matteo.

"Don't you dare call her weak and ugly or else I'll break your leg." banta naman ni Jack habang nakaupo at magkakrus ang braso.

"Woah! How dare you to say that? Aren't you afraid of us?!" biglang singit ni... sino nga ito? Ah, si Sam.

"Oo nga! Itong mga bruhang ito! Kala niyo naman ikinaganda ang pagiging warfreak!" singit nung baklang Jonathan.

"Huwag niyo kaming sinisimulan at magkakagulo tayong lahat." sabat nung mukhang gangster na si Drake.

"Hah! Huwag niyo kaming dinadaan sa pahangin niyo dahil hindi niyo pa kami kilala!" biglang duro sa kanila ni Alea.

Psh. Nag-aaway away sila dahil sa iilang mga pangkaraniwan ng salitang narinig ko.😏 Para silang ewan.

Napatingin ako sa boyfriend ng kakambal ko. Tss. Parang nawawalang bata. Nakanguso lang ito at inosenteng nakatingin sa dalawang grupong patuloy na nagbabangayan.

Napatawa ako ng mahina nang mapansin na mukhang sirang plaka na ang boyfriend ni Alea na paulit-ulit silang pilit na inaawat.

Pati din itong si Jack, nakikigulo. Amp!

"Hwoy!!! Kung mag-iingay lang kayo dito sa canteen para sa iilang mga pangkaraniwang kataga...aba eh, usong lumabas ng hindi makaistorbo sa mga kapwa nating gusto ay kumain!" sermon ko na nakatayo na. "At kung ayaw niyong maguidance eh pahingi ng kape. Nababagot na ako." dagdag ko pa ng makuha ko ang buong atensiyon nila.

"Bilis!!!" nanlilisik na ang mga matang utos ko.

Agad naman silang nagsipila sa counter.

Where Are You?Where stories live. Discover now