Chapter Nine

55 6 2
                                    

*Matteo Dave*

Tatlong linggo na ang lumipas. Tatlong linggo na kaming CPH na pumapasok sa Montefalco-Ignacio Academy. At...tatlong linggo na rin kaming nakikipagbulyawan sa PRP ng dahil kay Justine.

Parang ngayon...

"Aaaaannnnnaaakkk ka nang kagang kang talaga Matteo!!!" gigil na sigaw ni Lorraine.


Dali-dali nilang pinagtatanggal sa ulo at katawan ni Justine ang mga sangkap ng adobong manok na ibinuhos ko sa kanya. Bakit ko iyon ginawa? Dahil naiinis ako! Naiinis akong makita siyang nakangiti pa rin sa kabila ng lahat ng ginagawa kong katarantaduhan sa kanya kasama ang iba kong tropa, dagdag niyo na rin yung iba pang nambubully sa kanya noon. Alam niyo iyon? Yung tipong nasasaktan na siya, pero parang ang saya-saya pa niya?! Ano siya? Alien?!



"Ano na naman bang kaguluhan 'to, ha?!" sigaw nang isa sa mga parating umaawat samin. Sino pa ba? Edi iyong SSC President na halata namang maimpluwensiya! Tch.


"Eh kasi Pres, itong Diaz na 'to, bigla-bigla na lang nambubuhos ng ulam! Tignan niyo nga itong itsura ng kaibigan ko!" sagot na pasigaw ni Lorraine.


Napatingin si Ethan kay Justine, gayon din ako. Para sakin, mukha siyang basurahan ngayon. Pero palagi siyang mukhang basahan.😏


"Lahat ng sangkot sa kaguluhan na 'to, sumunod sakin!" utos niya.


Labag man sa kalooban...sumunod kami. At siyempre, papunta na naman sa opisina niya. Well, ngayon lang ang pangalawang beses na nahuli niya kami, pero noong mga nagdaan...hindi niya alam. Dahil hindi nagkalakas-loob ang mga estudyanteng nakakita sa gulo namin na magsumbong sa kanya.



Umupo siya sa kanya ng swivel chair at nagpaikot-ikot. Tch. Masuka-suka 'to 'pag huminto. Nang mapagod ay bigla siyang tumayo at ihinampas ang mga kamay niya sa kanyang lamesa.



"Ni hindi man lang kayo nadala sa parusa ninyo?!" pasigaw na tanong niya.



Naalala ko tuloy ang rambulan namin habang ginagawa ang parusa.





(Flashback...)

Hapon na, in short uwian na...sana...unfortunately, naalala nung SSC President ang punishment niya sa amin. So heto, nandito kami ngayon sa building ng mga Junior Highschool Students. Bawat floor, may comfort rooms, kung saan meron ding sariling washroom ang mga player \ varsity. At dito kami na-assign. All-in-all, meron naming 16 rooms na lilinisin; dahil sa isang floor, may c.r. ng girls at c.r. ng boys, may washroom for varsities at magkaiba pa ang sa babae't lalake. Eh sa apat ang palapag ng building na 'to! Tch!


"Ihanda na, ihanda na ang gamit, ang gamit! Tayo'y maglilinis, tayo'y maglilinis ng toilet, ng toilet!" kanta ng kung sinumang babae ang nagdaan.


Sabay-sabay kaming napalingon sa paulit-ulit na kumakanta niyon...si Rica pala.


Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Dec 02, 2020 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Where Are You?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang