Chapter 20

2.3K 69 12
                                    

Hana's POV pa rin.

Haist. Grabe. Ganto ba talaga kamalas tong 2012?  Nayayamot na ako. Kung panaginip man to gusto ko nang magising.

"Pakamatay na lang kaya ako?"

Tapos binatukan ako ng malakas ni Haji. Aray ko ha naisahan ako neto.

"Aray! Bat ka ba nambabatok?!"

"Ulo yun, di yon batok. Sira ulo ka kasi e. Kung ano ano sinasabi mo. Kaka promise nga lang natin, babasagin mo agad." -Haji

"Sorry." -Ako

"Okay lang. Wag mo na lang ulitin. Ay, nga pala, si Kyle nasan na?" -Haji

Ngayon ko lang din na-realize na wala si Kyle. Di ko siya napansin e. Di rin siya pala salita kanina pa.

"Oo nga, nasan kaya yun? Ngayon ko lang na-realize na di pala natin siya kasama." -Ako

Di ko alam kung paano siya nawala e. Akala ko nananahimik lang siya. Baka namana tinataguan nya lang kami? Ay hindi, malabo. Seryoso yung datingan niya eh. Kaya malabong magtatago siya. Ayoko mag-isip ng negative eh. Baka nandyan lang siya sa tabi tabi. Baka nag e explore lang.

End of Hana's POV

Hajime's POV
 
Nandito nanaman kami sa loob. Yung isa kasi naming kasama, naiwan. Pft. Pahirapan nanaman to pag labas. Dun kami napunta sa mga dalawang daan. May pakaliwa at may pakanan. Ngayon, di namin alam kung saan kami dadaan. Nagtatalo pa kami ni Kenji.

"Dito tayo sa kaliwa." -Kenji

"Baket? Nakakasiguro ka bang safe yan?" -Ako

"Instinct lang." -Kenji

Mm, sabi nila diba follow your instinct, minsan naman nakakachamba na tama. Well, sige. Dun kami dumaan sa tinuro ni Kenji. Ngayon naman madaming pinto. Di naman namin malaman ngayon kung anong papasukin namin. Fate y u do dis to us. Pero sa lahat ng pinto, merong isa malaming yung doorknob. Ewan ko kung anong trip nila pero parang may something na kakaiba sa loob e. Weird.

"Uy kapitan nyo door knob neto." -Ako

Tapos nilagay ko yung kamay ni Justin.

"Bakit ang lamig?" -Justin

"Ewan ko. Yung ex ko siguro to. De joke lang. Basta nararamdaman ko may kakaiba sa loob eh." -Ako

"Ano? Papasukin natin?" -Kenji

"O....sige..." -Ako

Dahan dahan naming binuksan yung pinto and then.. bingo. Isa siyang... e basta. Para syang malaking ref. Basta negative na yung temperature sa loob e. Sobrang lamig. Tapos dun namin nakita si Shaira.

"Shaira!" -Ako

Nakatingin lang siya samin.

"Shaira?" -Kenji

"T...tulong.. Mamamatay na ako sa lamig." -Shaira

Tapos tinulungan agad namin siya bago pa siya ma hypothermia tapos lumabas na kami. Wala pa ring nakakakita samin. Walang nakaabang sa pinto palabas e. Ewan ko kung shunga sila pero mabilis kaming nakalabas. Tapos bumalik kami dun sa lugar kung san namin iniwan sila Hana.

"Hana!" -Ako; Pasigaw na pabulong kong sinabi [gulo no?]

"Hajime! Shaira! Anong nangyari?!" -Hana

"Kinulong si Shaira sa malaking ref. Kailangan natin ngayon mag siga or basta kahit anong mainit!" -Hajime

"Ako na mag-sisiga." -Haji

"Wag na. Okay na ako. Salamat sa pagbalik para sakin." -Shaira

"Wala yun. Bakit ka ba kasi naiwan?" -Ako

"Kasi, nadapa ako. Tapos nung tatawagin ko sana kayo, may tumakip sa bibig ko na nagpawalang malay saken. Tapos nagising na lang ako dun sa malaking ref na yun." -Shaira

"Ah. Maiba lang tayo saglit. Hindi nyo ba napapansin?" -Hana

"Ang alin?" -Justin

"Nawawala si Kyle." -Hana

Tinignan ko sila isa isa... wala nga si Kyle. Ano man nangyari dun? Biglang nawala? Iiwan kame?

"Kelan pa sya nawawala?" -Ako

"Hindi namin alam. Kanina ko lang talaga napansin na nawawala siya." -Hana

"Okay okay. Hahanapin natin siya. Pero hindi dun, tingin ko wala siya dun e. Kasi bago pa tayo makulong dun, wala na sya sa paningin ko." -Kenji

"Ah. Osige." -Hana

Kasi naman e. Kung iniwan nya man kami, buset sya. Pero kung nawawala man siya, aba edi sana mahanap na namin siya. Hindi yung maghahanapan nanaman kami. Or kung ayaw nya na samin sana umalis siya ng maayos. Hindi yung mawawala na lang bigla. Parang yung ex ko.

"Ano tara na? -Hana

"Maya na. Pahinga lang kami. Masyado kang hot e. Haha." -Kenji

"Sorry naman!" -Hana

End of Hajime's POV

Hana's POV

Nakabalik na sila, kasama si Shaira. Pero I wonder, nasan na kaya si Kyle? Bigla kasing nawala e. Nangapa ako sa bulsa ko kasi mejo nagugutom ako. Malay mo may bubble gum diba? Pero iba nakapa ko, may nakapa akong digi cam. Weird pero cool. Kasi, hindi siya nasira sa bulsa ko. E nung birthday pa to ni nalimutan ko na e. Tagal na nun, bago pa magsimula tong apocalypse nun. Astig talaga!

"Hey picture-ran ko kayo."

"Wow ha, may digi cam ka sa bulsa." -Haji

"Astig nga e. Di nasira."

"Sila na lang, ayokong sumama." -Haji


Kj ni Haji. Cute naman siya napaka camera shy. Well ayaw nya, edi sila na lang

3....

2....

1....

*Click*

May souveneir na nila ako. Pero may something weird dun sa picture.. teka?!..

"Guys check nyo tong picture.."

Bukod sa mga nasa picture, may tao sa likod. Creepy! What/who the eff is that?!

"Teka... si Kyle yun ah?!" -Haji

Huh?! Si Kyle?! Sh*t. Natatakot ako. Bakit kami tatakutin ni Kyle ng ganito?

"Kyle, di magandang biro to! Lumabas ka na dyan!" -Haji

Walang sumasagot.

"Kyle!" -Ako

Lumabas si Kyle. Infected Kyle. Pano siya naging infected? Hindi ko maintindihan.

"Kyle! Anong nangyari sayo?" -Ako

"Wala. Patayin nyo na ako. Please. Ayokong masaktan ko kayo." -Kyle

"Bakit ka..." -Haji

"Napansin nyo ko? Nanahimik ako diba? Kasi, infected na ako. Nakita ko may scratch ako galing sa zombie na naka encounter natin na medyo matagal na. Di ko rin alam kung bakit ang tagal ng epekto bago maging.. lam nyo na. Lumayo ako sa inyo kasi mamaya bigla na lang ako maging... alam nyo na. Tapos bigla ko na lang kayong atakihin. Ayokong mangyari yun. Please patayin nyo na lang ako." -Kyle

"Di namin magagawa yun. Kaibigan ka namin." -Kenji

"Hindi nyo ba magagawa?" -Kyle

Tapos kinuha niya yung baril ni Justin. Lumapit sakin tapos hinalikan nya ako sa noo.

"Amin na ako sayo. Crush kita."

Nag smile siya tapos.... Tinakpan ko mata ko kasi.. Binaril niya sarili niya.

Great Escape: Zombie Apocalypse 2012Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon