Chapter 16

2.5K 63 9
                                    

Hana's POV

May nakita kaming mini bus. Ay ewan. Di ko alam kung mini bus ang tawag dun e. Basta yung maliit na bus. Chineck muna nila sa loob kung walang zombie. Ang ayos pa sa loob
Ang comfortable ng itsura di mo aakalain na paglabas mo, nasa lugar ka pala na may zombie apocalypse. So, yun yung naging sasakyan namin sa paghahanap ng way out sa lugar na to.
"Sana naman, eto na talaga. Hindi na sana masira to para makaalis na tayo dito. Lagi na lang tayong malas pag sa sasakyan eh." -Kenji

"Sana nga."

Si Krystal ang nag drive. Driver siguro to nung wala pang outbreak. Jk.

"San punta natin ngayon?" -Hajime

"Kela papa. Sila na bahala satin pagdating natin dun. 100% safe yung lugar na yun guys." -Justin

"Okay."

Ako naman, natulog lang sa byahe. Puyat ako eh. Hindi naman siguro masama kung matutulog ako saglit diba? Ngayon na lang ulit makakatulog ng maayos dahil alam kong safe yung pupuntahan namin. Mga isang oras din akong nakatulog... may umuungol sa tabi ko.. ano yun? Unti unti kong dinilat yung mata ko...

*brains*

"AAAHHHHHHHH!"

Lalabas na sana ako ng bus pero nakita ko sila, tumatawa tapos kalmado lang.

"Palabasin nyo ko dito!"

"Hahaha! Hoy babae kalma lang!"

Kalma? PSH. Ngayon lang nag sink in sakin na isang joke lang pala yun. Hindi nakakatuwa! Sa gantong sitwasyon bibiruin ako ng ganun?!

"Bwisit! Kala nyo nakakatuwa biro nyo eh."

"Lagot ka Kenji!" -aAbi nilang lahat.

"Hana! Joke lang *laugh* yun! Wag mong *laugh* seryosohin! Sorry hahaha"

"Sorry? Mukha mo!"

Tungunung trip yan. Nakakabadtrip. Psh. Lahat sila hindi ko inimik. Lahat sila kakunchaba eh. Kinabahan kaya ako ng sobra tapos malalaman mong trip lang pala yun! Diba nakakainis?!

"Ayos ka lang ba? Namumutla ka pa rin eh." -Krystal.

Lumapit kasi ako malapit dun sa drivers seat. Ay, sa likod pala nya ako umupo.

"Hindi. Nakakabadtrip sila e."

"Wag mo na lang pansinin, lilipas din yan. O eto, mag tubig ka. Ang putla mo eh."

Nag abot sya saken ng bottled water. Kahit papano, nahimasmasan ko. Eto nanaman si Kenji, lumapit nanaman saken. Manggugulo nanaman.

"Hana."

*snob*

"Hana.."

*snob*

"Hana!"

"Ay, tinatawag mo pala ako. Sorry, hindi ko naririnig eh."

"Sorry na uy."

"Sorry saan? Hindi naman kita kilala eh. Bakit ka nag so-sorry."

"Dun sa joke. Sorry na."

"Ang kulit mo rin kuya. Hindi po kita kilala e. Di mo kailangang mag sorry. Haha. Saka sorry, I don't talk to strangers."

"Wag ka namang ganyan! Bakit ganun kayong mga babae?! Sorry na ng sorry, ayaw pa rin tanggapin?! Ano bang gusto nyo? Tumalon kami ng building para mapatunayan na sincere yung pag so-sorry namin?!"

"Why not diba?"
L

Tapos lahat sila nakatingin samin, kahit si Krystal napatigil sa pag da drive e. Napatingin din samin.

"Tapos hindi pa sasagot ng maayos! Hay bahala ka sa buhay mo! Basta ako, sincere yung pag so-sorry ko. Kung ayaw mong tanggapin, well, hindi ko na problema yun! Ang immature mo masyado! Simpleng klase ng biro masyadong sineseryoso!"

Tapos umalis na siya. Oops, nabadtrip ko ata siya. Kunsensya ko naman ngayon. Hay naku kang babae ka.

"Okay, nandito na tayo."

Bumaba kami ng sasakyan. Still, di pa rin kami nagpapansinan ni Kenji. Iwan muna natin yung isyu samen. Ang astig ng kampo ng tatay nila Krystal. Secure na secure siguro tong lugar na to.

"Tara na." -Justin

Pumasok kami sa loob. Daming sundalo. Saka daming mga baril (malamang).

Hindi muna ako sumunod sa kanila, nag stay muna ako dun sa bus. Ewan ko, parang nahihiya ako kay Kenji e. Kahit sya naman yung nangunang mantrip. Ako naman masyadong pabebe. Nagsosorry na yung tao di ko pa tinanggap agad.

"Hana, di ka ba sususnod sa loob?"

O? Si Haji to ah.

"Hindi na, nahihiya ako kay Kenji e."

"Hana?"

"Yehyeh?"

"Magiging prangka ako sayo. Sa totoo lang, kahit ako yun magagalit din ako. Sabihin na nating sya yung unang nang trip at alam kong nabadtrip ka. Pero kitang kita naman kasi sa galaw at mga mata nya na sincere yung pag so-sorry nya tapos ganun yung sagot mo sa kanya, maiinis talaga yun."

"Ah, hindi ko naman alam eh."

"Mag sorry ka rin sa kanya. Taas talaga ng pride ng mga babae."

"Osige. Samahan mo ako sa loob."

Tapos sinamahan niya naman ako. Hinanap ko si Kenji pero hindi ko makita. Kumakain silang lahat pero si Kenji wala. Nag try akong magpunta sa may garden, at nakita ko naman sya dun.

"Kenji."

"Si-- baket?"

Nakita nya ako e, parang yung poker face nya, lalong naging masungit yung dating. Mainit talaga dugo saken. Psh.

"Sorry. Kung ayaw mong tanggapin okay lang. Basta nakapag sorry na ako sayo. Sige una na ako."

Aalis na sana ako pero nagsalita sya.

"May sinabi ba akong ayaw kong tanggapin?"

"Galit ka eh."

"Di ako galit, nainis lang ako sa inasal mo kanina. Taas ng pride mo eh."

"Sorry ulit."

"Okay na. Wala na yun ha? Tapos na yun. Tara na sa loob?"

Hay salamat. Gumaan yung pakiramdam ko. Ayoko kasi ng taong may galit sakin eh. Di ako sanay ng ganun. Pagpasok namin, nagkakagulo sa loob. Akala ko ba secure to?! Pero may mga nakapasok na zombie.

"Shit, akala ko ba secure to?! Bakit ma" -Kenji

"Hana! Kenji! Takbo dito dali!" -Krystal

Tumakbo kami dun sa bus tapos umalis kami sa lugar na yun.

"Akala ko ba secure yun?" -Ako

"May mga sundalo kasi na infected pala. Hindi rin naman alam ng iba kaya ayun. Hindi rin nila alam kung paano na infect yung mga yun. Eh secured nga tong lugar diba. Laging naka sara yung mga malalaking pinto." -Justin

"E yung papa nyo? Pano siya?"

"Okay sila papa, nakalipad sila. Hihingi sila ng tulong sa ibang kasamahan nilang sundalo para ma rescue tayo dito." -Justin

"Saan naman ang punta natin ngayon?" -Kenji

"Sa ngayon aalis muna tayo palayo dito. Tuloy tuloy na to, lalabas na tayo dito." -Krystal

"Sure na ba to?"

"Sana."

Gandang sagot eh. Pero sana talaga, makaalis na kami dito.

Great Escape: Zombie Apocalypse 2012Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon