Chapter 11

2.8K 70 0
                                    

Psh, sumabit yung paa ko sa animal trap. Medyo malalim yung sugat. Mamatay na naglagay neto dito! Ang hirap kaya magkasugat sa gantong sitwasyon. Mamaya may kalawang yun eh. Ma-tetano pa ko. O kaya mamaya habulin kami ng mga panget na hukluban, hindi ako makatakbo at makain pa ako. Huhu.

"O-o...ouch!"

"Psh, nakela Kenji kasi yung first aid kit eh. Badtrip naman oh."

"Ayos ka lang Hana?" Sabi ni Shaira

"Oo, ayos lang ako."

Pero hindi talaga ako maayos. Medyo malalim nga kasi yung sugat eh. Siguro mga half inches din yun. Natusok kasi eh. Tsk. Tapos may lumitaw na babae dun sa may likod ng malaking puno.

"Nasaktan ka ba?"

"Sino ka?"

"A, e ako kasi naglagay niyan dyan. Para sa zombie yan. Hindi ko naman alam na matatapakan mo. Sorry."

"Ayos lang. Ate, anong pangalan mo?"

"Krystal."

Sa wakas may kasama na kaming mas matanda samen. 23 na kasi siya. Kumbaga may guide na kami sa mga dapat gawin. Mukha kasing ang astig niya eh. Mukhang magaling siya sa mga bagay. Emo nga dating niya eh. Sheeet, ang lupeeeet!

"Ano? Hana? Kaya mo bang maglakad?"

"Kakayanin. Masakit kasi talaga."

First attempt ko na maglakad, bumagsak ako. Malalim talaga yung sugat e. Baka isipin nyo nag-iinarts lang ako. Nagulat ako ng binuhat ako ni Haji.

"Ya! Bakit mo ko binuhat?!"

"Ikaw na nga tong tinutulungan eh!"

"Mabigat ako! Baka mabalian ka ng buto, ako pa sisihin mo."

"Mabigat ka pang lagay na yan? Eh parang payaso na nga yang katawan mo eh.

He's so meaaan! Pero dahil masakit din yung sugat ay di na ako umangal.

"San nga pala kayo galing?"

"Dun sa bahay na yun. Kaming dalawa, ako saka po si Haji, may ibang kasama. Nahiwalay kami sa kanila tapos kami nahulog sa cliff."

"Ah, tingin mo san banda yung mga kasama mo?"

"Siguro nasa kabilang banda ng bundok na to."

"Edi tara, hanapin natin sila."

Ang bait naman ni Krystal. Hm, I wonder kung nasan na yung tatlong yun. Sana safe sila.

Kyle's POV

Psh. Etong dalawang to, nag-aaway pa kung saan dadaan. Naka encounter kasi kami ng dalawang daan. Magkahiwalay. Ngayon, nag-iisip sila kung saan kami dapat dumaan. Parang naka encounter na ako ng ganitong scenario eh. Di ko lang maalala kung saan.

"Dito na kasi!" -Hajime

"Dito na!" -Kenji

"Dito na kasi! Ang kulit mo din eh!" -Hajime

"Ikaw nga tong makulit eh!!" -Kenji

 "Dito na!" -Hajime

"Aish! Sige na dyan na!" -Kenji

Haaay thank goodness! Natapos din ang argument netong dalawang to! Pero hindi namin alam kung anong naghihintay samin sa daan na yun. Marami lang kaming nakitang mga animal trap.

"Ang daming animal trap dito." Sabi ko.

"May hayop pa bang buhay dito? O baka para kay Hajime to. Mukha daw kasi siyang asong ulol." -Kenji

Great Escape: Zombie Apocalypse 2012Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon