Chapter 8

3K 74 6
                                    

Naalarma kaming apat nung may kumalabog sa pinto. Hindi namin alam kung may bumagsak lang sa bubong o may zombie sa labas.

"Uy ano yun?!"

"Pshh! Wag kang maingay!" Pabulong kong sinabi.

"Keep quiet everyone." Sabi ni Kenji na umi-english.

Sila ni Haji yung magchecheck. Dahan dahan silang naglakad papalapit sa pinto, si Kenji yung magbubukas tapos si Haji yung back up. Sinilip muna nila sa bintana kung meron ba para sure talaga.

"Wala naman ah." Sabi ni Kenji.

"Silipin na natin para sigurado." Sabi ni Haji.

Oo nga naman, mahirap magtiwala sa maling akala. Dahan dahang binuksan ni Kenji yung pinto and then.........

May pinulot sila sa sahig tapos pumasok at sinara na yung pinto.

"Ano yan?"

"Bunch of roses."

"Oo, alam kong bunch of roses pero saan galing?"

"Wag mong sabihing iyan yun kumalabog kanina?" Sabi ni Denise.

"Ewan ko, eto nga siguro. E kanina naman walang rosas sa labas diba? Baka may stalker tayong mga zombie. Baka may mga babaeng zombie na nagkakandarapa saken." Wow, bigat pare! Lakas ng self confidence ni Kenji. Pero aaminin ko, cute naman siya. Ang cute patayin.

"Nagkakandarapa talaga sila. Nagkakandarapang kainin ka."

Tapos tumawa silang lahat. Lol ang corny corny nun nakuha pa nilang tumawa?

"Gusto mo ikaw kainin ko?" Biglang sabi ni Kenji. Lahat sila napa Owww. Bwisit to ah.

"Hoy ako tigil tigilan mo ha!"

"Oo joke lang! Hahaha tabi nyo na lang yan. Wala naman tayong mapapala dyan eh."

Nilagay na lang nila sa isang tabi yung bunch of roses. Sabagay, ano nga naman mapapala namin dun? Mabuti kung nakakain yun diba? Edi may pakinabang at nabusong pa kaming lahat. Nalingat ako saglit sa spot ni Denise. May napansin ako sa tinatapakan nya eh. Parang may 'x' na marka.

"Denise, tabi ka muna saglit." Tumabi naman siya. Chineck ko yung tinatapakan niya, nabubuksan to.

"Mukhang secret passage to."

Tinanggal namin yung takip tpaos sumilip, secret passage nga. Mahaba siya, siguro ang dulo nito bayan na. Maliwanag sa ilalim, may ilaw e. Ito na yung pinaka astig na secret passage na nakita ko. Parang sa mga pelikula lang. May secret passage pang nalalaman.

"Ano? Tara?"

"Akala ko ba dito tayo magpapalipas ng gabi? Saka hindi ba delikado dyan? Baka puro zombie dyan sa baba or baka dead end lang din."

"Maliwanag naman sa yung daan e. Saka mukhang malabong dead end dulo neto."

"Psh, sige na nga."

Umalis kami dun sa bahay, kumuha ng onting gamit na mapapakinabangan like first aid kit at mga damit. Tinahak namin yung secret passage.

"Ano ba to? Laboratory ata to e."

Kasi may mga periodic table, may mga lab apparatus, tapos may pc. Basta. Meron pang dinissect na hayop. Marami. Iba't-ibang klase ng hayop. Parang yung ex mo. Joke.

"Oo nga eh. Baka naman dead end lang ang dulo neto?"

"Pakiramdam ko hindi e. Siguro town ang dulo neto or something."

Pagkatapos namin dun sa laboratory, sewer ang labas namin.

"Malapit lapit na, hanap na lang tayo ng pinakamalapit na manhole."

Medyo kadiri nga lang kasi yung mga daga, malay mo infected din sila diba? Mahirap na. Ma infect pa kami ng wala sa oras.

"Kadiri naman dito." Sabi ni Kenji.

"Sige, bumalik ka dun!"

"Ang high blood mo naman!"

"Parang di ka na nasanay."

Tapos tumawa na lang siya. Napansin namin na medyo tumataas yung tubig, mukhang umuulan ata sa labas.

"Umuulan ata sa labas, bilisan natin, baka abutin tayo ng sobrang taas. Kadiri yun"

Nanakbo na kami, nakahanap naman kami agad ng malalabasan. Sumilip munakami bago kami lumabas, ibang lugar na to. Wala namang zombie kaya lumabas na kami. Kaso ang lakas nga lang ng ulan. Medyo blurry yung kalsada dulot nga ng malakas na ulan.

"Dalian natin. Dapat makahanap tayo ng sasakyan. Di tayo pwede abutin ng mas malakas na ulan sa gantong state."

Naghanap kami ng maayos na sasakyan, nakahanap kami ng military van. Thank goodness. Sana naman wala nang maging aberya to. Nakakapagod manakbo ng manakbo or maglakad no.

"Pwede na siguro to no?"

"Oo, kaysa naman wala."

Naghanap agad kami ng way paalis sa lugar na yun. Masyado ng mahamog sa daan kasi malakas ang ulan. Hindi na namin alam kung saan kami dumadaan. Tapos nung medyo lumiwanag na yung daan, may crowd ng zombie na papasalubong samin. Bakit ba lagi na lang kaming nakakasalubong ng napakaraming zombie.

"P-pano na yan?! Ang dami!"

"Atras! Atras! Bilisan mo Kenji!"

"Oo eto na oh!"

Sabi ni Haji. Si Kenji kasi nagdadrive. Tapos taga baril naman mula sa loob si Hajime. Kami naman ni Denise, mga taga sigaw. Wala babae eh. Nakakataranta na kasi yung sitwasyon no. Atras kami ng atras, hindi na namin alam yung inaatrasan namin. Tapos nabunggo kami sa poste, edi kailangan nanaman naming manakbo. Shutangina takbo nanaman!

"Walang mahihiwalay! Dito tayo!" Sigaw ni Kenji, tapos sumunod kami sa kanya. Umakyat kami ng bakod, at yung kabila ng bakod na yun ay police station na. Naghanap kami ng radyo para makahingi ng tulong.

"Natatakot na ko." Sabi ni Denise. Aba ikaw lang ba? Akala mo ba kami hindi? Joke. Ang sama ko.

"Tara, maghanap na tayo."

Nag start kaming maghanap. Pero wala kaming nahanap e. May isang office na naka lock yung pinto. Papasok sana ako pero naka lock.

"Makiramdam muna kayo bago kayo sumulong. Yan ang ikakapahamak natin e."

Mukhang wala namang zombie sa loob, kaya sinira namin para mabuksan yung pinto. Puro files lang ang nandun. May nakita kaming telephone pero wala namang linya. Useless phone.

"Uy ano yun?" May gamit kasi na natatabunan ng maraming files.

"Tara alisin natin."

Inalis namin yung mga nakaharang at ang nahaharangan nun ay isang radyo.

"Yes! Dali ayusin nyo na para makahingi na tayo ng tulong." Sabi ko.

Hahawakan pa lang nila yung radyo e, may narinig kaming sunod sunod na kalabog. Nataranta kaming apat. Syempre ikaw ba naman makarinig ng malalakas na kalabog sa gantong klase ng sitwasyon. Hindi ja ba matataranta? Chineck out namin kung ano yon and then... What the fuck is this?!

Great Escape: Zombie Apocalypse 2012Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon