Chapter 13

2.7K 69 5
                                    

Hana's POV

Ayun nga, nakalabas na kami ng bundok. Umalis rin kami sa kotse na yun. Pinagpahingahan lang namin yun. Ang tanong, saan namin sila hahanapin. Hindi ko alam kung saan na nagsusuot yung mga yun no.

"Saan natin sila hahanapin?"-Krystal

"Yun ang hindi ko alam."

"Hindi importante kung hindi natin sila mahanap agad. Sure naman na safe sila kasi mga maparaan yun. Basta dapat walang malagas satin. Lalo na %& @%$#^&^."

Ano daw? Di namin naintindihan. Bulol ata to e. Ewan, baka siguro ako lang yung hindi naka intindi. Minsan kasi may pagka bingi ako e. Habang naglalakad kami, nadapa ako. You can call me as the stupidest person on earth. Pangalawa na to. Hay nako Hana bibinggo ka na.

"Yan di kasi nag-iingat." -Haji 

"Pwede bang hindi ko lang nakita ko yung dinadaanan ko? Dun ka na nga! Shupi!" Sabi ko sa kanya.

"L.Q nanaman sila." -Krystal

Eto nanaman tayo sa L.Q thing na yan. Nakakainis.  Di ko na lang pinansin, di naman big deal e. Eto nanaman kami sa walking marathon. Nasan na ba kasi sila? Kung pwede lang magsisigaw ng malakas dito ginawa ko na.

"Nasan na ba kasi sila?" -Haji

"Hindi ko alam pano tayo magsisimula. Pero salamat na rin ata wala na tayo sa bundok na yun"

"Hindi pa to oras para magpasalamat. Hindi pa natin nakikita yung mga kaibigan nyo." -Krystal

She got a point, bago kami magsaya, dapat nakalabas na kami sa hell city na to. Hindi ko to kabisado, hindi ko nga alam kung nasan na kami e. Nakahanap nanaman kami ng car, again and again. At sana naman makita na namin sila!

"Eto, hahanapin na talaga natin sila." -Krystal

I hope we find them... alive.

Kenji's POV

Whoo, nakakastress. Mga ilang araw na rin siguro kami dito sa bundok na to. Para kaming naghahanap sa kawalan.

"Uy labas na kaya tayo dito?" -Ako

"Ha? E pano sila Hana?" -Kyle

"Pakiramdam ko nakalabas na sila dito e. Malabo naman na nagpapakatagal pa sila sa gantong klasw ng lugar."

"Manghuhula ka ba?" -Hajime

Aba, loko to a?

"Basta, hindi naman nila alam na hinahanap natin sila diba? Kaya for sure nakalabas na sila. Mahirap na mamaya maligaw lang tayo dito tapos sila nakalabas na pala."

"E anong tawag natin dito? Naliligaw na nga tayo diba?" -Kyle

Isa pa to e. Bwisit mga kasama ko, puro salita. Tss. Mga 1 oras bago kami nakalabas ng bundok. Buti na lang walang zombie sa labasan kaya hindi kami masyadong kinabahan.

"Tara na, hanapin na natin sila." -Kyle

"Magpahinga muna tayo, kanina pa tayo paikot ikot sa bundok e." -Ako

"Sige, malapit bahay namin sa lugar na to. Dun muna tayo." -Hajime

Tapos naglakad na kami papunta sa bahay nila Hajime. Malapit daw.. malapit ba yung kalahating oras kang naglakad?! Pero ayos na rin, exercise na rin yun. Ininspect muna namin yung buong bahay kung walang zombie.

"It's safe in here, lets get in." -Hajime

Pumasok kami sa loob, we took a rest at kumain na rin. Tamang tama ubos na yung supplies na nadala namin.

"Gano tayo katagal dito?" -Kyle

"Hindi naman tayo magtatagal masyado, let's take some nap." -Hajime

Pumayag naman ako, isa rin kasi akong pagod e. Nag take muna kami ng konting tulog. Mga 10 hours  siguro kami nakatulog. Konti ba yun? Hahaha at pag gising namin... may mga zombie na sa labas. 

"Pano nila tayo natunton dito?!" -Ako

"Sense of smell siguro. Para silang aso diba? Malakas pang amoy."

Aish, oo nga. Nalimutan ko yun. Inabutan kami ng bagong baril ni Hajime, nawala kasi yung dati namin.

"Lalabanan natin sila. Konti pa lang naman yan e." -Hajime

"Game!" -Ako

Tapos lumabas na kami, at pinagbabaril mga zombie.

"Tara! Takbo na!" -Hajime

"Saan naman tayo pupunta ha?!" -Ako

"Away from here!"

"E saan nga e?!" -Ako

"Aish! Sumunod na lang kayo!"

Nakakainis siya.  Pero kailangan ko siyang pakisamahan e. Kaya ko to. Aja! Sinundan lang namin siya. Medyo malayo yung natakbo namin pero hindi niya pa rin sinasabi kung saan ba talaga destinasyon namin. Tapos may muntik makasagasa kay Kyle na kotse, hindi namin alam kung sino yung nasa loob. Tapos nung lumabas sila..

Great Escape: Zombie Apocalypse 2012Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon