Chapter 12

2.7K 72 10
                                    


Group of survivors yung nakita namin. Mga apat sila. Sa wakas madadagdagan nanaman kami. Nung nakalapit sila, sumama sila samin. Eto namang si Haji, hindi mapakali.

"Hana, wala ka bang napapansin sa kanila?"

"Wala naman. Bakit?"

"Ang puputla nila oh."

Ngayon ko lang napansin na maputla sila nung sinabi ni Haji. Hindi naman siguro sila infected diba? Mahirap na no mamaya bigla na lang kaming pagkakakainin ng mga to.

"Ano naman?"

"Hindi kaya infected sila?"

"Hindi naman siguro. Baka dahil lang sa malamig na panahon kaya sila namumutla."

Hindi ko inisip na infected silang apat. Ayoko mag isip ng kung ano. Medyo malayo layo na yung nalalakad namin tapos yung isa sa kanila, nanghina.

"Okay ka lang ba?"-Haji

"Okay lang ako."

Pero tingin ko hindi siya okay e. Ang putla niya na, grabe. Nagsisimula na akong mag doubt. Yung pagkaputla niya kasi hindi kagaya sa pagkaputla ng isang normal na tao.

"Umamin ka nga. Kayong lahat. Infected ba kayo?"-Krystal

"Hindi ah."

Tapos hindi na kami nagsalita, parang nagsisinungaling sila na ewan. Tapos nung naglakad na ulit kami, yung kinausap ko kanina nakaupo pa rin.

"Oy naglalakad na kami. Ayaw mo sumunod?"

Sabi ko tapos dahan dahan siyang lumingon samin.. zombie na siya. Sabi na nga ba infected to e. Nag sinungaling pa sila.

"Zombie na siya."

Ewan ko kung may galit ba to or what pero sa dami namin, ako ang unang una niyang inatake. Buti na lang binaril agad siya ni Krystal. Bakit ba ako lapitin ng zombie. Sana ng boys na lang e huhu. Landi hahaha.

"Bakit nyo siya binaril?!"

"Hindi na siya tao, zombie na siya. Hindi nyo ba nakikita?! Gusto nyong maging infected din? Gusto nyong kainin kayo ng kaibigan nyo?"

Tapos yung isa sa likod niya, bigla na lang siyang kinagat sa leeg. Zombie na rin pala.

"Sinungaling kayo! Mga infected pala kayo!"

"Pag sinabi namin na infected kami, syempre papatayin nyo kami diba?!"

Natahimik ako sa sinabi niya pero totoo naman. Once na may kasama kaming infected, no choice kami kung hindi patayin sila. Kahit naman siguro sino diba? Kaysa naman mabiktima pa nila kami. Gusto ko pang mabuhay. We have no other choice. Infected = kill.

"Iwan nyo na lang kami."

"Sige. Ingat kayo."

Iniwan namin sila. Pero hindi pa kami nakakalayo, hinabol agad nila kaming tatlo, zombie na silang tatlo. Napasubo tuloy kami sa bakbakan.

"Ang hirap ng magitwala kahit kanino. Gaya na lang nila." -Shaira

"Kaya nga, muntik na tayo dun."

"Hindi ka kasi nakinig sakin e." -Haji

"Hindi ko naman kasi aakalain na infected talaga sila! Tss."

"Edi ibig sabihin wala kang tiwala sakin." -Haji

Shoot. He got me in there.

"Wag na nga kayong mag l.q dyan. Ipagpaliban nyo na muna yan. Pag nakaalis na tayo dito saka kayo mag l.q ulit." -Krystal

Nanakbo ako papalayo dahil sa inis. Bahala na si batman kung saan ako mapupunta.. BOG!

"Araaaay! Bakit ba napaka malas ko. Huhuhu."

Sa lakas ng bonggang sigaw ko, natunton nila ako. Napakatanga mo talagang babae ka kahit kailan. Bigti ka na lang teh.

"Ayos ka lang?" -Haji

*awkward*

"Oo."

"Yan patakbo takbo pa kasi. Drama effect pa e." -Shaira

"Eh kasi---"

"Yan, may sugat ka. Hala ka magiging zombie ka na." -Haji

"Pag naging zombie ako ikaw ang unang kakainin ko."

*silence*

"Gusto mo ngayon pa lang kainin na kita?" Sabay sabi ni Haji.

"Whoa." -Krystal

"Che! Tumigil ka nga. Hindi yun ang ibig kong sabihin. Ang berde ng utak mo!"

"Hahaha ang cute mo talaga pa napipikon." -Haji

Alam kong cute ako pero pucha ang sakit. Parang nung iniwan niya ako. Ganto kasakit. Joke pakyu ka ex. May sugat na ako dahil sa animal trap, nadapa pa. Wala pa naman kaming dalang first aid kit. Dobleng sakit pero ayos lang, mas mahapdi dito ang pagiging zombie. Hinawakan ni Haji yung kamay ko. Ang awkward pucha.

"Bakit ba?"

"Para hindi ka na tumakbo." -Haji

Nakakahiya, hindi ko maalis kamay niya e. Ang higpit kasi ng kapit, bwisit. Feeling ko tuloy ang init ng mukha ko.

"Bagay kayo. Yieee." -Krystal

"Ate naman eh."

"Bagay daw tayo oh." -Haji

Mukha mo bagay. Wala akong time sa mga ganito. Saka, duhhhh! Kakakilala ko lang kay Haji no. Di ako easy to get na babae. At saka ang iniisip ko e ang maka survive at syempre pati na rin mga kaibigan namin na nahiwalay samin. Naiisip ko rin yung parents ko. Sana okay lang sila. Gusto ko sila makita ng buhay pa.

"Malapit na tayong makalabas dito." -Krystal

"Pano mo nasabe?" -Shaira

"Dito kasi ako dumaan nung nakapasok ako dito." -Krystal

Tama nga si Krystal, nakalabas kami ng bundok. Ngayon naman, hahanapin na namin sila Hajime. Hanapan nanaman. Tae kasj lagi na lang kami nagkakahiwa-hiwalay. Sana naman sa susunod hindi na. Ang hirap kaya makipaghanapan.

"Saan na punta natin?" -Ako

"Hahanapin yung mga kasama nyo. Hindi tayo pwede mag make move hangga't di natin sila nakikita no." -Krystal

"Pwede bang magpahinga muna tayo? Medyo pagod na kasi ako. Alam ko kayo rin." -Haji

"Pwede naman." -Krystal

"Oo nga pahinga na lang muna."-Shaira

Buti na lang nakahanap kami ng sasakyan, sana naman this time hindi na to masira. Pinagpahinga kami ni Krystal. Siya na daw bahala mag drive. Sa wakas medyo nakaramdam rin ng comfort.

"Sana makaalis na tayo dito." -Shaira

"Sana nga."

Nakakatuliro na kasi e. Matagal na rin simula nung nagkaroon ng outbreak. Hindi man lang kami ma rescue ng mga militar. Parang kahit alam nilang marami pang tao na nakikipaglaban para maka survive, hinahayaan lang nila.

"Grabe ang gulo na naidulot nila. Naging isang malaking mess na yung Pilipinas."

Sobra talaga. Wala pa kaming nakukuhang balita. Marami din kaming nakita na mga infected. Pero no choice kung hindi dedmahin sila. In order for us to be safe, and to live as well. Kung hindi naman sila infected, tutulungan namin sila e. Kaso kasi ayun nga, infected. Ikakapahamak namin pag tinulungan namin sila. Sana naman hindi kami nagkasalise nila Hajime. Saan ba kasi nagsosoot yung mga yun. Aish!

Great Escape: Zombie Apocalypse 2012Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon