Chapter Fifty-Two

4K 131 19
                                    

I slightly regret not finishing this at 50. Haha! Anyway, maraming salamat ulit! Yung mga nagko-comment, di lang ako maka-reply pero tuwang tuwa ako. Pramis. You all had me laughing so hard. Ewan ko baliw na ako. Haha! Labyu! :") Another set of sweet readers, well, from TEC. <3

Chapter Fifty-Two

Over

Nagising ako sa maingay na voice message ni Yas. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang unan at ikinumot ko pa sa akin ang makapal na comforter. But it still isn't enough to hinder the loud sound coming from my phone.

"Wakey wakey! It's your last day na sa OJT mo! Don't forget to wear your best today. Mag-make up ka naman kahit kaunti, okay? And oh, our J.Co, don't forget those." She giggled. "Anyway, I'm just wishing you luck because of... I don't know. Well, have a great day. See you later!"

Tinignan ko ang phone ko at nakita kong mali-late na ako for my last day! Kaagad akong naligo at nagpalit sa corporate attire. Nagmadali akong lumabas nang hindi kumakain. Dumaan lang ako sa Starbucks for a coffee and then I am off to the EB Building.

Dahil last day ko na ngayon ay wala akong masyadong ginawa. I already finished them all yesterday. Tatlong linggo rin akong wala sa bahay at gustong gusto ko nang umuwi. Kahit hindi ko ginustong malayo sa family at friends ay minabuti ko na ring mag-stay sa condo.

I am not running away. I thought I just needed a break. Iyon lang naman.

Personally akong nagpaalam kay ma'am Aitana Yuchengco. Nakakatakot dahil siya ang CEO ng kumpanya pero she's been very welcoming that I cannot leave without saying goodbye. Niyaya pa niya akong kumain ng dinner pero tumanggi ako dahil nasa office niya ang nakababata niyang kapatid, but she's around my age. I heard her name's Argylle. Maganda siya kaya lang hindi ko masilayan ang ngiti niya. Hindi ko na iyon pinansin.

Pwede pa akong makauwi ngayon sa bahay, kaya lang hindi pa ako nakakapag-empake kaya't nagpasya akong bukas na lang ng umaga ako uuwi. Sinabi ko iyon sa kanila kaya't si Yas at Ran na ang susundo sa akin.

Pumunta muna ako sa Fully Booked at nag-kape sa taas habang nagbabasa. Ang sarap sa pakiramdam nang makahinga nang ganito. I am away from things and it feels surreal. Relieving ang mabuhay ng magisa pero masaya kung kasama ang pamilya.

Habang naglalakad ako pabalik ng condo ay napaisip ako. Paguwi ko kaya ay may babalikan pa ako?

I know I didn't agree on having him with me here. May responsibilities siya roon at ayokong talikuran niya iyon dahil sa akin. Besides, babalik din naman ako. Hindi naman ako permanently na mawawala. Practicum lang ito at may isa pa akong school year sa Summerridge.

Sa tatlong linggong lumipas ay wala kaming koneksyon. Tinitigan ko ang screen ng phone ko na nasa thread ng conversation namin. Walang ni isang text mula sa kanya ang natanggap ko. Hindi ako nagrereklamo dahil hindi ko rin naman siya tini-text. Tanging ang mga kaibigan niya lang ang nakakausap ko.

Kinabukasan ay ayos na ayos akong naghihintay sa labas ng condo. Ang sabi nila ay mabilis lang nila akong dadaanan dito dahil kailangan naming mag-catch up. Nagtext sa akin si Yas na malapit na raw sila at maghanda na ako.

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon