Pang-apat na Kabanata

5K 11 7
                                    

PAALALA: Ang kuwentong inyong mababasa ay hango sa tunay na pangyayari. Ang mga pangalan ay sadyang iniba upang proteksyunan ang mga tao sa kuwento. Mayroong mga maseselan na bahagi ang kuwentong ito kaya hindi ito nararapat basahin ng mga bata. Kung ikaw ay hindi sang-ayon sa mga homoseksuwal na gawain, maaari po lamang na itigil ang inyong pagbasa at pumili na lang ng iba.

Para sa inyong mga komento at suhestiyon, maaari kayong mag-iwan ng komento dito o magsulat sa email address ko sa hubadnakatawan@gmail.com o mag-iwan ng kumento sa aking blog sa hubadnakatawan.blogspot.com.

Huwag ding kalimutang i-LIKE ang aming official fan page sa Facebook sa facebook.com/angpancakenijerry. Maari nyo kaming ibigay sa amin ang inyong katanungan tungkol sa mga tauhan sa kuwentong ito. Maraming salamat po.

ANG PANCAKE NI JERRY (PANG-APAT NA KABANATA)

Nakapako lang ang mga dilat na dilat na mga mata ko sa kanyang mga mata. Naisin ko mang tumingin sa bukol sa kanyang brief ay hindi ko magawa. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Parang gusto kong maglaho sa malaking kahihiyang nagawa.

"Kanina ka pa dyan?" Tanong nya. Hindi ako makakibo. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko. Kung magsisinungaling naman ako ay parang hindi kapani-paniwala. Blanko pa rin ang mukha ko. Blanko rin ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o sisimangot. Hindi ko naman alam kung nagagalit o natutuwa siya sa nangyari. Nagulat na lamang ako nang maramdaman kong unti unting tumitigas ang aking ari. Dyahe naman o. Bakit kasi kung kelan siya nakatingin sa akin saka pa ito tumigas. Ang masama pa nito, nakasuot lang ako ng manipis na salawal at wala pa akong pang-ilalim. Kaya nakabukol talaga ng husto ang aking titi. Tinakpan ko na lang ng aking kanang kamay ang bukol sa salawal na siyang dahilan para mapansin niya ang nangyayari sa loob ng aking shorts. Wala pa rin kaekspre-ekspresyon ang kanyang mukha na siyang nagdadagdag pa sa aking pagkatakot. Maya maya lang ay dahan dahan siyang lumapit sa pintuan at bahagyang itinaas ang kaliwang kamay na wari ko, ako ay inaabot. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa aking mga binti.

"Anong ginagawa niya? Hahawakan ba niya ako?" Naisip-isip ko. Ramdam man ang matinding takot, hindi ko pa rin magawang gumalaw. "Bakit siya lumalapit?" Bulong ko sa sarili. Medyo nanginginig pa ang aking mga binti habang nakikita ang lalaking papalapit. Wala akong nagawa kundi medyo ipitin ang aking mga braso't balikat at ibaling ang ulo sa gilid habang nakapikit. Pigil ang aking paghinga sa tindi ng takot na nadarama nang makarinig ako ng isang mahinang tunog.

DUUUGGGG...

KLIK...

Sinara niya lang pala ang pinto sa aking harapan saka ikinandado. Mukha lang akong tanga sa harap ng pintuan na 'yun. Nakaramdam na rin ako sa wakas ng kaunting kaginhawaan sa paghinga. Medyo lumiit na rin si manoy. Hindi talaga ako nakahinga ng regular ng halos siguro sampung minuto sa eksenang naganap. Talo ko pa ang taong sinakal. Ganoon pala ang pakiramdam ng makakita ng lalaking nakahubad. Para akong hahalayin. Nakakagutom, este nakakatakot pala.

"Ay, yung pinabili pala ni Mama." Napakaripas ako ng takbo pauwi ng bahay.

"Ma, eto na yung vetsin." Sabay abot ng binili sa nanay ko.

"Bakit ba sobrang tagal mong bumili? Susundan na dapat kita sa labas eh." Tanong ng nanay ko.

"Eh, ang tagal kasing sumagot ni Aling Bebs sa tindahan. Katok ako nang katok sa tindahan nila, iyun pala walang tao. Nasa bahay pala siya." Sabay ikot paitaas ng mga mata ko tanda ng pagsisinungaling.

"Lutuin ko na ang fried chicken natin at parating na Papa mo. Mabubuntal ako ng de oras kapag wala pang pagkaing nakahain sa mesa pag-uwi niya." Sabay punta sa kusina para tapusin ang pagluluto.

"Ihanda mo na ang mesa bago ka humarap sa TV." Utos ng nanay ko.

"Opo..." Sunod ko naman.

Pagkaayos ko ng mesa, bumalik na ako sa panonood ng TV. Alas siete y medya na pala. Late na ako sa panonoorin ko. Binuksan ko ang TV at inilipat ang istasyon sa channel 13. Madalas kasi puro cartoon ang palabas sa istasyon na iyon tuwing Biyernes ng gabi. Habang nanonood ako ng palabas, hindi ko mapigilang alalahanin ang nangyari kanina. Nawawala na ang atensyon ko sa pinapanood ko. Pilit kong inuulit-ulit ang eksena sa aking utak:

Ang Pancake ni Jerry (A Gay Yet True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon