Unang Kabanata

8.1K 13 1
                                    

PAALALA: Ang kuwentong inyong mababasa ay hango sa tunay na pangyayari. Ang mga pangalan ay sadyang iniba upang proteksyunan ang mga tao sa kuwento. Mayroong mga maseselan na bahagi ang kuwentong ito kaya hindi ito nararapat basahin ng mga bata. Kung ikaw ay hindi sang-ayon sa mga homoseksuwal na gawain, maaari po lamang na itigil ang inyong pagbasa at pumili na lang ng iba.

Para sa inyong mga komento at suhestiyon, maaari kayong mag-iwan ng komento dito o magsulat sa email address ko sa hubadnakatawan@gmail.com o mag-iwan ng kumento sa aking blog sa hubadnakatawan.blogspot.com.

Huwag ding kalimutang i-LIKE ang aming official fan page sa Facebook sa facebook.com/angpancakenijerry. Maari nyo kaming ibigay sa amin ang inyong katanungan tungkol sa mga tauhan sa kuwentong ito. Maraming salamat po.

ANG PANCAKE NI JERRY (UNANG KABANATA)

Ako si Laurence, tatlumpu't apat na taong gulang. Walang asawa at wala ring mga anak. Panganay ako sa aming apat na magkakapatid. Pangkaraniwan lamang ang aking histura pero marami ang pumapansin sa aking ilong. Medyo malaki pero may katangusan daw kasi. Marami din ang nagsasabi sa akin na maganda aking mga mata. Makapal daw kasi ang aking mga pilik-mata at masyadong malalantik. Kung titignan mo sa una, maaaring isipin mo na merong akong ginagamit kaya ganoon sila kalantik. Nagpapasalamat naman ako ng malaki sa Diyos sa kanyang binigay na talento sa akin dahil iyan ngayon ang bumubuhay sa akin. Nasa elementarya pa lang ako noong turuan akong kumuha ng litrato ng aking mabait na ama. Hindi ko naman naisip na ito pala ang aking magiging kapalaran. Humiwalay ako sa bahay ng aking mga magulang noong ako ay tatlumpung taong gulang na para medyo mabawasan ang hirap na nararanasan nila. Umaasa na minsan ay papalarin at makakahanap ng magandang trabaho upang makatulong sa aking pamilya.

Maliit pa lang ako noon, batid ko na may kakaiba na sa akin. Kilos lalaki ako sa labas, pero sa loob, parang meron akong tinatagong kalambutan. Nasa elementarya ako noon at napapansin ko na mas malapit ako sa mga babae kong kaklase. Mahilig akong magpatawa at gustung gusto kong pinapatawa ang mga kaklase ko. Lagi nga nila akong sinasama sa mga bahay nila at pinapakilala sa mga kaibigan at pamilya nila dahil sa husay kong magpatawa. Komedyante daw ako sabi ng matalik kong kaibigan. Medyo mahiyain pa ako niyan sa lagay na iyan.

Hilig ko ang magbasa ng mga komiks noon. Horror, Hiwaga at Funny Komiks ang mga paborito kong basahin. Meron dating isang maliit na patahian sa kanto malapit sa bahay namin at nagpaparenta sila ng mga komiks, sikwenta centavos ang isa. Kaya madalas pag-uwi ko galing sa eskuwelahan, dumadaan ako doon para tignan kung meron nang bagong babasahin. Minsan sa aking pagbabasa, nakakabasa ako ng mga maiinit na eksena. Mga magkakalaguyo na naghahalikan at naglalampungan sa dilim. Mga magnobyong humahanap ng mga nakaw na sandali. Mga magsing-irog na nagtatampisaw sa kaligayahan. Naisip kong bawal pa sa edad ko ang magbasa ng ganong mga temang babasahin, pero hindi ko mapigilan ang aking sarili. Hindi ko rin mapigilang tumingin sa larawan ng mga halos hubo't hubad na mga katawan na mga kalalakihan. Umiinit at humihigpit masyado ang paghawak ko sa komiks na binabasa ko.

Noong nag-high school ako puro mga babae pa ring mga kaklase ang nagiging kadikit ko. Meron ding mga lalaking kaklase ako na kalapit pero madalas kong iniiwan pag nagkikita na kami ng mga babae kong kaibigan. Sa aming silid aralan, hiwalay ang mga upuan ng mga babae sa mga lalaki. Pero hindi ko gusto iyon. Pilit ko pa ring umuupo sa tabi ng mga babae. Pinagbabawalan ng mga guro namin ang mga kaklase kong lalaki na umupo kung saan saan pero kapag ako na ang lumipat ng upuan ay hinahayaan na lamang ako.

Dating may kaya ang pamilya namin. May sariling bahay kami at hiwalay sa bahay ng lola ko. Magkatabi kami ng bahay ng lola ko. Dati niyang kasama ang lolo-lolohan ko na noon ay nabubuhay pa. Sa tapat naman ng bahay namin ay ang isa pa naming bahay na dati naming tinitirhan. Sabi ko sa iyo, dati kaming may kaya. Dami ng bahay namin ano? Katorse anyos ata ako noong mga panahong iyon. Medyo malaki ang bahay at merong ikalawang palapag. Merong sariling hagdaan sa labas para makaakyat sa taas ng bahay kaya hinayaan na lamang ng aking lola na patirahin sa taas ang kanyang kapatid. Ang baba naman ay pinaupahan niya sa isang mag- asawa.

Minsan, isang araw ng Biyernes. Papasok na ako ng eskuwela nang tanungin ako ng lola ko.

"Laurence," tawag ng lola ko sa akin. "Papasok ka na ba sa iskul mo?"

"Opo lola," sagot ko. "Bakit po?" agad kong tanong.

"Kasi, umalis na yung mag-asawa dyan sa paupahan natin. Tatlong buwan na kasing hindi nagbabayad ng kanilang upa. Mga putang ina nilang 'yan. Kaya hayun, pinalayas ko kahapon," kuwento ni lola.

"Oh, ano naman ang kinalaman ko doon?" tanong ko,

"Eh, meron kasing dadating ata na bagong uupa. Aalis kasi ako at magbabayad ng kuryente. Baka magkasalisi kami nung uupa." sabi ni lola.

"Eh papasok na po ako eh." sabi ko.

"Ah, sige, sabihan ko na lang ang Mama mo para siya ang maghintay sa uupa." agad niyang sabi.

"Okay, lola. Eh lola, pahinging baon." lambing ko kay lola.

"Ay puta, wala pa akong pera. Mamaya na lang hapon, mamaya pag-uwi mo," ani niya.

"Eh lola, mamaya mo pa ako bibigyan ng baon kung kelang nakauwi na ako galing iskul" drama ko.

"Eh sa wala talaga akong pera eh. Anong magagawa ko?" habol niya.

"Lola naman eh. " may konting tono na ng pagmamaktol.

"Wala nga akong pera. Eto bulbol ko, pagbuhul-buholin mo!" sigaw ni lola.

"Iyo na 'yan! Anong gagawin ko sa bulbol mo? Bastos talaga ni lola." sabay layas.

Pangkaraniwan lang ang buhay ko. Papasok, mag-aaral, makikipagkuwentuhan sa mga kaklase, kakain sa labas. Tapos uuwi. Ganoon ang buhay ko Lunes hanggang Biyernes. Araw araw na lang, iyon at iyon ang ginagawa, at iyon at iyon din ang nangyayari. Iyan ang akala ko. Wala akong hinala na sa araw na ito ay may espesyal na mangyayari. Makikilala ko si Jerry.

ABANGAN...

Paalala: Para sa inyong mga komento at suhestiyon, maaari kayong mag-iwan ng komento dito o magsulat sa email address ko sa hubadnakatawan@gmail.com o mag-iwan ng kumento sa aking blog sa hubadnakatawan.blogspot.com. Maraming salamat po. Like and comment.

Ang Pancake ni Jerry (A Gay Yet True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon