Pangalawang Kabanata

5.9K 8 14
                                    

PAALALA: Ang kuwentong inyong mababasa ay hango sa tunay na pangyayari. Ang mga pangalan ay sadyang iniba upang proteksyunan ang mga tao sa kuwento. Mayroong mga maseselan na bahagi ang kuwentong ito kaya hindi ito nararapat basahin ng mga bata. Kung ikaw ay hindi sang-ayon sa mga homoseksuwal na gawain, maaari po lamang na itigil ang inyong pagbasa at pumili na lang ng iba.

Para sa inyong mga komento at suhestiyon, maaari kayong mag-iwan ng komento dito o magsulat sa email address ko sa hubadnakatawan@gmail.com o mag-iwan ng kumento sa aking blog sa hubadnakatawan.blogspot.com.

Huwag ding kalimutang i-LIKE ang aming official fan page sa Facebook sa facebook.com/angpancakenijerry. Maari nyo kaming ibigay sa amin ang inyong katanungan tungkol sa mga tauhan sa kuwentong ito. Maraming salamat po.

ANG PANCAKE NI JERRY (PANGALAWANG KABANATA)

Gaya ng isang pangkaraniwang araw ng pasukan, sumakay ako ng jeep galing sa aming eskuwelahan. Hindi naman talaga ganoong kalayo ang pinapasukan ko. Puwede nga akong maglakad pauwi ng bahay sa loob lamang ng tatlumpong minuto. Pero dahil sa mura pa ang pamasahe noon (P1.50 lang ata kung hindi ako nagkakamali), sumasakay na ako ng jeep. Medyo mahirap sumakay nga lang ng jeep kasi lahat ng mga estudyante sa eskwelahan namin, atat na ata nang umuwi. Palibhasa kasi Biyernes at alas singko na nang hapon kaya lahat gusto nang umuwi. Pati mga guro namin, gusto na ring umuwi sa kanilang mga tahanan para makasama ang kanilang pamilya.

Dumiretso ako agad sa bahay namin, pumunta sa kuwarto ko at nagbihis ng pambahay. Konting hilamos ng mukha dahil nanlalagkit sa dumi at maghapong nasa labas. Binuksan ko ang telebisyon para manood ng aking paboritong programa, ang That's Entertainment ni German Moreno. Friday Edition iyon, kaya kung hindi ako nagkakamali, Friday Group na kinabibilangan nina Kristina Paner at Cris Villanueva ang hosts sa programa noong araw na iyon. Tuesday Group ang kina Manilyn Reynes at Kempee de Leon, Wednesday Group ang kina Sheryl Cruz at Romnick Sarmenta, at Thursday Group naman ang kina Smokey Manoloto at Vina Morales. Hindi ko maalala ang Monday Group, malamang andun ang hindi ko masyadong gustong mga artista gaya nina Lotlot de Leon, Marilyn Villamayor at Ramon Christopher. Nababaduyan kasi ako sa kanila lalo na sa programa nilang Lotlot and Friends sa Channel 9. Naalala ko naman, naiinis ako madalas sa grupo nina Smokey Manaloto at Vina Morales dahil linggu-linggo silang nananalo kapag Sabado at pasiklaban ng mga grupo. Oo, sila na ang magaling at sila na ang laging nananalo. Tanggap ko naman na mas magaling ang grupo nila sa pagsayaw. Kasi tuwing Sabado, parang may Masskara at Aliwan Festival pag sina Smokey Manaloto na ang humahataw. Pero siyempre, sa kantahan, mas gusto ko ang tambalang Manilyn Reynes at Kempee de Leon. Hindi ako boto kay Janno Gibbs. Binuntis nya kasi si Bing Loyzaga noon. At naalala ko kapag araw naman ng Linggo, hindi na ako masyadong nanonood ng German Moreno Show. Pangmatanda kasi. Co-hosts pa niya sina Jackie Lou Blanco at Lani Mercado na parang hindi naman akma sa edad ko noong panahong iyon.

Isang oras na ata akong nanonood ng telebisyon at medyo nakakaramdam na ako ng kaunting gutom kaya naisip kong lumabas at bumili sa tindahan ni Aling Bebs. Tamang tama at meron siyang tindang minatamis na saging con yelo at hamburger. Paborito kong kumain noon ng saging con yelo kasi nakakapatid ng uhaw at nakakatanggal pagod. Minsan naman kapag gusto ko ng mas malamig pa, pupunta naman ako sa tindahan ni Tita Joy sa kabila. Meron naman siyang tinda na tinatawag niyang snow cone. Pupunuin niya ng pagkarami-raming yelo ang isang malaking baso sabay lalagyan ng sago at isang 12 oz. na Royal. Naku, napakasarap at napakalamig. Sarap inumin lalo na kapag panahon ng tag-init. Tanggal talaga ang tinggil ko sa lamig. Hahaha. Nilagay ko sa isang maliit na mangkok ang saging con yelo ko at pinalastik ang hamburger. Iuuwi ko sa bahay para makakain ako ng miryenda habang nanonood ng TV.

Mga labinlimang metro ang layo ng bahay namin sa kalsada. Madadaanan ko pa ang bahay ng mga pinsan at mga tiyahin ko bago ako makarating sa bahay namin. Isang napakakitid na eskinita ang dinadaanan ko papasok sa amin at kadalasan kapag gabi na ay medyo may kadiliman. Hindi naman ako natatakot dahil sanay na ako sa daanan na iyon. Labing-anim na taon na kaming nakatira sa lugar na iyon kaya kabisado ko na ang daan kahit pa madilim. Pero minsan, pinapasukan ng mga kung anu-ano ang isip ko kaya napapatakbo ako kapag nakakaalala ako ng mga kuwento tungkol sa mga multo at mga maligno. Kapag sinusuwerte ako naman ako, minsan naaabutan kong bukas ang mga pinto ng mga bahay ng mga pinsan ko kaya may konting liwanag sa daan. Alas sais na ng gabi at medyo papadilim na.

Ang Pancake ni Jerry (A Gay Yet True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon