Pangatlong Kabanata

5K 10 0
                                    

PAALALA: Ang kuwentong inyong mababasa ay hango sa tunay na pangyayari. Ang mga pangalan ay sadyang iniba upang proteksyunan ang mga tao sa kuwento. Mayroong mga maseselan na bahagi ang kuwentong ito kaya hindi ito nararapat basahin ng mga bata. Kung ikaw ay hindi sang-ayon sa mga homoseksuwal na gawain, maaari po lamang na itigil ang inyong pagbasa at pumili na lang ng iba.

Para sa inyong mga komento at suhestiyon, maaari kayong mag-iwan ng komento dito o magsulat sa email address ko sa hubadnakatawan@gmail.com o mag-iwan ng kumento sa aking blog sa hubadnakatawan.blogspot.com.

Huwag ding kalimutang i-LIKE ang aming official fan page sa Facebook sa facebook.com/angpancakenijerry. Maari nyo kaming ibigay sa amin ang inyong katanungan tungkol sa mga tauhan sa kuwentong ito. Maraming salamat po.

ANG PANCAKE NI JERRY (PANGATLONG KABANATA)

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan. Dali-dali akong lumayo mula sa pintuan at kumaripas ng takbo. Tumakbo ako ng napakabilis na animo ako ay nasa isang karerahan. Hindi ako huminto sa aking pagtakbo hangga't hindi ko nararating ang pinaka-kalsada namin. Hindi rin ako lumingon. Natakot ako na baka ako ay nakita ng aming bagong kapitbahay. Hindi pa nga kami nagkakakilala, nagmukha na agad akong tanga. Napatigil na lang ako sa aking pagtakbo nang makita kong malapit na ako sa tindahan ni Aling Bebs. Napaupo ako sa tabing kalsada sa sobrang pagod mula aking pagtakbo. Noon ko lang napansin na ako'y hingal na hingal at kumakabog ang dibdib.

"Nakita kaya niya ako?" Tanong ko sa aking sarili. Sabay tingin sa aking paligid; natatakot na baka ako'y nasundan. Nagpahinga lang ako ng sandali. Makaraan ang isang minuto, tumayo na agad ako at tumuloy sa tindahan.

Mabait na kapitbahay si Aling Bebs. Tantiya ko, halos sikwenta anyos na siya. Maliit siya na babae, siguro wala pang limang talampakan ang taas. Kulot ang buhok at laging naka-clip. Minsan, nagbabata-bataan, nagsusuot ng headband. Araw-araw nagsusuot ng apron. Feeling chef pero puro banana-cue at kamote-cue lang naman ang niluluto. Palakuwento siya madalas, pero hindi ngayong gabi. Iskedule ata ng kanyang regla ngayon kaya medyo masungit.

"Padbilan po!" Sigaw ko. Ganyan ako noong bata ako. Hindi ko mabigkas ng tama ang "pabili" kaya "padbilan" ang sinasabi ko lagi. Walang sumagot.

Kumatok ako sa estante nila gamit ang sikwenta centavos na nasa aking maliit na kamay.

"Aling Bebs, isang vetsin nga po,"

"Malaki, maliit?" Ayun, sumagot din.

"Yung maliit lang po."Agad kong sagot.

"Walang maliit. Malaki lang meron." Malamlam ang kanyang salita. Mukhang aburido na naman sa kaaway na tindera sa katabi, kay Tita Joy.

"Si Aling Bebs naman, magtatanong pa kung gusto ko ng malaki o maliit, tapos malaki lang pala ang meron." Namilosopo na naman ako.

"Eh malaki lang ang meron. Kung gusto mo, subukan mo sa kabilang tindahan na laging panis ang mga paninda at baka meron." Ngitngit ni Aling Bebs.

"Malaki na nga ang bibilhin ko," sabi ko na merong kaunting pagtaas ng boses.

"Saka po pala dalawang Chocnut," dagdag ko.

"Malaki, maliit?" Ulit niya.

"Yung maliit. Mas masarap kasi ang maliit." Paliwanag ko.

"Walang maliit. Malaki lang meron." Ulit na naman niya.

"Ano ba 'yan Aling Bebs. Nang-iinis na naman po kayo." Sabi ko.

Napangiti na lang siya ng kaunti na wari ko'y nang-iinis.

Kinuha ko na lang ang mga pinamili ko at nagbayad.

Ang Pancake ni Jerry (A Gay Yet True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon