Pang-pitong Kabanata

4K 26 16
                                    

PAALALA: Ang kuwentong inyong mababasa ay hango sa tunay na pangyayari. Ang mga pangalan ay sadyang iniba upang proteksyunan ang mga tao sa kuwento. Mayroong mga maseselan na bahagi ang kuwentong ito kaya hindi ito nararapat basahin ng mga bata. Kung ikaw ay hindi sang-ayon sa mga homoseksuwal na gawain, maaari po lamang na itigil ang inyong pagbasa at pumili na lang ng iba.

Para sa inyong mga komento at suhestiyon, maaari kayong mag-iwan ng komento dito o magsulat sa email address ko sa hubadnakatawan@gmail.com o mag-iwan ng kumento sa aking blog sa hubadnakatawan.blogspot.com.

Huwag ding kalimutang i-LIKE ang aming official fan page sa Facebook sa facebook.com/angpancakenijerry. Maari nyo kaming ibigay sa amin ang inyong katanungan tungkol sa mga tauhan sa kuwentong ito. Maraming salamat po.

Note to Readers: Pagpasensiyahan ninyo na kung medyo natagalan ang paglathala ng ika-pitong kabanata ng kuwento ko. Medyo mahirap magsulat kapag abala sa trabaho. Mahirap ding magsulat kapag hindi ako dinadalaw ng inspirasyon. Maaaring mabagal ang pagsulat ko ng kuwento pero hindi ko kayo bibiguin at tatapusin ko ito. Sana ay hindi kayo magsasawang sumubaybay sa kuwento kong Ang Pancake ni Jerry.

ANG PANCAKE NI JERRY (PANG-PITONG KABANATA)

Pagkakain namin ng aming umagahan, umakyat ako sa aking silid at sinimulan ko na agad ang pagkagawa ng aking mga takdang-aralin. Ugali ko kasi na kapag araw ng Sabado, uunahin kong tapusin ang mga iyon. Mabuti nang wala akong alalahanin sa araw ng Sabado at Linggo. Minsan kasi kapag tinamad ako, nakakalimutan kong gawin ang mga takdang aralin ko. Sinimulan ko muna sa aking paboritong aralin, ang English. Tapos sinundan na ng Mathematics, Science at Music. Magpapananghalian na ng matapos ko ang lahat. Nakaramdam na naman ako ng konting pagkalam ng sikmura.

"Kroooookkkk... Oookkkk." Sabi ng sikmura ako.

Grabe, pati sikmura ko, may dialogue na rin. Hahaha.

"Alas dose na ata. Tumutunog na kasi ang tiyan ko sa gutom. Ang bilis ko namang magutom. Parang kakakain ko lang kanina, ngayon gutom na naman." Sabi ko sa aking sarili.

Iniligpit ko na ang mga kuwaderno ko sa aking malaking bag. Pati mga ballpen at lapis, ipinasok ko na rin sa aking pencil case. Saka ako bumaba sa salas.

"Hala! Alas dose trenta na pala!" Nagulat ako sa nakita sa orasan.

"Kanina pa kita tinatawag para kumain, hindi ka naman bumababa." Sabi ni Mama.

"Kasi naman, abala ako sa pagtapos ng aking mga takdang-aralin." Paliwanag ko.

"Kaya pala kumu-krok krok na ang tiyan ko, late na pala ako sa tanghalian."

"Sa lagay pala, kung hindi pa tumunog ang tiyan mo, hindi ka pa bababa?" Tanong ni Mama.

"Malamang, hindi. Napasobra ata ako sa sipag sa pag-aaral. Hindi naman ako nagkaka-honor sa iskul." Sabi ko.

"Naku, Laurence. Ang tagal mo nang hindi nagkaka-honor. Kinder ka pa nung huli kang naging first honor sa iskul ninyo. Kung hindi ka lang section 1 o SPED, talagang pupukpukin na kita. Subukan mong maging section 3 at babaliin ko ang mga hita mo." Banta ni Mama.

"Hindi ka naman sadista nyan, Mama." Sabi ko.

Kung noong kapanahunan namin ay meron nang Bantay Bata, matagal ko nang inireport ang nanay ko sa kanila. Nananakit eh. Hehe.

Umupo na ako sa aking puwesto sa aming lamesa para kumain. Napansin ko naman na fried chicken na naman ang ulam namin. Kaya pala medyo may kaingayan ang mga kapatid ko. Nag-aagawan kasi silang tatlo sa dalawang pirasong binti ng manok.

"Sinabi sa akin ni Mama, akin daw yung isang binti eh." Sabi ni Kevin.

"Eh, sa akin naman daw ang isang hita." Habol ni Kathy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Pancake ni Jerry (A Gay Yet True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon