CHAPTER 29 ~ Affiliate ~

151K 2.8K 314
                                    

CHAPTER 29

FREEZALE'S POV

"Ready?"

Tinignan ko si King na siyang nagtanong. Hinawakan ko ang kamay niya habang nakatingin kami sa isang maliit na bagay na siyang nagpapakaba sa aming dalawa ngayon. "Yes, Captain."

"I'm not."

Sa kabila ng sitwasyon ay hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Ilang beses na naming ginagawa ito at ganoon pa rin ang kaba na nararamdaman namin. Samantalang isang maliit na pregnancy kit lang naman ang kaharap namin.

Hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asa ni King. Alam namin na dadating ang panahon na mabibigyan kami muli ng anak. Nitong mga nakalipas na linggo nga ay napagtripan ni King na i-baby sit si Russia, ang anak ni Sky. Minsan din pinupuntahan namin si Den na ilang buwan ng buntis. Isang buwan na lang ata at kabuwanan na niya. We are both practicing and preparing ourselves for a baby.

Napatingin ako sa kit ng mag vibrate ang phone ko tanda ng alarm na sinet ko. Sabay naming tinignan ang resulta ng pregnancy test. Sumubsob siya sa leeg ko at mahigpit na niyakap ako nang makita namin na negatibo ang resulta no'n.

"I'm sorry, Freezale."

Marahang hinaplos ko ang buhok niya. "Hindi mo kasalanan. It's okay, King. Pwede pa naman natin na subukan ulit."

"Hanggang kailan? Gaano katagal natin kakayanin na makita ang paulit-ulit na negative results? Gaano katagal bago mo ako iwan dahil-"

Marahas na lumingon ako sa kaniya. Bahagya siya na napaatras ng makita ang galit sa mga mata ko. "Damn it, King! I can wait even if it takes years! Kahit na kwarenta o singkuenta na ako! Until my fucking ovaries can still bear a child!"

Inihilamos ni King ang kamay sa mukha niya. "I'm sorry. I just-"

"I won't leave. I'm your wife and I vowed to be with you through eternity. I will never leave."

Hinila niya ako palapit sa kaniya at magaang hinalikan sa noo. Bumuntong-hininga ako at gumanti ng yakap.

Sa maikling panahon na nagsama kami biglang mag-asawa, iilang beses na rin kami na nagtalo. Kasama naman talaga ata iyon sa buhay may asawa. Hindi din iilang beses na ako lagi ang nakikipag-away kay King. Naturalesa na kasi ata niya ang pagiging pasaway kaya laging umiinit ang ulo ko sa kaniya. Sa lahat ng pagkakataon na nag away kami, laging si King ang ngumingiti na lang at bigla na lang akong yayakapin para kalmahin ako.

King was never swayed by my coldness or for my new acquired emotion...me being temperamental. Basta na lang niya akong yayakapin o hahalikan kapag nasa Freeze Mode ako o kapag sinisigawan ko na siya. Samantalang ang mga co-agents ko ay tinatakbuhan ang pareho kong mood.

"Mukhang matatagalan pa bago dumating si baby Irish natin." bulong ni King sa tapat ng aking tenga.

"Siguro. Kaya kung gusto mo na magkaroon na tayo ng baby Irish, kumilos-kilos ka na."

Umangat ang gilid ng labi ko ng marinig ko na napatawa siya. Ganiyan lang yan, tinatawanan ang mga katarayan ko.

Lumabas na kami ng bathroom. Tumuloy ako sa living room para harapin ang laptop ko habang si King naman ay naiwan sa kwarto. Bahagya akong napangiti ng makita ko ang screensaver ng laptop ko. Nandoon ang pangalan ko at ni King kasama ang pangalang 'Irish'.

Irish kasi ang napagdesisyunan namin na ipangalan sa magiging anak namin. Lalaki man o babae. Nalaman kasi namin kung paano nakuha ni Sky ang pangalan ng baby niya. Galing daw sa cocktail drink na ininom niya ng muli silang magkita ni Adonis. Kaya nagdesisyon ako na doon na lang din ibase. Irish Car Bomb ang cocktail na ininom namin ni King ng gabing iyon kung saan nangyari ang una naming encounter.

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon