CHAPTER 15 ~ Falling In Love With A Rockstar ~

162K 3.2K 435
                                    

CHAPTER 15

FREEZALE'S POV

Nanatiling nakatutok ang mga mata ko sa telebisyon. Nakita ko na ang kung ano man na pinapanood ko. Pero ganoon parin ang epekto sa akin. Halos nagkagulo ang buong BHO CAMP para lamang pigilin ang balita. May ilang mga nakalusot katulad ng nasa harapan ko ngayon.

"Where's King? He should be fixing this!"

"Thunder, you know this kind of thing is normal when it comes to us. Nag o-over react ka na naman."

"Shut up, Archer. Just find King."

Tinanggal ko na ang atensyon ko sa balita sa telebisyon at nilingon si Kuya. Kanina niya pa kinokontak si King pero hindi sumasagot ang binata. "Calm down. He said he'll do something."

Lumabasa sa balita ang ilang mga litrato ni King kasama ang apat na babae. Kuha ito ng gabing nagkaroon kami ng swimming party noong isang araw. Sabihin na lang natin na isang eskandalo talaga ang mga litrato na lumabas. Because they're all naked.

Ang ikinagagalit pa ng BHO CAMP ay ang paglabas ng mukha ko sa litrato. Kuha kung saan hinalikan ako ni King ng gabing iyon. Ayon sa balita ako daw ang totoong girlfriend ni King at nagtaksil siya sa akin. Mayroon naman nagsasabi na isa lang ako na desperadang empleyado ni King na naghahabol rito.

"Hey, Comet! Change the channel to 93!" sigaw ni Archer na sumilip sa pintuan habang hawak ang telepono niya.

Nandito kami sa villa nas tinutuluyan ni Comet dito sa BHO CAMP. Kumilos si Comet at inilipat ang channel. Bumungad sa amin ang ngiting-ngiti na mukha ni King habang kausap si Hermes. Mukhang nakumbinsi niya ito na gawan siya ng maikling interview.

"So, King luck, what do you say with those pictures that went viral for just a day? Ito ba ay edited o totoo ang mga nasa larawan? At ano ang kinalaman sa issue ng iyong personal assistant?"

Ngumiti si King at kumaway sa camera. "Simulan natin sa assistant ko. My beautiful assistant is just my assistant. There's nothing going on between us. The kiss we shared was part of a game."

"And the pictures?"

Walang emosyon na makikita kay Hermes na siyang nag iinterview rito. Nagkatinginan kami ni kuya Thunder. Hermes is a jolly person. Kapag nasa ganitong mood siya hindi na kami magtataka kung basta na lang babalandra sa isang tabi ang kausap niya.

Nagkibit-balikat si King. "The pictures are real. I had some fun with the girls and they know what they're getting into. It's not like I forced them to be with me. I'm hell sure they enjoyed the night."

"Sino sa tingin mo ang nag padala sa media ng mga larawan?"

"I don't know and I really don't mind. It's just a picture."

"Your fans don't think that way."

Ngiting-ngiti na humarap sa camera si King at kumindat. "They're just jealous. They'll get over it. It's not like I'm getting married tomorrow or something. I'm still available. Very much available."

Napakurap ako ng biglang mamatay ang TV. Nilingon ko si Comet na siyang may hawak ng remote control. "King is just being stupid. We don't need to watch it. Nakikita na natin ang pagkasira-ulo niya araw-araw."

Tumawa si Archer at Rushmore. Si kuya Thunder ay nanatiling tahimik.

Nang lumabas ang balita ay mabilis na kumilos ang BHO CAMP para pigilin ito. Kahit na kasi parte ng isang sikat na banda si kuya Thunder hindi ibig sabihin no'n ay nagpopokus narin samin na pamilya niya ang media. Hindi maaring madawit ang mga agents sa ganitong eskandalo. Maliban kay kuya Thunder na bibihira din naman kumuha ng mission. Not like us.

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon