CHAPTER 11 ~ Dilemma ~

165K 3.2K 246
                                    

CHAPTER 11

FREEZALE'S POV

"Abnormal ka."

Napatingin sa akin si King na tahimik lang sa isang tabi. Nakatingin lang siya kaila Den at Rushmore na ngayon ay naglalandian na. May subuan pa ng palabok na nagaganap. Hindi ko din akalain na ang straight faced at laging walang pakielam sa mundo na si Rushmore ay kung makabungisngis ngayon ay wagas. Pag-ibig nga naman.

Finally, kasi nagawa nang magkasundo ng mga maliligalig na puso ng dalawang ito. Naging witness pa ako kasama ng mga band members ng Royalty. Magiging ganiyan din kaya ako? Lalo na ngayon na sa isang napakakomplikadong lalaki nahuhulog ng unti-unti ang puso ko.

Isang linggo na ang lumipas mula ng nangyari ang pag-atake sa amin. Isang linggo ko na din pinag-aaralan ang mission kay King. Pero wala parin akong makita na maaaring gumawa nito sa kaniya. Isang linggo ko din sinusubukan na dumistansiya sa kaniya. Kaya alam ko...alam ko na wala na akong kawala pa. Dahil nahihirapan ako na hindi siya makita. Kahit alam ko na hindi dapat. Na dapat kong matutunan na wala siya.

Dahil dito naman nagsisimula iyon diba? Kung pwede ko lang isalba ang sarili ko. Akala ko dati posible. Hindi pala. Kasi once na magkaroon ng free reign si heart. Umaabuso na.

"Kinakausap mo na ako ngayon? Woah, what a surprise!" eksaheradong bulalas ni King.

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Arte mo."

Katulad ng inaasahan ay tumawa lang siya. Wala atang kahit na ano na dinidibdib si King ng sobra-sobra. Easy go lucky.

"So..." panimula ko.

Tinignan niya ako. "What?"

"Bakit sinabi mo iyon kay Rushmore? Bakit mo siya tinanong kung sigurado ba siyang worth it si Den?" sabi ko na ang tinutukoy ay ang nangyari kanina. Sa gitna kasi ng mga kaganapan nang hindi pa nag-aaminan ang dalawa ay tinanong ni King si Rushmore tungkol roon.

"Gusto ko lang makita ni Den kung gaano siya kahalaga kay Rushmore."

"Come on, King. You're not that noble." Nilingon ko ang mga nagkakasiyahan bago ko ibinalik ang tingin ko kay King na doon na muling nakatingin. "Seryoso ka nang sinabi mo 'yon."

He sighed. "Yeah."

"Why?"

"Because I don't think she's worth it. Bakit kailangan i-suko ni Rushmore ang pangarap niya na matagal na niyang pinaghirapan para sa isang babae lang? He said he's willing to give up everything for her."

"Hindi ka pa na-i-in-love kaya hindi mo naiintindihan."

Nilingon niya ako. "And have you? Have you ever been in love?"

"No." Pero malapit na. Kaya dapat habang maaga pa mapigilan ko kung ano man ang makulit na damdaming ito na ayaw akong tigilan. "King."

"Hmm?"

"Ang pangarap na sinasabi mo, pinagsikapan ni Rushmore iyon para kay Den. Kaya anong magiging silbi no'n kung mawawala din naman ang taong mahal niya?" Nangako kasi si Rushmore na iaangat ang sarili niya hanggang sa makaya na niyang pantayan ang meron si Den. As always...pride.

"He has us."

Nakatingin lang ako sa kaniya. Binabawi ko na ang dating sinabi ko tungkol sa kaniya. Hindi man niya maintindihan ang kayang gawin ng isang tao para sa pagmamahal, at hindi man niya kayang ibigay ang puso niya para sa isang babae na pag-aalayan niya pati na ng tiwala niya, alam ko na hindi naman tuluyang estranghero anng pagmamahal kay King. Dahil mahal niya ang mga ka-banda niya.

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon